I. Ang Paborito Kong Kulay
"Differentiate integers and non- integer numbers"
"Integers are composed of negative and positive non-fractional numbers including zero while the non-integer numbers are composed of percent, fractions and decimal numbers."
Ito ang gusto ko sa klase. Tanong at sagot lang. Nasa college na kami kaya alam ko na hindi na ito kagaya ng dati na spoon feeding pa ang istilo para matuto. Pero kahit ganoon nga ang sistema ay kita mo na mahuhusay ang mga professors namin. Gamit na gamit ang higher order thinking skills mo sa mga binibitawan nilang mga tanong at activity. Mind torture nga raw sabi ng mga klasemeyt ko.
Petix lang mag-aral dito sa room 203. Eksaktong pampakalma ng utak ang ibinubugang lamig ng aircon. Hindi rin naman kasi talaga biro ang Math lalo na sa prof naming na ito. Kung baga sa pelikula e napakabilis ng phasing. Ang bilis naming lumipat ng topic kahit sabihin mo na basic algebra lang ang course description ng subject na ito. Mahirap pa siya magbigay ng mga problem set. On the spot niya iniisip ito at minsan pare-parehas kaming nag-so –solve at magka-come up lang sa sagot na undefined. Siya si Sir Talented. Magaling na sa Math, may husay pa sa arts. Naalala ko tuloy ng minsan niya akong tinanong kung ano daw ang Math, sumagot agad ako ng " Math is an abbreviation for Mental. Abuse. To. Human. " nangiti na lang siya at sabay banggit ng " Nakakalungkot naman ang iyong depinisyon".
Mababait ang mga professors sa university na ito. May mga pakisama at pakonswelo sa mga estudyante nila. Kahit baguhan lang ako e agad ko iyon napansin. Lalo na sa klase ko sa sociology ng minsan dini-discuss ni ma'am ang tungkol sa adaptation of human beings in their surroundings. Ewan ko ba. Biglang nangati ang bibig ko at di ko napigilan magsalita kay ma'am. " How can we adopt into this kind of room? Is it a conducive room for learning? I'm just wandering that this school practicing us whenever we will be get into hell in the near future. " Tulala ang buong klase pati si Ma'am Adaptation natigilan. Pero matalino si Ma'am. Hindi ako pinatulan. Kaunting side comment lang sabay lipat na agad ng topic. Saan kaya nagpa-inject si Ma'am ng ganun klase ng patience. Nabibili kaya iyon? Sa init ba naman ng room namin ay napigilan niya pang di mag-init ang ulo niya sa akin.
"Class dismissed!"
Sa wakas natapos din ang Math namin. Kanya –kanya ng larga itong mga kaklase ko. Pulbo dito. Pulbo doon. Suklay dito. Suklay doon. Akala mo hindi masisira ang mga porma nila kapag rumampa na sila dito sa campus naming na parang isang malaking aquarium dahil sa mga salamin na makikita mo mula sa labas. Nagkalat na ang mga estudyante sa lobby. May mga tambay lang at may ilan na sa lobby na talaga nagkaklase. Naisip ko lang kung paanong konsentrasyon ang ginagawa ng mga estudyante sa ganoon estado.
" Tara sama ka sa amin" Si Angel. Ang klasmeyt kong napakatahimik. Ilang araw rin siyang hindi nakapasok noong nakaraang lingo. Nagka-schedule ba naman kasi sa kanyang paboritong kausap na nebulizer. Sa sobrang init ba naman ng mga room na kung tawagin nila ay match box tapos susundan ng malalamig na room ay siguradong taas balikat ka aatakihin ng hika mo dito. Studying here is dangereous to our health.
"Saan ba?"
"Dito lang may kikilalanin lang tayo"
Nag-adik na naman ata itong grupo nila Angel. Diretso kami malapit sa faculty ng department namin. Maghintay lang daw kami. Hanggang sa pagpapakilala hintayan pa rin. Ang tagal ko na ngang hinihintay na ma-i-release ang i.d. pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Badtrip pa ako sa guwardiya sa gate.Mukhang trip ako. Araw-araw na ako dumadaan sa harap niya na walang i.d. ay di pa rin nagsasawa sa pagsita sa akin. May sumpong ata yun si Manong Guard na look alike ni Bayani ag Bayani.
" Ayan na pala sila "
Nakita ko na itong mga paparating na ito. Sila yun nasa assembly ng course namin. Kung hindi ako nagkakamali mga officers sila ng organization namin. Nakangiti ang isa kay Angel habang papalapit. Nakakainis ang dating nila dahil sa pareho silang maangas. Ang isa naman ay napakaseryoso ng itsura. Mukha siyang masungit at may pagka-snob. Nakakapagtaka lang at marami ang nagsasabi na kilala raw ito sa course namin.
"Hi Angel!" Bati ng may tirik-tirik na buhok. Mahusay siyang ngumiti kung tutuusin. Nakiupo siya sa amin kasama ng iba pang pakalat –kalat na arm chairs. Nag-umpisa na silang makipagkuwentuhan kasama pa ng tatlo namin na kaklase. Iyong snob na lalake tahimik lang sa kinauupuan niya. Hindi nakikisali. Halatang nawiwili na rin sina Angel sa pakikipag-usap kay James. Siya pala yun may tirik tirik na buhok. Ayos rin itong mga kasama ko may nakasama lang na ibang gwapo nakalimutan na ako. Hindi man lang ako inalok maupo.
"Huy!"
Sumenyas sa akin si Snob na maupo raw ako. Hindi ako kumibo. Pero sa totoo lang ay nangangalay na rin ako. Hindi niya rin naman ako kinulit at pinansin pa. Seryoso pa rin ang mukha niya habang nakatingin sa malayo na parang bang may iniisip. Madalas ko siyang napapansin na ganyan. Hinihimas ang baba niya na parang may balbas. Nag-iisip ng malalim kung paano niya sasakupin ang mundo.
"Anong paborito mong kulay?"
Ito agad ang bungad na tanong niya sa akin ng hindi ko na matiis ang ngalay at naupo ako sa malapit sa kaniya. Seryoso ang mukha niya habang nagtatanong kaya hindi ko alam kung seryoso ko siya sasagutin. Nag – aabang siya ng sagot mula sa akin.
"Blue dre"
Ngumiti siya sa akin. Sinuklian ko rin ito ng ngiti. Dinugtungan niya pa ang tanong niya na kung suot ko ba raw ito. Natawa ako at di ko sinasadya na mahampas siya sa braso. Hindi ko akalain na magbibiro siya ng ganun.
" Kung makahampas ka close tayo!"
Mukhang seryosong ewan ang itsura ng mukha niya. Humingi ako ng sorry sa kanya. Tinanggihan niya. May itatanong na lang daw ulit siya at di niya ko mapapatawad kung hindi ko maisasagot. Pinag-usapan namin ang derivation ng quadratic formula, binilang ang total squares and rectangles sa isang chessboard, nag-proof kami ng mga formula ng area ng mga plane figures, nauwi rin ang usapan sa mga sablay na laban ni Bonifacio at paghihinagpis ni Rizal. Ang mga kabaliwan ni Sigmund Freud at ang mga inspiring stories ni Edgar Allan Poe. Nagkatanungan kung sino si Robert Fulghum, Paulo Coelho, Dan Brown at Ernest Hemingway. Nagdiskusyon kung sino ang mas astig sa dalawa; Si Bob Ong ba o si Eros Atalia.
"Lunch na pala...James tara na! Sige salamat!"
Nagpaalam na ang snob. Sa totoo lang nawili ako makipag-usap sa kanya. Mali pala ang inaakala ko sa kanya. Aminado naman siya na may pagkasnob siya pero hindi naman pala siya masungit gaya ng inaasahaan ko.
"Teka! Hindi mo man lang ba tatanungin pangalan ko"
" Ok lang alam ko naman na paborito mong kulay"
"Ikaw anong pangalan mo?"
" Text mo na lang ako te" pasigaw nyang sagot habang papalayo na ang lakad niya sa amin. I-text ko raw siya. Hindi naman niya binigay number niya. Istilo rin ng lalakeng iyon.