ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴏɴᴇ

126 17 0
                                    

ᴅᴇsᴛɪɴᴇᴅ ᴛᴏ ʙᴇ ʏᴏᴜʀs
ᵇʸ ᶜˢ

🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷  🇴 🇳 🇪 

𝑮𝒊𝒔𝒆𝒍𝒍𝒆'𝒔 ᴘ.ᴏ.ᴠ

"Hi crush," malapad ang ngiti ko kay Charles.

Nandito kami sa classroom at naabutan ko siyang nagbabasa ng libro pero hindi niya ako pinansin sa pagbati ko sa kaniya. Tumabi na nga ako sa kaniya sa pag-upo para mas mapansin niya 'ko kaso kahit ang paglingon o pagtingin man lang ay wala. Nakasimangot akong kinalabit siya.

"Crush pansinin mo naman ako," pero parang wala talaga siyang naririnig.

"Ay nga pala crush mamaya pakopya ako sa quiz natin sa math, mahirap kase e, alam mo naman, hirap na hirap kami sa math." Biglang huminto sa pagbabasa si Charles at tumingin sa akin.

"Bakit hindi mo kaya subukang mag review?" sarcastic niyang sabi.

"Hay nako crush, hindi ko na kailangan mag review kase sa'yo pa lang, pasado na ko charot! Hindi rin naman kase tumataas 'yong score ko sa math e."

"Paano hindi tataas e, hindi ka naman nag re-review ng maayos." Nakakunot noong sabi niya.

"Crush, alam mo kase. Hindi na namin kailangan n'yan. May stock knowledge kami, doon kami kumukuha ng i-sasagot.

"Ah, kaya pala 5/30 sa math."

"Hoy! Hindi naman five score ko sa math nakaka six rin ako 'no! Minsan lang 'yong five kapag hindi na kinakaya ng utak ko hinuhulaan ko na lang. 'Tsaka 'yong five na 'yong pinaka mababa kong score."

Destined to be yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon