seventeen

0 0 0
                                    

The three vampire masters didn't even give Harika a chance to breath,
Sinunod-sunod nila ang pag atake sa iba't-ibang direksyon.
She dodge, she run and she counter attack. 
Mabilis nang nahahasa ang mga kakayahan niya.

Bigla ang paglambot ng lupang kinakatayuan niya naging kumunoy iyon at mabilis siyang lumulubog.
Nakita niyang ngumiti si Dimitri, pero naging maagap din siya, pinatubo niya ang isang baging, at nangunyapit siya dito paalis sa putik, hindi pa man siya nakakatuntong sa lupa ay inulan siya ng mga malabatong yelo, medyo masakit kaya inangilan ni Harika si Sky, pinagliyab niya ang buong katawan kaya natutunaw ang mga yelo kapag tumatama sa kanya, nakita  niya ang parating na bolang  apoy na napakalaki.
Napailing siya at napangiti  dahil alam niyang walang epekto ang ginagawa ni Allan.

“Ako naman!” ang mayabang ng sigaw ni Harika.

Pinagalaw ni Harika ang halamang nakapaligid kay Dimitri, naging isang malaking hawla ito na nagkulong sa lalaki,  inutusan niyang igapos ito para hindi magamit ang kamay pati ang bibig para hindi maka- counter attack,  ang  ikina iba ng kapangyarihan ni  Harika ay kahit sa isip napapalabas niya ang kakayahan, ngunit ang mga beteranong vampira ay kailangan pang bigkasin ang kanilang spell magic.
May ilang araw na silang sinasanay siya. Si Gabriel nalang ang  hindi pa nakikisali sa pagtuturo sa kanya,  nakamasid  lang ito sa isang tabi, at madalas nawawala.

Si Lucas naman ay sinasanay ng ama, hindi niya ito madalas makita maliban sa pagkain, Medyo kakaiba narin ang ikinikilos nito at madalas daw ang pagsakit ng ulo at pagsama ng katawan sabi ng mama ni  Harika.
May naririnig siyang bulong-bulungan, na maaaring nagsisimula na ang pace kung saan malapit na ang maturing age ni Lucas, mas tumatangkad at nagiging mas matipuno ang mga lalaking luna clan kapag natapos at naging ganap ang pagka-mature ng mga ito, pero sa mga panahong ito ay nagiging mas aggressive at maiinitin ang ulo.

“Harika,..may sasabihin ako sayo," Ang panimula ni Lucas,
“Kailangan daw na sa ibang lugar namin ipagpatuloy ang pagsasanay,”

“Bakit may problema ba Lucas?”

“Wala.. siguro naririnig mo na ang sinasabi nila, kailangang wala kami dito kung lalabas ang tunay na anyo namin bilang tunay na Luna.
Ang sabi ni mama, medyo painful at baka hindi ko pa masyadong makontrol ang sarili ko, pero habang wala ako mag-iingat ka! Wag kang masyadong magtitiwala sa mga vampirang iyon kahit sila pa ang trainer mo.           Ok?..”

“Ok po!” ang nakangiting panguuyam na sagot ni Harika sa kaibigan.

Nung gabing bago umalis si Lucas nagkayayaan silang magunahan sa pagtakbo at batid ni Harika na pinanalo siya ng kaibigan, at kinabukasan ay nagpaalamanan na sila sa isa't-isa.

Bigla ang kabog ng dibdib ni Harika, sa hindi mawari ay batid nyang may malaking pagbabago sa muli nilang pagkikita ni Lucas.

“ Ano ba ito? Bakit ako kinakabahan?..” ang nasambit ni Harika sa kanyang isipan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon