OGL 6- Sagip

12 2 1
                                    



Samantha's POV

DALAWANG LINGGO mahigit na akong namamalagi dito sa Sitio Maligaya, at dalawang linggo na rin akong pinepeste ni yabang at mukhang sa buong bakasyon ko ay bwibwisitin ako ng lalaking iyon. Katulad ko matagal din siyang magbabakasyon dito at mukhang aabot din ng tatlong buwan ang pamamalagi niya dito. Sa loob ng dalawang linggo, walang araw na hindi nasira ang araw ko dahil sa mayabang na iyon. Andami niyang alam na paraan para asarin at pikonin ako tulad na lang ngayon. Nandito kami sa ilalim ng puno ng mangga, sabado ngayon kaya maari kong turuan ang mga bata dito sa Sitio Maligaya, kung may assignment sila o hindi nauunawaan sa kanilang aralin ay maari ko silang tulungan. Maayos kaming nagsimula at tulad ng lagi kong ginagawa kapag pumupunta ako dito noon ay kinukwentuhan ko sila ng mga pambatang storya na kapupulutan nila ng aral. Ang iba sa mga iyon ay ako mismo ang nagsulat, atentibong nakikinig ang mga bata ng bigla na lamang sumulpot ang mayabang na lalaki at tinakot ang mga bata at nagtakbuhan ang mga ito. Kaya ngayon naghahabulan silang lahat, wala akong nagawa kundi ipadyak na lang ang aking mga paa sa inis. Bwisit talaga yung lalaking iyon, nakita kong pabalik na sila dito kaya inabangan ko na lang sila habang nakapamewang at kitang-kita ang inis sa aking mukha at ang magaling na lalaki nakangisi sa akin dahil alam niyang nasira na naman niya ang araw ko

Pagkatapos niyang ibaba si Anna, dahil karga-karga niya ito ay hinatak ko siya palayo sa mga bata at makapag usap kami ng hinayupak na 'to

"Ano bang trip mo sa buhay at pinipili mong sirain lagi ang araw ko ha?" inis na inis na talaga ako kaya sinigawan ko na siya buti na lang malayo-layo kami sa mga bata kaya di nila maririnig ang usapan namin

"Wala lang, nakakatuwa ka kasing inisin. Lalo na pag umuusok na ang ilong mo sa galit" Sarap suntukin ng lalaking 'to para mawala ang ngisi sa labi niya

"Alam mo kung ako sa iyo maghahanap na lang ako ng ibang pagtitripan, kasi konting-konti na lang masasapak na kita" pinakita ko sa kaniya ang kamao ko pero nagulat ako ng hawakan niya ito at inilapit niya ang mukha niya sa akin. My goodness anong gagawin ng lalaking ito?

Konti na lang at naaamoy ko na ang mabango niya hininga isabay mo pa ang nakakatunaw niyang mga titig. Snap out of it Sam, hahalikan ka na ng lalaking iyan tapos kung ano-ano pa rin iyang iniisip mo

"A..anong... ginagawa mo?" patuloy pa rin siya sa paglapit

"Gusto kita" napanganga na lang ako sa sinabi niya, gusto niya ako? what the

"Gusto mo ko? Hoy ang bilis mo naman manong dalawang linggo pa lang tayong magkakilala"

"Yup, gustong-gusto kita." Medyo lumayo siya sa akin para makatayo siya ng maayos, ang bilis na ng tibok ng puso ko at hindi ko maintindihan kung bakit pero napalitan ng inis ang kilig na umuusbong sa puso ko dahil sa sumunod niyang sinabi

"Gustong-gusto kitang nakikitang naiinis, lalo ka kasing pumapangit" Bago ko pa siya masuntok ay kumaripas na siya ng takbo

"ARGGGGG GABRIEL HUMANDA KA TALAGA SA AKING LALAKI KA, PAG INABUTAN KITA MAKIKITA MO" Hindi na ako nakapagpigil at hinabol ko na siya, punong-puno na talaga ako sa lalaking 'to. Pumunta siya sa mga bata at nagpaikot- ikot siya doon, naririnig ko ang hagikgikan ng mga bata at ang iba ay tinutukso pa kami pero hindi ko sila pinansin dahil nakatuon lang ang atensyo ko sa lalaking kayang-kayang sirain ang araw ko

"Hoy lalaki, tumigil ka na sa pagtakbo." arggggg

"Ayoko nga, look at your face it's so funny. Umuusok na yung ilong at tenga mo sa inis." Patuloy pa rin siya sa pagtakbo at nung malapit ko na siyang abutan hindi ko napansin na may nakausli palang kahoy, bumilis ang tibok ng puso ko, alam kong lupa ang babagsakan ko kaya napapikit na lang ako. Pero wala akong naramdamang sakit bagkus matitipunong mga braso ang sumalo sa akin. Pagdilat ko, nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Gabriel, at sobrang lapit namin sa isa't isa, tulad noong una naming pagkikita parang huminto ang pag-ikot ng mundo at siya lang ang nakikita ko at ang mabilis lang na pagtibok ng puso ko ang naririnig ko. Alam kong kinakausap niya ako pero hindi ko naiiintindihan ang sinasabi niya, bumalik lang ako sa realidad nung naramdaman kong niyuyugyug na niya ako

One Great Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon