Kakauwi ko palang ng bahay.Bumungad na agad sa akin ang mommy at daddy ko na nagaaway.Alam nyo ba nasa araw araw na ginawa ng diyos lagi nalang ang scene na maabutan ko.Bago ako umalis ng bahay at pag kauwi ko galing school.Kaya sanay na sanay na ako eh."Ikaw ang may kasalanan kung hindi ka ba naman sugod ng sugod dun sa opisina!!Hindi mawawala ang kleyente ko!!" sigaw ni daddy "Malay ko ba ha!!Palagi nalang kasi yan ang dahilan mo ang pupunta kang opisina pero ang totoo mamababae ka nakabuntis ka nga eh..I dont trust you any--" hindi na natapos ang sasabihin ni mommy ng bigla akong sumigaw."STOP IT!!"napatigil naman sila "Lagi nalang ba kayong mag-aaway para kayong mga bata!!alam nyo kung parati lang kayong mag-aaway ng mag-aaway maghiwalay nalang kayo!!"at tumakbo na ako papunta sa kwarto ko.Umupo ako sa study table ko at pinagmasdan ang picture namin ni Christian meron din syang ganitong picture syempre bff kami eh..Si Christian nalang ang nagbibigay sa akin ng kasiyahan.Kung wala sya siguro matagal ko ng hiniling na mawala na lang dito sa mundo.Ang tingin ng lahat ng tao sa akin isa akong perfect at masayahin na babae pero ang hindi nila alam nasa likod ng mga mapagpanggap na ngiti ko ay lungkot na bumabalot sa buong pagkatao ko.Lalo na at wala akong kapatid kaya wala rin akong karamay sa mga sakit na nangyayari sa akin.Naisipan kung tawagin ang bff ko para naman may makausap ako.Wala pang Dalawang ring sinagot na nya
C:hello?
N:ahm...hello
C:teka may problema ka ba parang ang lungkot ata ng boses mo
N:niloloko mo ba ako alam mo naman ang dahilan kapag malungkot ang boses ko diba!
C:Oo na malay ko ba baka ibang prolema yan.
N:Ahm..Christian since maaga pa naman pwede ba tayong magkita sa park sa suvdivision namin?
C:oh sige intayin mo nalang ako dun ah..
N:Ok,bye
Call ended
Nagpalit na ako at dere deretsong umalis ng bahay wala nadin naman sina mommy.I'm sure nasa kwarto lang sila at tuloy parin sa pag-aaway.Naghintay lang ako dun ng 15 minuto at dumating na sya na may dalang ice cream 3 pm palang naman ng hapon eh.."Oh..pampalamig ng mainit mong ulo"sabay abot nya sa ice cream "Bakit na naman ba nag-away sina tita?"tanong nya sa akin at nakaukit sa kanyang mga mata ang pag-aalala "Tungkol ata sa business" sabi ko sa kanya sa isang malungkot na boses. "Eh..anong plano mo?"
tanong nya sa akin habang kinakain ang kanyang ice cream. "Gusto kung umalis sa bahay" napatigil naman sya sa pagkain ng ice cream.
"Saan ka naman pupunta?"
taong nya
"May boarding house na pag-mamay-ari sina uncle malapit sa school all girls lang ang nakatira dun ang style nung boarding house ay parang sa pbb malawak naman yun.Gusto ko rin kasi na may babaeng makausap."sabi ko sa kanya.
"Sige kung yan ang gusto mo susuportahan kita,pero sana gawin mo ang tama wag mong madaliin ang lahat ng bagay.Atyaka kailangan mo munang kausapin ang parents mo tungkol dito"
"Oo naman kakausapin ko sila tungkol dito.I'm sure naman na papayag sila."
Matapos ang pagkain namin ng ice cream at magkwentuhan inihatid na nya ako sa bahay 7:00 pm nadin naman pagdating ko sa bahay nakahanda na ang dinner at ako nalang ang iniintay nina mommy at daddy."San ka nagpunta?"tanong ni daddy
"Sa park"simpleng sagot ko sa kanya nagsimula na kaming kumain ng tahimik at naisip ko na ito na yung right time para magpaalam sa kanya para makalipat na agad ako sa dorm.
"Dad,Mom" parehas naman silang tumigil sa pagkain at tumingin sa akin "Why?" tanong ni mommy "Gusto ko lang sana na magpaalam gusto kung mag dorm sa dorm ni tito.Gusto ko lang sana na magkameron ng peace of mind ayoko rin na marinig kayo na lagi nalang nag-aaway" sabi ko sa kanila nagulat naman nung una si mommy pero ngumiti din naman sya. "Ok,if that what you want we will give it to you.Atyaka magandang practice na din tu para matoto ka na maging independent diba Gerald?"
sabi ni mommy at tumingin kay daddy. "Ok basta wag kang gagawa ng kahihiyan habang wala ka sa bahay na ito tatawagan ko na ang uncle mo mamaya mag impake ka na para makaalis ka na bukas"
"Dad alagaan mo si mommy,be a good husband to her"
---
yehey sana magustuhan nyo pa follow po
BINABASA MO ANG
Love Ko Sya,Love Ka Ba Nya
Teen FictionIsang story na karaniwang nangyayari sa buhay natin.Pero papano kung ang gusto mo walang gusto sayo.At paano kung may mahal syang iba.At ang mas masahol pa sayo pa sya nahingi ng tulong para maging kayo kaya mo ba?