Epilogue

89 6 0
                                    

Puting kisame lang ang nakikita ko ngayon.

"Nami anak? Salamat sa diyos at gising ka na!" Marahan naman akong napatingin sa nag salita at si mommy Sei pala at niyakap ako.

Huh? Anong nangyayari? Anong salamat sa diyos at gising na ako? Diba si Matthew ang kasama ko? Nahulog ako sa fountain diba?

"Noah, tumawag ka ng doctor" Rinig kong utos ni Dad kay kuya.

"Naomi anak, salamat sa diyos at nagising ka na. Halos hindi kami makatulog, mapakali kakahintay sayo na magising ka na" Saad ni Dad sa gilid ko pero hindi ko ma gets ang mga sinasabi nila.

"Nami, buti naman at nagising ka na. Miss na miss ka na namin" Napatingin naman ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Jia.

"Salamat sa diyos Nami at nagising ka na" Si Leigh. Na sa tabi rin nila si Kristoff.

Huh? Ano bang nangyayari? Nasan si Matthew? Diba siya ang kasama ko at nahulog ako sa fountain.

Luminga linga ako sa paligid ko at ngayon ko lang napag tanto na nakahiga pala ako sa isang kama at maraming apparatus ang nakakabit saakin.

Ramdam ko ring may benda ang ulo ko.

Bigla namang may pumasok na doctor kasama si kuya.

"Doc, nagising na po ang anak namin" Si mommy Sei.

Lumapit naman sakin ang doctor at may kung ano anong pinag checheck sakin.

"Ok na po siya, unting pahinga pa at pwede na siyang makauwi" Saad niya.

"Salamat sa diyos! Thank you po doc" Si mommy Sei.

Tumango lang ang doctor at lumabas na ulit.

"Kamusta na ang pakiramdam mo Nami?" Rinig kong tanong ni Kristoff.

"Nasan si Matthew?" Tanong ko sakanila.

Bigla namang nag iba ang experience ng mga mukha nila, tila nalungkot sila.

"Nami? Diba patay na si kuya Matt?" Si Leigh.

Ano bang pinagsasabi niya.

"Huh? Anong patay pinagsasabi mo Leigh? Kasama ko si Matthew kanina lang aksidente lang akong nahulog sa fountain tapos biglang nandito na ako. Tsaka anong kuya? Diba panaginip lang lahat ng yon? Ni hindi niyo nga talaga kilala sila Matthew eh" Lintaya ko at napaupo na sa kama mula sa pag kakahiga.

Kita ko naman sa mga expression ng mukha nila na parang na weweirduhan sila sa mga pinag sasabi ko.

"Nami? Ano bang pinagsasabi mo? Ayos ka lang ba?" Si Jia.

"Baka epekto yan ng trauma or comatose niya" Si Kristoff.

Huh? Trauma? Comatose?

"Trauma? Comatose? Anong pinagsasabi niyo?" Kunot noong tanong ko.

"Nami anak, here me out" Si mommy Sei kaya napatingin naman ako sakanya.

"Habang kasama mo si Third nung araw na nabaril siya may biglang sumabog at napuruhan ka, buti na lang at agad kang nakita nila kuya Noah mo. Wala kang malay agad ka naming dinala dito sa hospital. At na comatose ka ng 3 weeks anak, at ngayon ka lang nagising" Paliwanag ni mommy Sei na lalong nag pagulo ng utak ko.

"No mommy, hindi totoo ang lahat ng yon. Panaginip lang ang lahat ng yon. Diba Jia and Leigh? "Nahimatay ako don sa school at don ko napanaginipan ang lahat ng yon, pag gising ko nga nung binanggit ko ang pangalan nila Blair, Third at Matthew hindi niyo sila kilala" Lintaya ko pero kita sa expression ng mga mukha nila na 'ano bang pinagsasabi ko'

The Three Popular Boys In Our Campus Are My Ex's [COMPLETED]Where stories live. Discover now