Chapter 3: His car key

62 2 1
                                    

"Aray ko!" Parang umalog ang utak ko sa impact ng pagkakabangga ko.

Pagdilat ko ay may nakadagan sa akin na isang taong hindi ko makita ng malinaw ang mukha. Tumayo na rin naman siya agad at tiningnan lang ako. Pagkatapos nun ay tumakbo na siya palayo sa amin.

"AHHHHMMMPPPP—" Biglang tinakpan ni Chloe ang bungaga ko kaya hindi malinaw ang pagsigaw ko.

"Ano ka ba? Napakaeskandalosa mo naman! Huwag kang sumigaw dito sa hallway. May nagkaklase, uy. Okay? Itikom ang bibig at tumayo ka diyan. Para kang manganganak, nakabukaka ka pa."

Naisipan kong tumayo at nahiya sa posisyon ko. Skirt pa man din ang uniform namin. Buti nalang nakahalf-slip ako. Pero kasi naman! Shet 'yung lalaking 'yun! Shet talaga! Binangga niya ako! At tinakbuhan pa! Na naman!

Buwisit na buwisit na ako sa kanya ah. Nakakaloka na!

"Chloe. 'Yung lalaking 'yun!"

Tumingin siya sakin at pinagpag ang sa tingin ko'y alikabok sa palda ko. "Ano? Galit ka sa kanya? Hayaan mo na. Baka nagmamadali si kuya."

"What? Nagmamadali? That's not an excuse para hindi man lang mag-sorry sa pagkakabunggo niya sakin. Bakit? Sobrang tagal ba ng isa o dalawang segundo para humingi siya ng tawad?" I am furious, hell I am very furious.

"Oh. Oh, easy. Eh bakit sakin ka nagagalit?"

"Eh kanino ba dapat ako magalit? Sa pader na 'to?" Turo ko sa kaliwa namin.

"Oo na. Binabara mo pa ako. Bilis mo talaga magalit, noh?"

"Why not? Eh 'yung lalaking 'yun, wala talagang modo! Ilang beses na kaming nagkita tapos ganun lagi ang asta niya. Buwisit siya."

"Oh eh sino ba kasi 'yun?"

"I don't remember the name but he's one hell of a pilosopo guy!" I rolled my eyes.

"Ooooh. Pambara princess." She raised her right hand with the index finger up. "Plus pilosopo prince." She again raised her other index finger and made those two in contact. Binigyan niya pa ako ng nakakalokong ngiti.

"Yuck." I mumbled. "Those kind of guys are not my type, Chloe. Ayoko sa mga aroganteng tao. He is pilosopo, yes. But duh, he's not a prince. Tara na nga!"

When I stepped forward, may naapakan ako at nang tingnan ko ito ay susi pala—scratch that, it's a car key. For a Chevrolet.

It then hit me like a bulb lit up above my head and I smirked upon what I thought I could do with this car key. Pinulot ko ito at tsaka sumabay na kay Chloe sa paglalakad dahil maya-maya ay magsisimula na 'yung klase.

Nagklase lang kami buong araw at nakangiti lang ako na parang baliw dahil sa magandang ideya na pumasok talaga sa isip ko kanina. I was just thinking about doing something to his car nung isang araw and here it is! Iniisip ko palang ay parang nakapaghiganti na ako sa damuhong lalaking iyon. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang nawawala ang susi ng sasakyan niya?

"Huy, IC. Halika na, dismissal na. Labas na tayo."

Uwian na nga pala. Ang bilis ng araw. Ang normal ng araw na 'to. Well, maliban sa pagkakasalubong na naman namin nung kolokoy kaninang tanghali.

Paglabas naming ng room nila Chloe at Angel, parang may gulo sa hallway dahil ang daming estudyanteng nagkukumpulan. Gulo ata ng higher grade level. At talaga naman, nood lang mga estudyante eh hindi pa nag-awat. Ano 'to? Live scene ng isang action movie?

At dahil inatake kami ng curiosity, nakisingit kami sa nagkukumpulang mga estudyante. At dahil SC officer ang isa ko pang kaibigan na si Angel, nagpaka-officer na din siya sa away na nagaganap.

Pambara Princess + Pilosopo PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon