Prologue

204 6 0
                                    

This is it!

Mukha na siguro akong timang kakakausap sa sarili ko sa salamin ng kuwarto ko. Ganito kasi ako kapag kinakabahan. Well, who wouldn't kung makikita ko ba naman ang Brant brothers mamaya sa birthday party ng business partner ng lolo ko. I was like, "Seriously? I will be seeing the New York princes in flesh at the party?"

Kasama din kaya nila 'yung little sister nila na si Lily? Hmm. That girl is so adorable. I look forward on meeting her, too. I'm so excited.

But what if kasama din nila 'yung mom nila? Oh my gosh. Mukha pa namang striktang ina si Ms. Seymour. Napaka-intimidating din ng aura niya since she's once a top model. Nakakatakot.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbibilang ng one hanggang 100 but I decided to do it backwards para mag-focus ang isip ko sa pagbibilang at kahit papaano'y mawala ang kabang nararamdaman ko.

Tss. Okay naman sa simula ang pagbibilang ko kaso nung nasa 52 na ako, hindi ko namalayang pasulong na ulit ang bilang ko kaya nagtaka nalang ako nang nasa 128 na ako. Palpak ang pagbibilang ko kaya lumabas nalang ako at dederetso na sa hotel kung saan gaganapin ang party.

I arrived at the hotel at 5:45PM, just at the right time to be at the party that would start at 6:00PM. I parked my car at the parking lot of the hotel but of course, before ako bumaba, I checked on my hair and makeup if it's still okay.

"Ahh!"

Aray! Great world! My face! I just had a kiss with the ground. Who the hell drives recklessly in the parking lot?

I eyed the car that almost hit me. Tumayo ako at ininda ang naramdaman kong sakit sa paa ko para puntahan ang lecheng driver ng sasakyang 'to na hindi man lang lumabas.

"Hoy! Baba!"

I may be a daughter from an elite family pero nakadepende sa tao kung magiging desente pa ang approach ko sa kanila.

"Hoy! Bumaba ka sabi eh! Bakla ka ba? Bakit ayaw mong bumaba?"

Wala na akong pakialam kung gaano kalakas ang sigaw ko dito dahil parking lot naman 'to at walang tao. Nobody would attempt to stop me from this mofo!

Aba't ayaw mo talagang bumaba, ha?

Lumingon-lingon ako sa paligid at may nakita akong bato malapit sa akin. I don't know kung bakit may bato dito at kung paano napunta 'yan dito. Madali kong kinuha ang batong 'yun at akmang ibabato ko sa salamin ng Chevrolet niya ang hawak ko, bigla nalang siyang bumaba.

Huh. Scared cat.

"Whoa, whoa, whoa. Easy there. What the hell are you trying to do?!"

Aba! Kung makasigaw ang mokong, akala mo siya 'yung naargabyado ah.

"Excuse me lang ha! Huwag mo akong ma-what-the-hell-what-the-hell diyan. Kung makareact ka, parang ikaw 'yung nangudngod sa semento ah?

Ouch! My foot!

Napasama talaga 'yung bagsak ko. I think I sprained my foot and it's this mofo's fault! Tiningnan ko ang lalaking ito ng masama para makaramdam naman siya at makarinig man lang sana ng sorry pero tingnan mo nga naman, parang wala lang sa kanya ang nangyari sakin ah. Nakapoker face lang si kuya. Nilagay pa ang phone sa tainga at may tinawagan pa yata. Talagang ginagalit ako!

"Excuse me, you stupid driver! Tonight's supposed to be one of my most special nights because I'll finally have this chance para makilala ang Brant brothers but because of you and your stupid driving skills, malamang pa sa alamang na wala akong face na ihaharap sa kanila. You ruined my get up! My dress is a mess and I sprained my foot! Naku, tatanga-tanga kasi magmaneho eh! This is not an exclusive subdivision na walang taong dadaan nalang. Tsk. Paano ako pupunta ngayon sa party? Ganito, iika-ika? Haharap ako sa New York princes na mukhang sinumpang pilay? Gosh!"

Magsasalita pa sana ako pero hinarang niya sa mukha ko ang kanyang palad. After a few seconds, binaba niya ulit ang kamay niya at tiningnan ako from head to toe tsaka tiningnan ang sasakyan niya. What the—

"That's P5000."

What? What 5000?I gave him a confused look pero mahahalata pa rin sa muha ko na bad trip ako.

He smirked at pumasok sa kotse niya pero bago pa niya mapaandar ito, "Bayaran mo nalang ako sa school, feisty girl."

Napanganga ako sa tawag niya sakin at hindi ko nalang namalayan na nakasibat na pala ang loko.

Arghh!!! Who's that stupid, freaky, moronic, stupid, stupid guy? Just wow.

Very tarantado. Magkikita pa tayo, kung sino ka man. Lintik lang ang walang ganti.

Pambara Princess + Pilosopo PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon