Chapter 6

238 25 1
                                    

Nang tuluyan na siyang nakaalis ay umalis na din ako dahil wala naman akong gagawin don. I still have 10 minutes kaya pumunta muna ako sa canteen para bumili ng sandwich. Nang makabili ay kinain ko yon habang naglalakad pabalik ng classroom. Nasa tapat na ako ng classroom ng makita kong nakangisi sa akin yung pabidang bitch na salita ng salita hindi naman pala ako kaya. Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy na pumasok ng classroom.

Maya-maya ay tumunog na ang bell. Mabilis kong inayos ang aking sarili at uminom ng tubig na binili ko kanina kasama ng sandwich. Maya-maya ay pumasok naman si Ms. Nuevo para ibigay ang aming test.

Dito sa school namin, kung sino ang may hawak ng subject siya ang namamahala sa test niya.

Mabilis na lumipas ang oras at hindi ko namalayan na uwian na, half day lang kami since may test nga and two tests lang per day.

I brought my car today so yun ang sinakyan ko pauwi. Wala namang traffic sa lugar namin so mabilis lang akong nakauwi.

"I'm home!" Hiyaw ko ay mabilis na umakyat sa aking kwarto. Matutulog muna ako dahil wala naman na akong ibang gagawin.

Nagising ako dahil sa pagkasilaw at dahil sa paglakas lakas na rock song.

"ACEN FUCKING KIRU!" Malakas kong hiyaw at binato siya ng unan, nakatayo siya sa may paanan ng kama ko.

"Wake up, sleepyhead! It's merienda time!" Hiyaw niya. Mabilis akong bumangon habang nakatakip sa magkabila kong tenga ang aking unan. I really hate rock.

"'Mommy si Kuya oh!" Naiinis akong bumaba ng hagdan at dumiretso ng kusina dahil lagi namang nandon si Mommy.

"Acen Kiru, ano na naman yan?!" Malakas na sabi ni Mommy.

"Nothing, Ma. Nagpapatugtog lang ako eh" Natatawang sabi ni Kiru na nakasunod pala sakin.

"He's playing music inside my room, Ma" Naiinis na sabi ko.

"Ikaw, Kiru puro ka kabundulan" Sabi ni Mommy at lumapit sa pwesto ni Kuya tyaka siya binatukan. Bigla ko namang naalala yung pinaggagawa niya kanina.

"Ma, alam mo ba? Kuya is flirting at school" I smirked at Kuya, nagugulat naman siyang tumingin sa akin, muli kong ibinaling ang tingin kay Mommy.

"I saw a smudge on his lips, tapos kanina he's being unprofessional, pinagtitripan ako kahit sa klase" Sabi ko kay Mommy, ramdam na ramdam ko naman ang masamang tingin ni Kiru sa akin, parang gusto niyang pilipitin ang aking leeg. Ano ka ngayon, Kiru?

"Nako, Kiru! Siguraduhin mo lang na hindi mo pinatitripan yung babaeng yon, isusumbong kita sa Papa mo" Sabi ni Mommy piningot ang tenga ni Kuya.

"Ma, wala naman akong babae eh, spaghetti sauce lang yon" Nakasimangot na sabi ni Kuya kay Mommy.

"At wag mong pinagtitripan ang kapatid mo sa school, malaman ko lang na ginawa mo ulit yon malilintikan ka sakin" Sabi ni Mommy at lumapit na sa counter na malapit sa lababo kung saan niya nilapag ang mga binake niya tyaka siya bumalik sa pwesto namin at nilapag sa harap namin yon.

"Cookies!" Masayang sabi ko. Cookies are my most favorite food in the whole wide world.

Mabilis akong dumampot ng isa at sinubo yon, napapikit pa ako sa pagnamnam noon, medyo mainit pa yon. Narinig ko pang tumawa si Kuya pero hindi ko na siya pinansin. Masyadong masarap ang cookies para pansinin pa siya.

"Damang dama mo naman" Natatawang sabi ni Kuya, kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Huwag mo akong bwisitin, please" Nagpipigil na sabi ko.

"Okay, hindi na" Natatawa niyang sabi tyaka sumubo ng cookies. Thanks, God

Nagkwentuhan na lang kami hanggang sa matapos kumain,hindi naman na kami umalis ng kusina at nakipag kwentuhan kay Mommy.

Maya-maya ay dumating na din si Daddy kaya ang ingay ng kusina dahil sa aming apat. Nandoon kami hanggang sa naihanda na ni Mommy ang dinner. Mahigit dalawang oras akong nakatambay sa kusina, dapat ay nagrereview ako pero minsan lang naman kami mag bonding ng ganito kaya hindi ko na pinalampas.

Nang matapos ang dinner ay nag paalam na ako na aakyat para mag review, si Kuya naman ay nauna ng umakyat kanina dahil may magche check pa daw siya ng test.

Pagkarating ko ng room ko ay dumiresto ako sa banyo para mag toothbrush ay magbihis, para diresto tulog na lang mamaya.

Pagkatapos kong magbihis ay dumiresto ako sa study table ko para mag review. Inabot ako ng tatlong oras sa pagkakaupo kaharap ang iba't ibang libro, pag tingin ko sa orasan ay ten pm na. Nananakit na ang likod ko kaya naisipan kong matulog na, mukhang madami na din akong natandaan kaya okay na yon. Pinatay ko na lang ang ilaw ang ilaw at tyaka dumiretso sa kama at nahiga, nilakasan ko ang aircon gamit ang remote at tyaka ko binalot ang sarili mo sa duvet. Nakangiti akong nakatulog.

"Almari" Nagising ako sa mahinang yugyog sa braso ko, naiinis akong dumilat at muling pumikit nang makita ang mukhang aso kong kapatid, tinakpan ko ng unan ang mukha dahil sa sobrang liwanag.

"Almari, open your goddamn facebook account." May bahid ng inis na sabi ni Kuya. Napadilat naman ako, dahil bigla akong tinamaan ng kaba. Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at tyaka siya tinignan kahit nasisilaw ako sa liwanag.

"What happened?" Kinakabahan na tanong ko, tumingin lang siya sa akin ng seryoso.

"Go check it yourself" Sabi niya, napatingin ako sa bed side table ko kung nasan yung phone ko, mabilis kong dinampot yon, it's just 1 in the morning for pete's sake.

I opened my phone and tap the fb app, sandamakmak na notification ang sumalubong sa akin. Nakakunot kong tinignan yon, puro mentions. The fuck?

Pinindot ang isa sa mga yon, ang lumabas ay isang photo kung nasaan nakacollage ang mukha namin ni Acen Kiru at may naka bold letters na sentence na kulay red. Wow ah? Effort.

'Student, married to her Professor'

Tangina ang corny.

Kita ko naman yung mention ng iba kong facebook friends na schoolmates ko. Gusto kong matawa na mainis. Matawa kasi ang corny nila at mainis kase if this reaches the school office, malilintikan ako.

Nung nakaraan nilalandi ang campus crush tapos ngayon kasal? Sa kapatid ko?


Under PossessionWhere stories live. Discover now