Ten

35 1 0
                                    

Nalaman ko din ang pinagmulan ng
mga vampira...

Hindi nag tagal pumanaw ang asawa ng duke, hindi niya ito matanggap...
Usap-usapan noon na ang dugo ng mga bata at birhen na mga babae ay nagbibigay ng walang hanggang buhay, ipinadukot ng duke ang mga bata, mga dalagang birhen at walang awa silang pinugutan patiwarik at sinasala ang kanilang mga dugo.
Inilagay ng duke ang patay niyang asawa sa isang parang kahon na gawa sa marmol, dito ibinubuhos ang dugo ng mga kawawang  biktima at dahil kailangan daw itong inumin ginagamit niya ang sariling bibig para sana isalin sa kanyang walang buhay na asawa ang dugo. Parang nababaliw na ang duke, naging malupit ito at tila nawawala sa sarili.

Ni hindi na ito lumalabas sa kuwarto kung saan naroon ang nabubulok na asawa, maririnig sa kastilyo ang minsan pagtawa, pag-iyak o mas madalas ang pagsigaw nito at paninisi kay Lycan, hinding-hindi niya ito mapapatawad dahil sa nabigong dalhin nito ang kahit isang Luna.. Nalulong ang duke sa mga dark magic books lahat ng may kinalaman sa muling pagka-buhay..

Palaging sinusubukan ng duke ang iba't-ibang orasyon pati klase ng dark magic, palagi niyang isina-sakripisyo ang mga hayop, bata matanda babae o lalaki.
Sa kabilang banda nakapag-asawa si Lycan at nagkaroon ng anak na babae alam niyang may mga malaking pagkakasala siyang nagawa ngunit nais niyang magbago kaya nagtago sila ng kanyang pamilya sa malayong lugar para sana hindi mahanap ng baliw na duke.. Ngunit sila ay nahuli at ikinulong sa kastilyo,.

Sa harapan mismo ni Lycan pinaslang ang kanyang asawa at anak, wala siyang magawa.. makapal ang kadena sa kanyang mga kamay at mga paa hindi niya ito kayang putulin sa pagiging katawang tao niya, isa pa sa napaslang ay ang anak ng pinaka makapangyarihang mangkukulam, naghihinagpis na nakipag-kasundo ito sa diyablo upang sumpain ang duke.. “Ikaw na walang awa! minahal mo ang iyong kabiyak, ngunit kahit katiting hindi mo pina-halagahan ang buhay na iyong mga sinayang!! Sino ka para kitliin ang buhay nila?! Isinusumpa ko!! itatakwil ka ng araw! Tanging dugo ang papatid sa iyong uhaw!! at ang iyong iniibig ay hindi mo makakasama!! pagkat ikaw ang magiging saksi sa lahat ng paghihirap at pasakit kahit gusto mong kitliin ang iyong buhay dahil sa sakit kahit iyon ay hindi matutupad!! HABANG BUHAY KANG MAGDURUSA!!..

Ang winika ng mangkukulam at siya ay naglaho, Nang sumapit ang gabi nakawala si Lycan at galit na galit na hinanap niya ang duke, nang makita niya ito ay nagpalit anyo siya at kanyang sinagpang ang baliw na duke, ngunit tumalab na ang sumpa..
Kahit anong kagat at kalmot niya sa duke, bumabangon pa rin ito at naghihilom ang sugat, para na rin itong mabagsik na hayop may pangil at pulang mata parehas na din ang kanilang lakas...

Walang nakaka alam kung kailan nagtapos ang labanan ng dalawa o kung natapos ito.. pero isa ang sigurado nakaya nilang baguhin ang iba at maging tulad nila at magparami, na may galit sa magkabilang panig....

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon