Chapter 8

73 0 0
                                    

Sabado.

Alas siete na ng umaga ng magising ako. Naka upo si Jeff sa kama. Niyakap ko sya sa likuran habang hinahalikan ang kanyang likod.

"May balita naba kayo sa pagkamatay ng kaibigan mong si Krista?''

"Wala pa. Pero sinabi ng inspector na tatawagan raw niya kami kapag may mga nakuha nanaman syang bagong mga clue sa pagkamatay ni krista. Naway mabigyan ng hustisya pagkamatay ni krista.''

''Hon, alam kong mahal mo kaibigan mo. Pero please, umiwas kana. Lumayo kana. Ayokong pati ikaw madamay sa pagpatay dyan sa kaibigan mo.''

''Jeff ano ka ba! Kaibigan ko si krista at hindi pwede wala akong gagawin! mabigyan man lang ng hustisya pagkamatay nya!''

Bigla akong niyakap ni Jeff at nagsalita,

"Mag iingat ka lang parati."
.
.
.
.
.
.
4Pm
Pumunta ako sa bahay ni Phoebe para kumustahin kalagayan nya. Hanggang ngayon nag luluksa parin kami sa pagkamatay ni krista ng bigla nag ring ang cellphone ko.

"Hello? Si detective Roberto Savaris to. May mga nalaman ako tungkol sa kaibigan ninyo. Maari ba tayong magkita bukas ng umaga? 9am sa RiceBurger Shop nalang sa Talamban. Marami ako dapat itanong sa inyo."

"Sige po detective, pupunta po kami bukas."

"Sino tumawag?" Tanong ni Phoebe saakin.

"Si detective Savaris. Sabihan mo sina Angeline at Jessy na may pupuntahan tayo bukas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SECRET OF WIVES (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon