Bakit hindi sila mismo ang magpapansin sa tatlo.
Nevermind. Masstress lang kagandahan ko sa kanila. Hahanapin ko nalang yung tatlo.
Nasan na ba ang mga unggoy na yun?!
Ako pa talaga ang maghahanap sa kanila huh?!
"Oh nami?" Bungad sakin ni Kristoff nang magkasalubong kami dito sa garden.
Hay salamat may matinong tao rin akong nakita.
"Hi Kristoff. Nakita mo ba yung tatlong unggoy?" Tanong ko sa kanya.
"Tatlong unggoy?" Taka nyang tanong, potek bat yun ang nasabi mo selp.
"Uh.. I mean sila third? Blair? Matthew? Yung transferre nakita mo ba sila?" Ako.
"Ahh oo si blair nasa stadium ata si third nasa gym tas si matthew naman nasa library." Sagot nya. Wow! Alam na alam.
"Uh! Ganon ba thank you!" Saad ko.
"Welcome. Bakit mo sila hinahanap? Ngayon na ba ang umpisa mo bilang tutor nila?" Tanong nya. Alam nya din?
"Paano mo nalaman?" Gulat kong tanong.
"Uh eh.. nakapaskil sa announcement ng office. Actually alam narin ata ng buong campus." Sagot nya na ikinatigil ko.
"W-WHAT?!" Potek! Kaya pala yung mga babae kanina. Tss!
"Bakit naomi?" Sya.
"Uh wala. Sige see you later. Thanks!" Pagpapaalam ko at naglakad na.
So, alam na ng buong campus na magiging tutor ako ng mga yun? Hmp.
Sino naman ang uunahin kong puntahan?
Si third muna. Tutal malapit ako sa gym ngayon.
Inayos ko muna ang sarili ko at saglit na nagsuklay habang naglalakad papuntang gym.
"Ganda mo self." Parang tanga kong sabi sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.
Help nasisiraan na 'ko ng bait.
Binalik ko na ang salamin sa bag ko nang makaapak na ko sa mismong pintuan ng gym.
Inhale ..
Exhale ..
Hinga ko ng malalim at binuksan na ang pinto----
"AAAAAAAHHHHHHHHHHH! ANAK KA NG SYAM NA PANDESAL!"Sigaw ko sa sabay talikod.
Paano ba naman kase nakahubad sya at boxer lang ang tanging suot huhu.
Buti wala akong ibang nakita--- ay meron unti.
"Who are you? Naomi?" Rinig kong sambit nya.
"Oo! Bakit ka ba walang suot huh?! I mean bakit naka boxer ka lang?!" Inis na saad ko sa kanya habang nakatalikod.
"Uhmm.. sorry hindi ko naman alam na may bigla-bigla palang papasok." Sya.
"Tss! Kahit na. Dapat may suot ka manlang na pang itaas." Inis ko paring sagot.
"I'm sorry. Wala ka naman sigurong nakita diba?" Sya.
Uhm..
9 abs.. hindi na masama?
Aish! ERASE! ERASE!
"WALA NOH. WALA AKONG NAKITA!" Sigaw ko.
"Okay. So what do you want?"Tanong nya.
"Ngayon ko na kayo tuturuan. Alam nyo naman na siguro yun. Pumunta kana sa room 143. Hahanapin ko pa sila matthew at blair." Saad ko at iniwan na sya.
Aish! Bakit ba kase hindi sila magkakasama?
Edi sana hindi ko pa sila Hahanapin isa-isa.
"BWAHAHAHHAHAHAHHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHA"
Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa p.e stadium ay rinig ko na ang tawa ng isa sa mga ex ko.
Nang makapasok ako ay bumungad agad sakin si blair na ngayon ay pinaliligiran ng mga babae habang sya ay tawa ng tawa. Tss!
Akala ko naman naglalaro sila para sa P.E yun pala naglalandian.
"HOY GOLDSTEIN!" Sigaw ko sa kanya dahilan para mabaling sakin ang atensyon nya maging ang mga babaeng nakapalibot sa kanya.
"Oh? Hi nami BWAHAHAHAHAHAHAHA" Bati nya sakin. "Namiss mo ba ko? Nami ko?" Dagdag nya pa at tumayo at bahagyang lumapit sa akin.
"Namiss, your face! Hindi mo pa ba alam na ngayon ko na kayo tuturuan?! Kanina ko pa kayo hinahanap tapos ikaw, nandito lang tawa ng tawa kasama ang mga babaeng yan?!" Inis na lintanya ko sa kanya.
"Ganon ba, sorry BWAHAHAHAHAHAHAHA wag kana magselos nami ko, mga fans ko lang yan BWAHHAHAHAHAHA" Nang-aasar nyang sabi sakin, pota.
"Selos mukha mo! Never mangyayari yun! Pumunta kana sa room 143 bago pa kita mabalibag!" Singhal ko sa kanya at inis na lumabas ng stadium.
Nakakainis! Ako magseselos? Duh. Never!
Kase naman bakit ba kase hindi nalang sila umalis dito sa school namin nang matapos na tong paghihirap ko?!
Sana nananaginip nalang uli ako.
Oo tama, siguro nananaginip lang uli ako..
"Dito natin malalaman kung nananaginip ka lang self." Kausap ko sa sarili ko nang makakita ako ng malaking bato.
Lumapit pa ako ng unti dun at huminga ng malalim at ska malakas na sinipa ito------AAAAAAHHHHHHHHHH!
ANG SAKIT!
Hindi ako nananagip totoo nato! Huhuhu!
Ang sakit! Yung tuhod ko!
Sa lakas ng sipa ko ay napadulas ako sa bato dahilan para bumagsak ako.
HAYOP KA TALAGA SATANAS!!
───※ ·❆· ※───
A B B I A N N A
YOU ARE READING
The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]
RomanceThis is the sequel of 'The three popular boys in our campus are my ex's'