" Hoy! Wag kang matulog diyan sa harap ng computer"
Isang pitik sa tenga ang naramdaman ko. Ang sakit. Bigla ako napabalingkwas. Si Kuya Chuck. Ang panganay kong kuya. May katangkaran at kilalang player ng basketball dito sa village namin. Chess player din siya pero di hamak na mas mataas ang rating ko sa kanya. Tumigil sa paglalaro mula ng matalo siya ni kuya Carlo sa championship na kung saan masusungkit sana niya ang title niya bilang isang National Master.
Oh! My Gosh! Mag-a-alas diyes na pala. Nakatulog ako sa harapan ng computer. Sobrang pagod ba naman kasi sa iskul. Nakakatuyo ng utak ang mag-aral sa mainit na classroom. Dito sa bahay naka-aircon ako tapos sa iskul, ewan ko ba. Naiwan ko palang bukas ang pinto kaya dumiretso na lang si kuya Chuck sa pagpasok. Kinakamusta daw ako ni tatay kung kumain na. Sumaglit ako sa ibaba para kumuha ng maiinom. Wala pa naman kasi akong balak matulog. Naabutan kong nag-a-analyze pa ng game sina tatay at kuya Carlo. Ang sipag talaga mag-aral. Lumapit ako. Sinpat maigi ang position ng game. Seryoso kaming tatlo. Nagsalita si kuya Carlo. " White to move. Grabe may atake na parehas". Walang umimik. Pero si tatay napansin kong tiningnan ako kahit na nakatitig ako sa chess board. Maya-maya pa ay dinampot ko ang pawn at nagsalita. "f4, attack lang ule!. Nagtinginan si tatay at kuya Carlo. " Geniuses!" mahinang banggit ni tatay. Tinapik niya ako. Alam ko na ang ibig sabihin noon. "Sige po! Tay! Akyat na po ako". Hindi na umimik ule si tatay. Nagpahabol si kuya Carlo. " You're so aggressive!". Nginitian ko na lang si kuya habang umaakyat ng hagdan.
Naupo uli ako sa computer. Suot ng salamin. Na-flood na pala ako ng message ni Angel. Pinapaalala yung assignment namin. Ang dami niyang tanong. Nireplyan ko lang siya ng "GMG'. Check muna ako ng news feed. Sabayan na rin ng research sa google. Kailangan ko tapusin na agad ang assignments ko. Ayaw ko pa naman ang napag-iiwanan sa klase. Kailangan mag-aral mabuti kahit napipilitan lang talaga ako. Bilin kasi ni nanay yun sa amin magkakapatid mula noong magsimula pa lang kaming mag-aral. Huwag daw namin i-disappoint si tatay dahil mataas raw ang expectations niya. Pero kahit minsan hindi ko pa siya nakita na nangamusta sa pag-aaral ko. Nakakatampo. Pero nakagawian ko na din mag-aral. Mataas ata ang curiousness ko sa utak. Basta kapag may gusto akong malaman, hindi ko tinantantanan hanggat di ko nalalaman. Gaya ng pagre-reformat ng computer. Minsan ko lang nakita si tatay na gingawa niya ang computer niya. Sinikap kong maging inosente habang pinapanood siya at sinasabayan ng paulit-ulit na tanong. Buti nga at hindi siya nakulitan sa akin noon. Ilang araw lang ang nakalipas ay pinapraktisan ko ang sarili kong computer. Awa naman ng Diyos, nagawa ko naman ng tama at hanggang sa ngayon ay mag-isa ko na lang nire-reformat ang computer ko. Marami ka naman kasi talagang matutunan sa mundo basta may pagsisikap ka lang. Minsan nga mas makabuluhan pa ang mga konseptong makikita mo sa kalsada kaysa sa mga impormasyon na nakasulat sa pisara. Minsan na rin naging forfeited yun OS(operating system) ng desktop ko. Reformat ang una kong solusyon pero naisipan ko muna kumonsulta kay kuya Chris. Ang sumunod sa panganay. Ang pinakaadik sa dota pero ang pinakamadiskarte kong kuya. Chess player din siya siyempre pero hindi na rin tinuloy dahil nga sa kaadikan sa dota. "Weak!" yan ang sinabi niya sa akin ng nagtanong ako sa kanya. Hindi ako kumibo. "Kapag may sipon ang anak mo papatayin mo ba at gagawa na lang ng bago" dugtong niya pa. Mainitin ang ulo ni kuya Chris sa akin pero hindi niya ako natitiis. " I-youtube mo" huling singhal niya sa akin bago niya ako tinalikuran. At naalis ko din ang windows genuine sa forfeited kong OS sa tulong ng youtube. Iba pa rin talaga ang may access sa internet. Balik sa pagcheck sa News Feed. Friends na pala sila James at Angel. Basta talaga nagwapuhan si Angel, add kaagad siya. Bigla ko tuloy naalala yung snob na nakakwentuhan ko. Silipin nga ang profile ni James. Click ng "add as friend". Bakit kaya ganun? Dapat naglagay din sila ng "add as an enemy" para may option ka at kung i-accept naman yun kung sakali edi exciting ang takbo ng buhay natin sa facebook. Bigla kong naisipan hanapin yung snob na nakakakwentuhan ko kanina. Pero mabilis rin pumasok sa isip ko kung paano ko yun gagawin. Hindi nga pala siya nagpakilala. Alangan naman isa-isahin ko ang list of friends nito ni James. Paano kung hindi pala niya tunay na picture ang profile picture nia dito sa FB. Nakakapagod. Interesado ako bigla kahit hindi ko alam ang dahilan. Pero ayoko magpagod sa isang lalakeng parang diwata na nagpapakamisteryoso. Sa dami ba naman ng nagtangkang magpakilala sa akin siya lang yun kakaiba. Una, hindi siya pala talaga nagpakilala. Hindi man lang binanggit ang pangalan o nakipagkamay lang man gaya ng ibang nangahas na lumapit sa akin. Ikalawa, hindi tinanong ang pangalan ko kahit nagawa na namin magkwentuhan ng kung anu-ano samantalang yan ang dapat unang tinatanong ng isang lalakeng gusto makipagkaibigan o makipagkilala. Ikatlo, paboritong kulay ang naisipan niyang tanungin sa halip na cellphone number ko. Pero tingin ko naging epektib naman ang style niya dahil kung number agad ang hiningi niya ay hindi ko rin naman siya pagtatangkaang kausapin. Hindi ko ba alam sa mga lalakeng yan. Cellphone number agad ang tinatanong. Mas inuuna pa nga nila yun alamin kaysa sa pangalan. Hindi ba nila alam na ang bastos ng dating nila. Paano na lang pala kung walang cellphone ang hingian nila ng number? Nakaka-offend lang sila ng babae sa ginagawa nila. Ang kaso may mga babae naman kasi na talaga naman ang bilis bumigay lalo na kapag my itsura ang humingi ng number. Kung kiligin akala mo matatapos ng lalakeng kumuha ng number niya ang mga problema niya sa mundo. Nakakaasiwa lang. Tapos na rin naman ako sa assignment ko at mas mainam ng matulog na lang. kakaiba rin talaga ang diskarte ng snob na yun. hindi ko tuloy maiwasang mapangiti kapag naalala ko ang kwentuhan namin. Biglang tumunog yung speaker. May notification ako. In-accept agad ako ni James. Biglang pumasok sa isip ko na isa-isahin ang list of friends niya. Kaso nakaramdam na ako ng antok, sa ibang oras na lang siguro. Isang tunog na naman ang narinig ko. Nag-message si Angel. Naka-facebook mobile ata ang loka. "Anong GMG?" nireplyan ko naman agad siya ng "Google mo Gaga" sabay log out ng PC at dumiretso sa higaan para magpahinga. Maaga pa ako bukas.