V.Kape sa Tanghalian

83 3 0
                                    

"E.J." 

Isang nakakagulat na tapik mula sa likod ko. 

"Ano ka ba naman Sarah?" 

Nagulat talaga ako sa pagbati sa akin ni Sarah mula sa likod. Gusto ko siyang hampasin ng hawak kong cell phone. Hindi niya ba alam na kasalukuyan akong umaatake. Badtrip talaga!  

" Masyado ka naman magugulatin E.J." sinabayan niya ng bahagyang tawa. 

Kaklase ko si Sarah. Isa siya sa mahuhusay sa klase namin. Mahusay siya sa pagkwenta at kahit sa ibang asignatura ay makikita ang ningas niya. Nakilala ko si Sarah noong 3rd day of school. Hindi kami nagkakalayo ng taas ni Sarah. Halos umabot na sa baywang ang tuwid at makintab niyang buhok. Isang kaaya-ayang babae si Sarah. Pero ang pinakagusto ko sa kaniya ay ang paraan niya manumit. Siya yung tipikal na rakista na babae. Laging nakapusod, may dalang gitara at mukhang mabigat ang mga kamay dahil sa puno ng accessory gaya ng Black Sabbath. 

"Ano bang pakay mo ha?" 

"Ang lalim mo naman magsalita!" 

"Nakakainis ka naman kasi! Bawas tuloy trophy ko!" 

"LOL na lang tayo" ngumiti siya. "Sa totoo lang hindi ka pa naman ganoon ka-late kanina! Kapapsok lang din noon ni ma'am" 

"Ah napagtripan niya ako ganoon?" 

"Hindi naman sa ganun, pagpasok niya kasi e agad niya pina-discuss ang asaynment, nagkataon walang may gawa. Nag-init agad ang ulo. Buti at may sagot ka." 

Hindi ko na malaman ang isasagot ko dahil sa hindi ko na rin alam ang patutunguhan ng usapan namin. 

"Pero hassle yun, halos hindi pa ako nakakapunas ng pawis dahil sa pagtakbo ko , pinag-explain naman agad ako." 

"Ang galing mo nga kanina e!" Mukhang masama ang ibig sabihin nito. "Pinagpaguran ko nga sagutin yun buong gabi pero hindi ko talaga makuha ang sagot. Paturo naman ako sayo. Mahusay ka pala sa Math." 

"Hindi ah! May nagturo sa akin." 

Sabi na nga ba at parang nakahanap ng kakumpitensya si Sarah. Business management ang dati niyang kurso at lumipat ngayon sa amin. Kilala siya sa kanilang kurso at isa sa mga maituturing na elitista sa klase. Tingin ko maraming bagay ang maari naming mapagkasunduan. 

"Hoy! E.J." boses pa lang alam ko na. Ang babaeng walang pakundangan sa sarili. 

"Sige Sarah! Una na ako, ayan na sila Angel." Kumaway sa akin si Sarah. Nginitian ko siya. Lumapit na ako kay Angel. 

"Tara maglunch na tayo! Sabay tayo kina James. Yung na-meet natin noong first day! Hindi ba gusto mo rin naman makita yung nakausap mong snob?" Nakangiting pagyayaya at panunukso ni Angel sa akin. 

"Ulupong ka!" 

"E.J. wait!" si Sarah biglang humabol. 

"Ano yun?" 

"Anu ba yan Sarah? Nagugutom na kami!" angal ni Angel habang patuloy kami naglalakad malapit sa entrance hall ng iskul kung saan sa may gilid ay may mga nakabalandrang mga white board na ginawang bulletin board.  

"E.J. tingnan mo ito." Huminto kami sa harapan ng bulletin board. "Math Challenge" ang title ng post na itinuturo ni Sarah. Nakasulat dito na dalawang miyembro ang bawat grupo na sasali. Mukhang mangangahas pa itong si Sarah. 

"Si Gen at Jek ang kilalang champion dito. Actually nakarating na rin sila sa Nationals at kilala sa iba't ibang iskul dahil sa halimaw talaga sila sa numero. Sali tayo E.J. sundan natin yapak nila." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Prinsesang Mahilig MagkapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon