OGL 9- Dance in the Rain

7 1 13
                                    

Another update for you mga mahal. I don't edit, so all mistakes are mine.
I dedicate this chapter to my Binibining Mia's Sunshines Fam, Love you all Sinags and Inay Mia
Enjoy reading mga mahal
--------------------------------------------------

Samantha's POV

Sabi nga nila pag lalo mong pinipigilan ang sarili mong mainlove lalo itong kakatok sa puso mo

At mukhang tama nga sila dahil unti-unti na akong nahuhulog sa mokong na yun at ang mas malala dahil lang yun sa ulan.

Ngayong araw ay babalik kami sa Atimonan sabi kasi nila Kuya Ryle sa apartment na lang niya kami tutuloy para makatipid din. Binanggit na sa amin ni Kuya Ryle lahat ng pwede naming puntahan sa mga nalalabing araw, sa excitement namin maaga pa lang ay bumyahe na kami. Una naming pupuntahan ay ang apartment ni Kuya Ryle para maibaba namin ang ibang gamit namin saka kami maglilibot.

Dahil maaga pa ay ramdam namin ang lamig ng simoy ng hangin, si Kuya Ryle ulit ang nagdadrive pero mamaya ay makikipagpalit siya kay Ryan inaantok pa daw kasi ito kaya kasama namin siyang mga babae dito sa likod. Si Gab ang katabi ngayon ni Kuya Ryle at nag-uusap sila tungkol sa mga lugar na pupuntahan namin. Katabi ko naman si Ate Stacey, nakasandal siya sa balikat ko ngayon dahil inaantok pa din siya. Kaming dalawa lang ni Dianne ang gising dito sa likod. Nagcecellphone siya ngayon, naghahanap siguro ng pwedeng patugtugin para hindi boring at naka connect ang cellphone niya sa dala naming maliit na bluetooth speaker. Habang ako ay nakatanaw lang sa dinaraanan namin, unti-unti nang sumisikat ang araw kaya nagiging visible na ang paligid, puro puno pa lang naman ang nadadaanan namin. Sabi ni Kuya Ryle madadaanan daw namin mamaya ang bituka ng manok kung tawagin nila dito, yung zigzag road na ipinagmamalaki ng mga taga Quezon. Nakinig na lang ako sa pinag-uusapan ng dalawang lalaki sa unahan, may mga lugar na nabanggit si Kuya Ryle na matagal ko nang gustong puntahan at isa na doon ang Casa de comunidad de Tayabas mga isang oras mahigit daw ang byahe papunta doon kung manggagaling ng Atimonan. Nabanggit din ni Kuya Ryle ang Tinandog Wall isa itong sikat na tourist spot sa Atimonan para sa mga mahihilig sa wall climbing, gusto sana nilang puntahan yun kaso injured nga pala si Gab kaya sabi ni Kuya Ryle ay sa susunod na lang daw kapag gumaling na lang ang braso ni Gab.

"Malapit na tayo sa bituka ng manok" sabi ni Kuya Ryle kaya nagising na si Ryan at Ate Stacey, mamaya pa daw makikipagpalit si Kuya Ryle kapag nakadaan na kami sa zigzag road dahil mag stop over naman daw kami sa isang gasolinahan.

Puro puno ang madaanan namin at nakakaamaze lang dahil para kaming nasa rollercoster dahil may pababa at may paakyat na bahagi kaming nadadaanan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Puro puno ang madaanan namin at nakakaamaze lang dahil para kaming nasa rollercoster dahil may pababa at may paakyat na bahagi kaming nadadaanan. May mga lagaslas din ng tubig kaming naririnig at mga huni ng ibon indekasyon na napapangalagaan talaga ang parte ng kalikasan dito.

Matapos ang medyo nakakahilong paglalakbay ay nagstop over muna kami sa isang gasolinahan upang mag agahan, sa isang fastfood namin napagpasyahang kumain. As usual habang kumakain ay kung ano-anong topic ang napag-usapan namin, hindi ata kami mauubusan ng kwento at kalokohan haha. Pagkatapos naming kumain ay balik kami sa paglalakbay, malapit na rin naman daw kami sabi ni Kuya Ryle. Kwentuhan ulit at syempre nangunguna sa kaingayan si Ryan at Dianne, bagay nga sila. Pareho silang maingay at maloko, pero mahal namin ang dalawang yan kahit madalas eh pinagtitripan nila kami.

One Great Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon