Chapter 5

33 11 7
                                    

NASA Tapat na nang Building na pagmamay-ari ni Estephanie ang sasakyan ni Ken.

Hindi pa in-unlock ng lalaki ang pinto niyon.

"Are you sure na kaya mo na?" may bahid ng pag-aalala ang boses na tanong ng binata kay Estephanie.

"Oo, kaya ko naman na, salamat," sagot nya.

Kahit parang napipilitan lang ay binuksan na neto ang pagkaka-lock ng pinto.
Pero bago makababa ng tuluyan si Estephanie ay hinawakan s'ya ni Ken sa braso.

"Update me whatever happens, and please,   don't make me worry," seryoso ang anyo ng lalaki pero batid nyang nag-aalala lang ito sa kanya.

She give Ken a reassuring smile.

"I will." Nakangiti n'yang sagot.

Nang makababa ay dumeretso na s'ya sa loob ng Building. She compose herself, ayaw n'yang may makapansin na durog sya... At least man lang may matira sa kanya kahit ang pride n'ya na lang.

Masaya n'yang binabati pabalik ang mga empleyado na nakaksalamuha n'ya. Pero pag tapak ng kan'yang mga paa sa palapag kung nasaan ang Conference Room at Office n'ya at naging cold ang ekspresyon n'ya, ngumiti lang s'ya ng bahagya ng salubongin s'ya ni Sarah.

Ang Secretary n'ya.

"Good morning Ma'am... nasa office n'yo po sila Sir at Ma'am Sophia," magalang na imporma sa kanya ng kan'yang sekretarya, ngunit mayroon sa tingin neto na parang nagsasabi na dapat ay magkaroon na s'ya ng hinala sa dalawa, ngunit hindi lang neto masabi-sabi sa kanya.

"Thanks Sarah," tugon n'ya.

Naglakad na s'ya patungo sa Office n'ya, habang naka buntot lang sa kanya si Sarah.

Huminto lang ito nang marating ang mesa neto.

Hindi na s'ya nag abala na lumingon pa kay Sarah at dere-deretso s'yang pumasok sa loob ng opisina n'ya.

Nahihirapan man ang kan'yang kalooban dahil sa nangyari, ay wala s'yang iba na gustong gawin kundi ang sundin ang idinidikta ng Isip n'ya.

She have to save her pride.

Napatayo ang dalawa nang makita s'ya na pumasok sa loob. Magkatabi ang dalawa at makakapal ang mukha na tinignan s'ya sa mga mata.

She wear her calm yet fierce look, just to hide her anger rising into her boiling point.

Who wouldn't be? Kung ngayon ay kaharap nya na ang dalawang tao na sumira sa tiwala n'ya.

"Please put your resignation letters on top of my table," iniwas n'ya ang kanyang tingin sa dalawa at nagkalad patungo sa swivel chair sa likod ng Mahogany table.

Nang hindi gumalaw ang dalawa ay tinignan n'ya ang mga ito.

"What?Where is your Resignation letters?" kalmado na tanong n'ya.

"We'll not going to resign," sagot ni Fern.

Matapang ito na sinalubong ang kan'yang mga tingin.

"So what do you want me to do? Fire the both of you?" walang gana na tanong n'ya.

Nanlisik ang mga mata ni Fern at Sophia. Tinaasan n'ya lang ang mga ito ng kilay.

"You can't do that!" asik ni Sophia.

Naka cross arm pa ito.

"Really? Who you ba? para sabihin sa akin yan?" tanong n'ya.

"Hindi mo kayang pamunuan ang kompanya na ito ng wala ang mga tulong namin!" bulyaw ng lalaki sa kanya.

Tumawa s'ya ng pagak. Hindi n'ya alam kung saan ba nakuha ng babae ang ideya na iyon.

"Who told you that? ganyan ka na ba ka bilib sa sarili mo dahil lang napaikot n'yo ako?" tanong n'ya.

"Hindi ibig sabihin na nauto n'yo ako ng matindi ay nangangahulugan na mahina na ako, na hindi ko kayang pamunuan ang sarili kong kompanya!" gigil na saad n'ya.

Kumawala na ang pagtitimpi n'ya.

Sumusobra na ang mga ito!

Natigilan naman si Sophia.

"Alam ko na may pagkakamali ako Teph, pero hindi naman 'yon gaano kalaki na darating sa ponto na aalisin mo na kami dito sa Kompanya! You awe me big time!" panunumbat ni Fern sa kanya.

Naningkit ang mga mata n'ya sa galit.

"Ang kapal naman ng mukha mo na manumbat ng ganyan sa akin tarant*do ka!  Eh 'yong pagpapa-aral ni Daddy sa'yo!? 'yong pag tanggap ng pamilya ko sa'yo bilang kabiyak ko kahit sa tingin nila ay hindi dapat, dahil itinuring ka na nilang anak!

Inakit mo lang ako, at pina-ibig para lang makakuha ng mataas na posisyon sa kompanya na iniwan ng parents ko sa akin!" hinihingal na sumbat n'ya.

Natigilan naman ang dalawa, hindi maka imik.

"Sa tingin ko, sapat na ang ilang taon na pananamasa sa pagkakaroon ng mataas na posisyon. I am now firing the both of you," pigil ang luha na Saad nya.

Magpo-protesta pa sana si Sophia,pero hinigit na ito ni Fern sa braso.Bago sila makalabas nang tuluyan ay nag iwan si Fern ng katagang nagpahina sa kanyang tuhod.

"You can fire us, but I will not let you get away with me. Hindi ko hahayaan na makipaghiwalay ka sa akin ng tuluyan."

Nanghihina na na-upo si Estephanie sa kanyang swivel chair.

Crossing Over Boundaries|SB19_KEN | Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon