ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴇɴ

15 5 0
                                    

  ᴅᴇsᴛɪɴᴇᴅ ᴛᴏ ʙᴇ ʏᴏᴜʀs
ᵇʸ ᶜˢ

🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷  🇹 🇪 🇳 

  🇳 ᴀɴᴅɪᴛᴏ na kami sa dining area at masaganang kumakain na ngayon si Francis.

  "Bakit ayaw mong kumain kanina?" tanong ko na lang.

  Gusto ko mawala sa isip namin ang pangyayaring 'yon kanina. Mukha rin siyang naiilang nang makita ko siyang naka-brief lang kanina.

  "Hindi ko lang gusto 'yong ulam," pagdadahilan niya.

  "Hinay-hinay lang, wala kang kaagaw. Bakit, ano ba dapat ang ulam mo kanina?" tanong ko.

  Sunod-sunod niyang sinubo ang kanin na may ulam, kaya napaubo-ubo siya. Mabilis ko naman inabot sa kaniya ang isang basong tubig kaya mabilis niyang ininom 'yon.

  "Dahan-dahan lang kase," sambit ko at saka ko hinagod ang likod niya.

  Tumingin siya sa akin. "Adobo rin."

  Kumunot ang noo ko.

  "Parehas lang din pala tayo ng ulam pero bakit ayaw mong kumain?" tanong ko.

  "Mas gusto ko 'yong luto ng Mama mo," palusot niya.

  Natahimik na lang ako dahil wala na rin naman akong sasabihin.

  "'Yong kanina," panimula niya. "Hindi ko alam na darating ka kaya akala ko si manang lang 'yong kumatok sa pintuan," paliwanag niya.

  "W-wala 'yon, kalimutan na lang natin," kinakabahan kong sabi. Nakaramdam ako nang pagkailang.

  "Salamat sa adobo," nakangiting niyang sabi sa akin.

  May kislap sa mga mata niya na sobra siyang natuwa sa pagbigay ko ng ulam sa kaniya.

  "Wala 'yon. Ikaw lang ba ang nandito bukod sa mga katulong niyo?" tanong ko.

  Tumango siya sa akin na may tipid na ngiti.

  "Ahm..." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil may gusto akong sabihin sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin na parang naghihintay ng sasabihin.

  "G-gusto mo ba ng kasama ngayon? Ahm.. Para malibang ka," nahihiyang paanyaya ko.

  Bigla siyang ngumiti sa akin ng pagkatamis-tamis. May kislap sa mga mata niya ang galak.

  "Sige! Balak ko sanang maglaro ng video games sa kwarto ngayon at saka gusto ko rin marinig mo ang ni-compose kong kanta para sa'yo," excited niyang sabi na parang isang batang galak na galak.

  Nakaramdam ako ng awa at saya. Naaawa ako kay Francis dahil halatang uhaw siya sa atensyon ng isang magulang at masaya ako dahil bukod sa makakasama ko siya ngayon ay natutuwa ako na masaya siya sa akin.

  "Sige. Tapos ka na bang kumain?" tanong ko sa kaniya.

  Tumango agad siya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya.

  "Sige, tara na."

  Tumayo na kami sa pagkaka-upo, mauuna na sana akong lumabas ng dining nang hawakan niya ang kamay ko at siya na ang humila sa akin paakyat sa taas kung nasaan ang kwarto niya.

  Nang makarating kami sa kwarto niya ay hindi niya isinarado ang pintuan. Kaya nagtanong ako sa kaniya dahil nakabukas ang aircon ng kwarto niya.

  "Hindi mo isasara ang pinto?" tanong ko sa kaniya.

  Umiling lang siya sa akin. "Ayokong mailang ka," paliwanag niya.

  Napangiti naman ako ng palihim sa sinabi niya. Pinatay na lang niya ang aircon at saka niya binuksan ang electric fan.

  Nag-umpisa na kaming maglaro ng video games. Tinuruan niya muna ako dahil hindi naman ako marunong maglaro ng video games. Nang matuto ako ay na e-enjoy na namin ang bawat oras.

  Nang magsawa na kami sa paglalaro ay pinarinig niya sa akin ang kinompose niyang kanta. Sobrang lamig ng boses niya at ang ganda ng mensahe. Parang binibigay niya talaga ako ng rason para mas mahulog pa sa kaniya.

  Hanggang sa gumabi na ay hindi namin namalayan ang oras. Nagpaalam na ako sa kaniya at hinatid naman niya ako sa bahay namin. Sinalubong naman kami ni mama, nagpasalamat si Frans sa ibinigay naming ulam bago siya nagpaalam sa amin. Tinudyo muna ako ni mama bago kami pumasok sa bahay.

  KINAUMAGAHAN ay maaga akong gumising. Kumain muna ako ng agahan bago ako naligo sa banyo. Pakanta-kanta pa ako sa loob ng banyo dahil na lss ako sa kantang kinompose ni Francis para sa akin. Sa totoo lang ay kagabi ko lang nalaman na magaling at maganda pala siyang kumanta. Para niya akong hinarana kagabi kaya nahirapan akong makatulog.

  Napangiti na naman ako sa kantang 'yon.

  Kagabi ay chinat ako si Giselle at nagk'wento siya about sa nangyari sa kaniya. Chinat daw siya ng dalawa. 'Yong ex niya at ang crush niya.

  UwU~

  Sana all!

  Pero kilala ko si Giselle alam kong pipiliin na niya 'yong taong pahahalagahan at mamahalin siya. Mabilis akong natapos sa pagligo. Nagbihis agad ako ng uniform at saktong nakaupo na sa sala si Francis.

  Ngumiti siya sa akin, kaya nginitian ko rin siya ng matamis.

  "Good morning!" Bati ko sa kaniya.

  "Good morning!" Nakangiting bati niya rin pabalik.

  "Tara na?"

  Tumango naman siya sa akin bago kami nagpaalam ni Francis kay Mama at Sev na may mapanudyong ngiti. Hindi ko na lang pinansin 'yon at naglakad na kami ni Francis papuntang school. Walking distance lang naman ang school kaya hindi na mahirap panglumakad. Nag-usap lang kaming dalawa habang naglalakad papasok sa eskwelahan.

  Nagtatawanan na kaming dalawa at hindi na namin namalayang nakarating na kami sa school. Sinalubong agad ako ni Giselle bago siya tumingin kay Francis na inirapan niya lang.

  "Bakit kasama mo ang mokong 'to?" tanong ni Giselle sa akin.

  "Kasabay kong pumasok," sagot ko.

  Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Mukhang hindi siya makapaniwala dahil ang akala niya ay naiinis ako kay Francis.

  "Ano naman ngayon," ani Francis na nang-aasar.

  "Doon ka na nga," iritableng sabi ni Giselle bago kami pumasok sa classroom.

  Nag-umpisa na agad ang klase at nag discuss lang ang guro namin. Bago siya nagpa-quiz.

  Hanggang sa mag-recess at lunch break ay dumiretso na kami ni Giselle sa canteen para bumili ng pagkain. Um-order lang kami ng kanin at ulam at saka softdrinks na rin.

  Habang nagk'w-k'wentuhan kami ni Giselle ay tumabi sa amin si Francis sa upuan. Aangal na sana si Giselle nang pigilan ko siya. Alam kong naunawaan naman niya ang signal ko sa kaniya kaya hindi na siya umapila pa.

  Paunti-unti ay nagiging komportable na kami sa isa't-isa. Ang kaninang iritable na si Giselle ay tumatawa na ngayon sa kalokohan ni Francis at gano'n din ako.

  Hindi na namin namalayan ang takbo ng oras dahil sa dami naming k'wento sa isa't-isa. Mukhang nag-enjoy kaming mag-k'wentuhan.

  Bumalik na ulit kami sa classroom at nakita ko agad na nakatingin si Charles kay Giselle. Matagal ko na ring nakikita ang pa-simpleng tingin ni Charles kay Giselle. Napangiti ako ng palihim.

  Hindi na talaga ako magtataka kung magiging sila balang-araw o higit pa do'n. Alam kong, simula't sapul ay may namumuo nang tinginan sa isa't-isa ayaw lang maamin ni Charles.

  Kaya todo push na rin ako kay Giselle dahil alam ko namang crush niya rin naman si Charles.

  Hanggang sa mag-uwian ay sabay na naman kaming umuwi ni Francis at masaya na naman ang buong araw ko na nakasama siya.

  Ngayon ko lang naranasan at naramdaman ito at mas lalong ngayon ko lang din nakita ang totoong side ni Francis.

Destined to be yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon