OGL 10- Safe in Your Arms

8 1 13
                                    

HAPPY 5 YEARS OGL!!! At dahil Anniversary natin mga mahal, another update for you mga mahal. By the way I dedicate this chapter to this special someone na dahilan kung bakit nabuo ang kwento ni Gab at Sam. Thank you for teaching me what love is, kahit hindi tayo ang inilaan nagpapasalamat pa rin akong naging bahagi ka ng buhay ko sa napakahabang panahon. I hope someday we'll both find our One Great Love.

Enjoy Reading!
-----------------------------------------------------------------
Samantha's POV

Minsan napapaisip ako, magkakaroon kaya ako ng pagkakataong maranasang magmahal at mahalin? Mabibigyan pa kaya ako ng oras para mahanap ang tunay na pagmamahal? Mararanasan ko din kaya ang pag-ibig na gaya nang kay Nana Tessa at Tatay Tonyo?

Mahigit isang Isang linggo na rin nang bumalik kami galing sa Atimonan, ngayong araw ay pupunta kami sa bayan upang mamili. At may isang espesyal na okasyon kaming pinaghahandaan. Sa susunod na buwan kasi ay 50th Weddng Anniversary nila nana Tessa at Tatay Tonyo kaya nagpaplano kaming bigyan sila ng isang surprise renewal of vows. Kikitain din namin sila Ate Stacey sa bayan dahil kaming anim ang nag oorganize ng surpresang ito. Si Dianne ang gagawa ng cake at ng mga desserts. Si Gab at Ryan naman ang bahala sa Documentary, hopefully gumaling na braso ni Gab para mas madali ang magiging trabaho niya. Si Kuya Ryan naman ang bahalang kumontak sa mga suppliers para sa mismong wedding at reception kasama na doon ang sound system at mga tutugtog.

Buti na lang din at busy si Nana ngayon sa Baranggay para sa Paliga sa susunod na buwan kaya hindi siya makakasama ngayon, Si Tatay Tonyo naman ay pumalaot. Ang mga bata naman ay hinatid ko ng maaga sa eskwelahan para hindi kami tanghaliin sa pagpunta sa bayan. Jeep ulit nila Ryan ang gamit namin pero this time siya ang nagdadrive at katabi niya si Gab. Mag-isa lang ako dito sa likod at feel na feel ko ang malamig na simoy ng hangin, hindi namin kasama sila ate Stacey pati na rin si Dianne dahil after ng bakasyon namin ay balik trabaho sila at ngayon na lang ulit kami magkikita-kita. At magpapacheck-up din si Gab ngayon para malaman kung pwede nang tanggalin yung cast niya sa braso hindi na din daw kasi kumikirot effective siguro yung exercise na ginagawa niya kaya madaling nag heal ang braso niya

Una akong bumaba sa palengke, dederetso kasi sila sa clinic ni Doc Corpuz at para din mabilis lang akong makapamili ng mga kakailanganin namin sa loob ng isang linggo. Isang oras mahigit din ang itinagal ko sa pamimili at saktong tapos na akong mamili nang magtext si Gab na naghihintay na daw sila. Marami-rami din akong nabili at binilhan ko din ng mga bagong damit ang mga bata pati na rin sila Nana, way ko na din siguro ito para magpasalamat dahil sa halos dalawang buwan kong pag stay dito ay sobra din nila akong inaalagaan.

Napansin kong wala nang cast ang braso ni Gab kaya kinamusta ko ang kaniyang braso habang tinutulungan nila akong iakyat sa jeep ang mga pinamili ko.

"Kumusta pala ang braso mo? Buti tinanggal na yung cast mo"

"Ilang linggo na lang daw ay fully healed na siya, pero hindi ko pa rin pwedeng pwersahin dahil baka mas malala ang mangyayari kapag pinwersa ko ng trabaho. Pero sabi ni Doc pwede ko nang magamit sa pagkuha ng larawan huwag lang daw masyadong matagal."

"hmm buti naman kung ganon, so fully healed na siya sa kasal nila Nana?"

"Oo kaya din natuwa ako sa balita atleast gagaan din ang trabaho ni Ryan nun."

After namin maisakay lahat ng pinamili ay umalis na kami para kitain sila ate Stacey sa isang coffee shop dito sa bayan

***

"So ang theme natin is beach wedding diba?" Sinusulat ni Ate Stacey lahat ng mga kailangan namin para sa kasal nila Nana.

"Nakausap ko na si Ms. Ysabelle para sa mga designs at sila na din bahala sa mga tables and chairs" Kakababa lang ng cellphone ni Kuya Ryle dahil kausap niya nga si Ms. Ysabelle siya kasi yung supplier na binabanggit ni Kuya Ryle na contact nila.

One Great Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon