Pagkatapos namin ikasal
nagbago na lahat sa kanya
laging umuuwi ng hating gabi..
amoy alak..
sinasabi nyang galing siya sa trabaho at napapa inom ng kaunti.
babae ako. meron din pangangailangan. at hinahanap hanap ko na.
____________________-------
Ako nga pala si Jenna Bermudez-Esqueta. 32 years old. isang housewife lang at wala pang anak. Meron akong asawa. si Jeff Esqueta.
Highschool palang kami ni Jeff ay boyfriend ko na siya. sweet siya at malambing. marami naiingit sa amin kasi perfect couple daw kami.
hangang sa makapagtapos kami ng college ay naging matatag kami ni Jeff. at dumating sa punto na inaya na nya ako magpakasal.
hindi na ako nag atubili pa dahil mahal na mahal ko din si Jeff.
Sa unang taon na pagsasama namin ay naging masaya kami. ngunit bigla nalang uniba si jeff.
laging gabi na umuwi at amoy alak na ang parati nya rason ay dahil lang daw sa trabaho. Isang empleyado ang asawa ko sa isang kumpanya at iniintindi ko nalang iyon.
------------------------------
Umaga..
matapos ko linisin ang boung bahay ay nagtungo ako saglit sa kaibigan kong si Phoebe. May asawa nadin sya at dalawang anak. Kasama lang siya sa mga kaibigan ko. Lima kami magkakaibigan.
Ako, so Phoebe Bernal, Angeline dela Cruz, Jessy Santos at Krista Bermudez.
lahat kami ay may mga asawa na maliban kay Krista. Sobrang kikay at laging nagpapaganda. pero wala pang asawa.
Ngayong araw na to ay magkikita kita kami magkakaibigan sa bahay ni Phoebe.
"kumusta naman ang hot mong asawa Jenna?"
tanong saakin ni krista habang sumusubo ng piraso ng cookies na gawa ni Angeline.
"ganun padin. walang pinagbinago." sagot ko.
"alam mo Jenna tingin ko kaya nagkakaganyan ang asawa mo, kc hindi kana marunong mag ayos sa sarili mo."- Angeline
"hindi kaba nadidiri sa sarili mo Jenna?. ang losyang mo na. malamang kaya hindi kana pinapansin ng asawa mo eh dahil sa itsura mo. parating naka maluwang t-shirt at laos na pantalon. naka tsinelas at ang buhok parating naka ponytail at ang gulo. at muka mo ang oily!" -Krista
masakit talaga magsalita si Krista pero hindi na ako magtataka. isa siyang expert sa pagpapaganda. nakita ko nalang na kinalabit siya ni Phoebe para tumigil na sa panlalait saakin.
"sasamahan ka nalang namin mag shopping Jenna. bibili tayo ng mga bagong damit mo. kelangan maging maganda ka sa paningin ni Jeff" -Phoebe
napansin nyo kung bakit hindi nagsasalit si Jessy? siya kasi ang pinaka tahimik at mahiyain sa aming magkakaibigan. meron siyang isang anak na si jullian na ngayon ay nasa grade 3 palang.
________________
Uwaahh..need ko muna putulin tong chapter..nabitin ba kayo? bukas nanaman guys..marami pa ako gagawin..salamat sa pag support sa story ko..
VOTE
COMMENT
BE A FAN
_bamaLditah
![](https://img.wattpad.com/cover/3887044-288-k717176.jpg)