ᴅᴇsᴛɪɴᴇᴅ ᴛᴏ ʙᴇ ʏᴏᴜʀs
ᵇʸ ᶜˢ🇪 🇵 🇮 🇱 🇴 🇬 🇺 🇪
🇮sᴀɴɢ buwan na ang lumipas nang huli kong nakita si Francis sa labas ng gate nila kasama ang bago niyang girlfriend.
Abala ako sa pagta-trabaho nang biglang sumulpot si Miguel. Ang kaibigan kong maskulado pero isa namang bakla. Sa katunayan nga niyan ay lagi kaming pinagkakamalang mag-jowa dahil sa sobrang closeness namin sa isa't-isa pero ang baklang Miguel ay laging nagrereklamo.
"Mamsh! May ipapakilala ako sa'yo, g'wapings. Bagong client at mukhang kilala ka niya dahil ikaw daw ang gusto niyang magplano sa mansyon na gagawin," paliwanag ni Miguel.
Nagtaka naman ako sa kaniya pero napawi rin 'yon dahil bigla kong naalala na may mga kliyente talagang gusto ang pagpa-plano ko sa isang bahay.
"Nasa office mo siya ngayon, naghihintay sa'yo para maka-usap ka," paliwanag niya pa.
Sabay kaming pumunta ni bakla sa opisina ko at nakita ko agad ang lalaking nakatalikod sa akin. Hinanda ko na ang sarili ko para salubungin siya ng magiliw na ngiti.
Humarap siya sa amin at biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang bago kong kliyente.
"F-francis," pagbanggit ko sa pangalan niya.
Nakita ko ang adams apple niya na gumalaw dahil siguro lumunok.
"Sarah.." Britono niyang sambit.
"Ay bongga, magkakilala naman pala kayo," singit ni bakla.
Hindi namin siya pinansin bagkus nakatingin pa rin ako kay Francis at gano'n din siya sa akin.
"Can we talk?" malalim niyang tanong sa akin.
Huminga muna ako ng malalim bago ako tumingin kay bakla. Na-gets naman niya ang punto ko kaya lumabas muna siya sa private office ko.
Umupo ako sa swivel chair bago ko ilahad sa kaniya ang visitor chair.
"Have a seat," pormal kong sabi kaya sumunod naman siya.
Hindi nakatakas sa akin ang pagtiim ng bagang niya. Malaki na nga ang ipinagbago ni Francis. Hindi na siya tulad ng dati na parang sobrang inosente pero ngayon, makikita mong lumaki ang katawan at mas lalong tumangkad.
Hindi ko na naman napigilan ang puso ko na tumitibok hanggang ngayon para sa kaniya.
Tumikhim ako para mawala ang atmosphere na nakakailang sa pagitan namin.
"So, ano ang pag-uusapan natin sir?" pormal kong tanong.
Lumunok siya at nakita ko naman agad 'yon.
"Our past," mariin niyang sabi.
"Past na nga bakit pa natin babalikan?" mahinahon kong tanong. "Kung gusto mo ng closure dahil guilty ka pa rin sa ginawa mo sa akin noon, p'wes. Hindi ko iyon ibibigay sa'yo," mariin kong sabi at sinalubong ko ang tingin niya.
Bumuntong hininga siya.
"I'm sorry," maikling saad niya pero milyong-milyong bultahe ang naramdaman kong sakit. "Alam kong hindi sapat ang salitang patawad sa lahat ng kagaguhang ginawa ko sa'yo noon," seryosong pahayag niya.
Hindi ako nakatingin sa kaniya. Nakatiim lang ang bagang ko. Gusto kong hindi makinig sa paliwanag niya pero may parte sa akin na gusto iyon marinig para sa i-kaka-tahimik ng kalooban ko.
"Aminado akong ginawa ko ang bagay na iyon. Nadala lang ako noon at nakipag pustahan kay Kent pero nang makilala kita ng lubos at pinunan mo ang kulang ko. G-gusto ko nang umatras sa pustahan namin pero blinackmail niya ako. Gusto niyang sabihin sa'yo na nagpustahan lang kami para pasagutin lang kita. P-pero.. Mahal na kita no'n pa lang, hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon," huminga siya ng malalim. "S-siguro ay mas'yado akong apektado sa pag-iwas mo sa akin noon kaya ginawa ko iyon sa'yo pero alam kong hindi iyon sapat na rason para saktan ka."
BINABASA MO ANG
Destined to be yours
Teen Fictionˢʰᵒʳᵗ ˢᵗᵒʳʸ Paano kung i-crush back ka ng crush mo? Kilig to the bone ba? Pero paano kung malaman ng crush mo na hindi ka pa rin nakakamove on sa ex mo? Ica-cancel ba niya ang pagkaka crush back sa'yo o itutuloy pa rin niya hanggang sa mahulog ka sa...