"Oh ano na, may gwapo daw ba dun sa kabilang section?"
"HAHAHA parang tanga naman joy syempre.......wala nakita mo nang mga dugyot tao dito tapos maghahanap ka ng gwapo HAHA gaga ka talaga." Tatawa tawang sabi ko. Eh totoo naman kasi probinsya toh tapos maghahanap siya ng gwapo. Pwe. Duh. Err
"Kahit kailan ka talaga noh, napakalaitera mo. Pano nga ba kita naging pinsan?" Umakto pa siyang nagiisip habang nakanguso.
"Tsk, edi syempre diba kase si lolo kapatid ng lolo mo. Napakamalimutin mo naman jusko." Pambabara ko pa. Mukha naman siyang nainis dahil bahagyang nalukot ang mukha niya.
"Ewan ko sayo, dalian mo maglakad at mahuhuli tayo."
"Aga aga pa, dun muna tayo sa karinderya ni aleng-di-ko-alam-pangalan."
"Pansit saka turon aken, oh ito bayaran mo." Inabot niya saken ang bayad niya at nagsimula ng maglakad papunta sa karinderya.
"Ale dalawang pansit po at saka turon, dalawa rin po." Sabi ko kay ate sabay upo sa bakanteng upuan.
"Hoy may sasabihin ako sayo"
"Ano yun" walang buhay kong sagot.
" Di ba dun sa kabilang section, nakita mo ba yung lalaking naka hawk na bag na naka complete uniform?" Tanong niya naman. Akala mo chismosa eh.
"Aaah, oo....yun ba...di ko nakita eh" akto ko pa sabay kamot sa ulo. Syempre kilala ko yun amg cutie nun eh. HAHA crush ko.
"Hindi nga?"
"Joke..syempre nakikita ko yun di naman sobrang laki nitong school noh." Pag amin ko
"Eto na yung pansit niyo mga ineng" naputol ang chismisan namin ng dumating na yung pansit namin.
"Edi nakikita" pambabara nya. Minsan may saltik din tong babaita na toh eh.
Di ko na lang sya pinansin at kinain na lang ang pansit. Sobrang init napapaso dila ko. Tiningnan ko si joy na mukhang nageenjoy naman sa pansit niya.
"Tara na" tapos na kong kumain at ganon din siya kaya tumayo na kami at kinuha na ang aming bag.
"Taralets"
Tutal sa iisang classroom lang naman kami dahil nga magkaklase kami sabay na din kaming pumunta dun.
"Hi guysss!!!" Salubong ko agad sa mga kaibigan ko.
"Oh, ba't ngayon lang kayo malapit na mag time ah" sabi ni krizy. Isa sa mga matatalino kong kaibigan.
"Nagpansit pa kasi kami, nag aya tong si Shaleen eh." Sagot ni joy-to-the-world.
YOU ARE READING
Pull Me Closer To You
Teen Fiction"I, Shaleen Favalhano committed a sin for loving a man like you"