NAKIPAGTAGISAN Si Dyan ng titig kay Ken, pero s'ya ang unang nag bawi ng tingin at humalukipkip.
"Bakit hindi ka nagsabi na dadating ka ngayon Ken?" tanong n'ya dito at pasimple na sinulyapan ang Guestroom, bago s'ya tumingin ulit sa lalaki.
"I've been calling you when I'm on my way here, pero hindi mo sinasagot. And isa pa,I don't intend to be here. Something just came up that's why I'm here," seryosong sagot neto.
Kung kanina ay hindi s'ya gaano kinabahan, ngayon naman ay nanghihina na ang tuhod n'ya sa kaba.
'Oh Goodness!'
"At dito muna ako until tomorrow," dagdag pa ni Ken.
Napa-upo na s'ya sa single sofa dahil baka ma-out balance s'ya bigla.
"Hindi ba pwede mag hotel ka na lang?" tanong n'ya.
Nakasanayan na ni Ken na dito naglalagi sa kanya, kahit may bahay naman ito dito sa Syudad.
Hindi naman s'ya naiilang sa lalaki dahil maliban sa malinaw pa sa sikat ng araw na si Estephanie ang gusto neto, kinakapatid n'ya rin ito, dahil inaanak s'ya ng Mommy ni Ken.
Gusto nyang kaltukan ang sarili ng makita ang nagtataka na ekspresyon ng kaibigan.
'Tanga mo gurl!'
"Why? Hindi na ba ako welcome dito sa condo mo? or may itinatago ka sa akin?" mapanghinala na tanong ni Ken sa kanya.
Sunod sunod ang naging pag lunok n'ya.
Hindi pa s'ya nakakasagot ng nabaling ang atensyon neto sa cellphone na nasa ibabaw ng center table.
Cellphone ni Estephanie!
'Patay! yari na!'
"A-ah, akin 'yan...A-ano...Ahmm...."
Hindi n'ya na natapos ang iba pa sana n'yang sasabihin ng umilaw ang screen ng phone nang bahagyang pindutin ni Ken ang botton neto sa gilid.
Bumungad ang screenlock na picture ni Fern at Estephanie noong kasal nila.
Automatic na nagdilim ang mukha ni Ken.
"A-ahh...hehehe..."
Hindi n'ya alam ang dapat e-react.
Sumandal si Ken at deretso na tumingin sa kanya.
Parang humihingi ito ng paliwanag kahit wala naman itong sinasabe.
"Kuwan kasi Kuya... si ano....Si Estephanie nandito s'ya, at dito muna s'ya mananatili pansamantala.."
'Napapa-Koya na'ko!Ampupu!'
Dinampot ulit ni Ken ang cellphone at nang e-swipe ng lalaki ang screen ay awtomatiko na nag play ang video doon.
Gustuhin n'ya mang agawin iyon ay hindi n'ya magawa! Ang kabog ng dibdib n'ya ay triple na ngayon kumpara kanina.
Video na kinuhanan ni Estephanie na may ginagawa na kababuyan ang kan'yang pinsan at ang sariling asawa.
"What the!" bulalas ni Ken dahil sa napanood.
Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ng lalaki, kulang na lang ay ihagis n'ya sa pader ang cellphone dahil sa sobrang galit neto.
Gusto n'yang takpan ang tenga n'ya dahil sa naririnig mula sa kinakapatid.
"How dare that f*cker did this to Estephie!? how could he!? that Assh*le will pay for this!" gigil na sambit ni Ken.
Hindi na lang s'ya nagsalita para gatungan ang lalaki.
"What is happening here?" tanong ng pamilyar na boses.
Sabay na napalingon sina Dyan at Ken sa nagsalita.
Nakita nila si Estephanie na nagtataka na nakatingin sa kanilang dalawa, at halatang bagong gising pa lamang ito.
****
"Hey?" tanong ni Estephanie, na kay Dyan ang tingin.
Hindi n'ya kayang salubungin ang tingin ni Ken.
Hindi sya tanga para isipin na wala pa itong alam, hawak neto ang cellphone n'ya.
Marahil ay pinagtatawanan na s'ya ng lalaki sa isip neto.
"Ahmm... ano bess.." tumayo si Dyan para lumapit sa kanya.
Ngumiti s'ya ng bahagya.
"How are you?" tanong ng baritonong boses na nagpatigil kay Dyan sa paglapit sa kanya.
Napayuko s'ya, dahil sa tanong na iyon ay nanumbalik ang purong sakit na para bang pinipiga ng tanong na iyon ang buong pagkatao n'ya.
"Hey, sshhh... don't cry Estephie..." anang lalaki.
Nasa harap na s'ya neto ngayon at inaalo s'ya.
Humagulgul s'ya habang nakayuko. Hindi n'ya kayang salubungin ang tingin ng lalaki.
Ayaw n'ya,pero wala s'yang nagawa ng dahan dahan na inangat neto ang kanyang mukha.
Wala s'yang ibang choice kundi ang tumingin sa nag-aalalang tingin ni Ken.
Kapagkuwa'y hindi n'ya na napigilan ang sarili at sumubsob sa dibdib neto at doon ay nag-iiyak. Yumakap ang matitipunong braso ng lalaki sa kan'yang bewang.
"It's okay, it's okay... h'wag ka ng umiyak please... I can't stand seeing you like this Estephanie, so please stop..." marahan na hinahaplos ni Ken ang kan'yang likod.
Pinapatahan s'ya.
"A-ang sakit-sakit Ken! Ang sakit!" sigaw n'ya habang nakasubsob pa rin s'ya sa dibdib ni Ken.
Wala na s'yang pakialam kung malukot man ang laylayan ng suot netong polo, ang gusto n'ya lang ngayon ay umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod s'ya.
Ilang taon na ba na hindi maganda ang lagay ng pagkakaibigan nila ng lalaki?
Since nagpakasal s'ya kay Fern ay hindi na sila nagkausap pa ni Ken, ni kahit dumalo sa kasal n'ya ay hindi neto ginawa.
Naintidhan n'ya naman iyon.
Noong una ay ayaw ni Ken kay Fern,kahit pa mabait ang lalaki sa kanya.
Pero kalaunan ay naging okay naman sila, naging mas close pa nga.
Hindi n'ya alam kung ano ang nangyari, basta isang araw, ay hindi na maganda ang turingan nina Ken at Fern.
Lalo pa noong sinagot n'ya si Fern at nasundan pa noong pumayag s'yang magpakasal sa taksil n'yang kabiyak.
Nakipag-usap sa kanya si Ken at sinabe sa kanya na i-urong nalang ang kasal.
Na h'wag s'yang magpadala sa mga salita ng matalik nilang kaibigan.
Pero hindi s'ya nakinig at kinwestyon ang sinabe ng lalaki.
Noon na tanga pa s'ya ay hindi n'ya makuha ang ibig netong sabihin, pero hindi na ngayon.
She's finally Awaken.
Hindi n'ya sana mapapansin na iniiwasan s'ya ng lalaki kung nagpapakita ito sa mga celebration ng sarili netong pamilya sa tuwing invited s'ya, pero hindi.
Palaging sinasabi ni Dyan sa kanya na busy ang kinakapatid kaya palagi itong wala.
Pero noong nag surprise visit s'ya at itinaon na may kasayahan sa Mansion ng mga ito sa Davao ay nandoon ang lalaki at gulat pa itong napatingin sa kanya.
At ilang iglap lang ay hindi n'ya na ulit ito mahagilap.
BINABASA MO ANG
Crossing Over Boundaries|SB19_KEN | Completed
RomanceHer heart was broken into million pieces because of the unexpected things she never thought that will possible to happened. Her long term Boy best friend Ken, came and did his best to mend her heart. Magagawa kaya ni Ken na buohin muli ang puso ni...