"Nananaginip ako na bumalik daw silang tatlo tas maraming nangyari tas unti unti daw silang nahulog sa akin tapos nanligaw sakin si matthew tas sinagot ko sya tapos nasaktan ko sila Blair at third. Tas naghiwalay kami ni matthew tas umalis sya ng pilipinas after 1 year isa-isa silang namatay. Namatay silang tatlo sa panaginip ko!" Seryoso kong salaysay sa kanila.
"Then?" Si Leigh.
"Next reply box policy. Char." Si jia.
"Ano ba guys, Seryoso ako! Yung panaginip na 'yun para syang totoong-totoo. Para syang pangitain.. paano kung magkatotoo yun? Paano kung magkagusto uli sila sa akin? Paano kung isa isa silang mamatay---AAAAAAHHHHH I CAN'T!" Sigaw ko at napayuko sa desk huhu hindi ko kakayanin huhuhu
Agad din naman akong napa-angat ng ulo at tinignan kung anong reaksyon nila---
"HAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA"
Tawanan nilang dalawa.
Anong nangyari sa mga 'to? Nasapian ba ng masamang ispirito ang mga kaibigan ko?
"Anong nakakatawa sa kinwento ko?" Tanong ko sa kanila. Pero bago sila sumagot ay tumawa pa sila uli.
"Ang sakit ng tiyan ko nami HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHA" Si jia na nakahawak sa tiyan nya ngayon.
Bakit ba sila tumatawa?
"Wait--- HAHAHAHA" Si Leigh na hindi na ata makahinga ngayon.
"Sige kaya nyo yan." Walang emosyon kong ani.
"Nami, nakakatawa naman kase yung kwento mo HAHAHA" si jia.
"Anong nakakatawa dun? Namatay nga yung tatlo kong ex, nakakatawa ba yun?!" Ani ko.
"Girl, panaginip lang 'yun, okay? Hindi yun mangyayari in real life." Sagot ni Leigh na ngayon ay medyo kumakalma na.
"True. HAHAHA it was just a dream. Hindi sila mamatay, hindi yun magkakatotoo. Wag kang oa." Si jia.
Bahagya naman akong napatigil..
"Alam mo nami, kadalasan sa mga panaginip kabaliktaran sa reyalidad. Kaya wag ka ng mag-aalala pa dyan. Walang mamamatay." Seryosong sambit ni leigh.
Siguro nga .. panaginip lang talaga 'yun.
Hindi yun mangyayari.
*RINGGGGGGGG
Tunog ng bell hudyat na breaktime na.
"Uwuuu! Thanks god." Si Leigh at kinuha na ang bag nya.
"Let's go nami, wag mo ng isipin 'yun, alright?" Si jia at hinila na ko patayo.
Pero bago nya pa ako mahila ay tumunog bigla ang phone ko.
~Matthew Calling~
Huh? Bakit sya tumatawag? Tapos na yung klase ha.
Nagbigayan kase kami ng number kanina para kahit nasaan sila ay matatawagan ko sila hindi ko na kailangan pang isa-isa silang hagilapin dito sa campus.
"Wait jia una na kayo." Ani ko, tumango naman sila dahil nakita nilang may tumatawag sa akin.
"Hello?" Bungad ko.
[Come here in the parking lot. I will wait you here in a minute.] Sagot nya.
"Huh? Bakit?" Gulat kong tanong. Anong kailangan nito sakin.
[Just come here. No more questions. My car is color black.] Saad nya sabay baba, potek hindi nya manlang ako hinintay na sumagot?!
Inis na kinuha ko ang bag ko at padabog na lumabas ng room. Imbis na sa cafeteria punta ko, sa parking lot tuloy.
YOU ARE READING
The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]
Любовные романыThis is the sequel of 'The three popular boys in our campus are my ex's'