OGL 12- Selos Yern?

12 0 0
                                    

Hi mga Mahal! Kumusta kayo? Short update lang muna dahil pinaghahandaan ko na ang mga susunod na kabanata na dapat niyong abangan hihi <3

Enjoy Reading!

----------------------------------------------------------------------------------------------

Samantha's POV

May mga bagay talagang hindi mo inaasahan, yun bang bigla ka na lang magugulat at hindi mo napaghandaan kung ano ang magiging reksyon mo o kung anong gagawin mo para kumalma ang puso mong tumitibok na naman ng pagkabilis-bilis. 

***

Isang linggo na ang nakakalipas pagkatapos ng renewal of vows nila Nana Tessa at Tatay Tonyo, ngayon naman busy kami ulit dahil nagsisimula na ang Paliga sa Baranggay. At napiling host ang Sitio Maligaya kaya naman araw-araw ay dumadagsa ang mga taong galing sa iba't ibang baranggay at may mga turista ding dumadayo para manuod. Simula na rin kasi ng bakasyon ng mga bata sa eskwelahan kaya maraming bata ang pakalat-kalat ngayon sa kalsada.

Napakadaming tao ngayon dito, kahit saan ka ata lumingon ay may mga kumpulan ng mga tao kang makikita. Kabi-kabila din ang mga booths ng pagkain at kung anu-ano pang maari mong bilhin. Masaya kaming naguusap nila ate Stacey nang may biglang humarang sa amin na  tatlong  kalalakihan, mga naka jersey at mukhang taga ibang barangay. Ang nasa unahan nila ay may hawak-hawak na bola habang nilalaro sa kaniyang mga kamay at maangas na nakatingin sa amin

"Hi Miss, maaari ba naming malaman ang pangalan ng magagandang dilag sa aming harapan?" Gwapo sana kaso maangas ang dating kaya seryoso ko lang siyang tinignan. Nang hindi ako sumagot ay siya na ang unang nagpakilala

"Ako nga pala si James at ito naman ang mga kaibigan ko si Denzel at Gerald" inilahad niya ang kamay niya, tinitigan ko lang iyon at tinignan ang mga kasama niya tulad ni James ay may mga itsura din naman ang dalawa pero mukha ding mayayabang sa tindig palang ng pagtayo at pagmamasid nila sa amin eh pagkatapos ko silang tignan ay nilingon ko sila ate Stacey para makaalis na kami dito. Ayoko ng ihip ng hangin, ihip mayabang eh. 

"Excuse me" Hindi naman ako bastos para basta na lang silang talikuran at nakaharang sila sa daan, naaalala ko na ang mga lalaking ito sila yung mga lalaking nakasalubong namin noong nakaraan sa palengke at parang mga hari doon at hindi man lang humingi ng dispensa nang mabunggo nila kami. Buti na lang at nakita agad kami nila Gab kaya tinulungan nila kaming pulutin ang mga plastik ng gulay. At kanina ko pa sila napapansin na binabarat ang mga tinda nila Mang Canor isa sa mga nagtitinda ng damit ngayon dito at sila yung madalas naming bilhan nila Gab sa may palengke.

"Whew ang susungit pala ng mga babae dito noh? Ganito pala kayo mag welcome sa mga dayo sa lugar niyo?" Napatigil ako sa paglalakad at mataray na hinarap siya

"Hindi niyo kailangan malaman ang mga pangalan namin at pwede ba huwag niyong dinadamay ang lugar namin kung ayaw naming makipag-usap sa inyo" tumalikod na ako ulit bago pa ako makapag bitaw ulit ng salita. Grabe ngayon lang ako nabanas sa isang taong di ko naman kilala, may ganon talaga diba? Yung kahit hindi mo pa siya kilala pero may atmosphere na siyang di mo type.

"I like you huh, fierce. We'll see each other again Miss and I'll make sure to know your name" Hindi ko na siya nilingon at nagtuloy-tuloy na lang ako dahil hinihintay na ako nila ate Stacey

"Ang yabang talaga ng James na yun" Napalingon ako kay Dianne dahil mukhang kilala niya yung James

"Sino ba yun?" tanong ko

"Anak ni Mayor" Napairap sa hangin si Dianne

"Mabait naman si Mayor yung anak niya lang ang hindi, porket kasi sa Maynila lumaki at nag-aral kaya mayabang. Pag nandito talaga iyan sakit ng ulo ni Mayor dahil kung ano-anong kabalastugan ang ginagawa niyan at mukhang manggugulo lang iyan dito." Si ate Stacey na ang nagdugtong sa sasabihin ni Dianne

One Great Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon