Thirteen

26 1 0
                                    

“You're here'... sabi ni Uno kay Gabriel, siya ang drummer ng bandang Chaos Angel, he's also a wind user, ‘I see". sabi pa nito nang malaman kung sino ang tinitingnan niya.
“Tell the others....the girl is my conquest, and no harm shall befall upon her, if someone tried to harm her, I'll kill that peasant. mahinahong sabi ni Gabriel, pero dama ni Uno ang kaseryosohan ng mga salita.

Samantala sa bahay nila Lucas, “Kailangan nating mas lalong mag ingat, hihingi ako ng tulong sa iba pang mga wolf pack lider para ipadala ang kanilang magagaling na fighter.... hindi ko hahayaang makuha nila ang anak ko!". Emosyonal na sabi ni Leah, ang mama ni Harika.
“Pero pinuno... kaya kong protektahan si Harika, hindi ko siya iiwan at babantayan ko siya para walang makalapit na vampira, isa pa alam na ng mga Vampire Alliance ang tungkol sa kanya, mas mahahalata nila ang ating paghahanda pag nakita nilang marami ang nagbabantay sa kanya"..
Sagot ni Lucas.

“Ang inaalala ko ay ang prince, walang nakaka-alam kung nasaan siya, pero sa pagkaka-alam ko marami ang gustong siya na ang gawing Vampire King, marami ang minamadali ang lahat habang ang duke ay nasa kanyang pagtulog".. Ang sabi naman ni Alfred na ama ni Harika.

“Nasaan nga pala si Harika?” ang tanong ni Monette ang mama ni Lucas. “Nasa gubat, nalaman naming may Earth touch siya, kaya niyang manipulahin ang lahat ng may kinalaman sa lupa, mga puno at halaman'. Sagot ni Leah,
‘Isa sa powerful element, pero mas dapat maturuan natin siya ng self defence... at dapat alam niya kung ano-ano ang mga kahinaan ng mga magiging kalaban niya' sa tingin ko din maraming mga wolf ang magtatangka ng masama dahil kung ayaw nila na mag karoon ng Vampire King mas gugustuhin na nilang siya ang saktan!". Sabat ni Lionell ang tatay ni Lucas.
Ang lahat ay natahimik sa sinabi niya.

Tuwang-tuwa si Harika ng malaman niyang kaya niyang pagalawin ang lahat ng may kinalaman sa lupa, kaya niyang patubuin ang mga buto sa isang iglap, ang pa-usugin ang mga naglalakihang bato at ang hindi alamng mga magulang niya pati ni Lucas ay isa din siyang healer, napapatubo at nakakaya niyang buhayin ang mga lanta nang mga puno napagbubunga ang mga matatanda nang puno. Kanina nasubukan niyang pagalingin ang isang munting ibon na nalaglag sa kanyang nest.

Nangpapa-gabi na ay dun palang niya naisipang umuwi nagpunta kasi kanina ang mga magulang niya kanila Lucas, mas gusto naman niya iyon para masanay pa ang kakayahan.

Nang makita ni Gabriel na naka-uwi ng maayos ang babae, nag anyong mist siya at nawala.....

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon