Chapter 5

0 0 0
                                    

Kanino bang anak yan?"

"Kay Nancy yan beth. Yung sinasabi nilang pokpok daw kaya maraming pera."

"Aah anak niya ba yan? Kawawa naman at inabandona na."

"Yung tatay din daw niya drug dealer kaya tingnan niyo naman yang bahay ang laki laki pero sarado lahat."

"Mama....Papa"

"Mama!!!"

"Are you okay? Hey tumingin ka sakin. May masakit ba sayo?"

"Aahhhhhhh!" Sumigaw ako ng pagkalakas lakas dahil nandito si Kaizer sa tabi ko. At nasa kwarto ko siya!!!!???

"Ano ba! Bat bigla kang nagsisigaw?" Tanong niya na hawak hawak pa ang magkabila niyang kamay.

"Bakit nandito ka!?"

"Hinatid kita kanina kasi sabi mo 'im scared gusto ko na umuwi'" ginaya gaya pa niya ang boses ko kanina na may singhot singhot pa.

"Nakatulog ako?" Hindi ko matandaan kung ano nangyari pagkatapos sabihin ni Kuya na 'miss are you okay?'.

"You fainted kaya sinakay na lang kita sa kotse namin and then i called your friends to ask where's your house."

"Ganon? So ikaw yung tumulong sakin!?" Bumangon na ko at tumayo sa harap ni Kaizer nakaupo kasi siya sa upuan kong umiikot ikot kaya napatingala siya saken at takang nakatitig.

"Huwag ate di pa ko handa" he dramatically said while placing his hand on his chest.

"Baliw, dun tayo sa sala at baka kung ano pa isipin ng mga chismosang kapitbahay."

" Ok ka na ba?I cooked" pababa na kami sa hagdan ng sabihin niya iyon. Nagulat ako sa sinabi niya kaya bigla akong lumingon kaya nagulat din siya at napaatras pa.

"Huh? Wait anong oras na ba?" Nagtataka ako dahil kung makaasta eh parang boyfriend ko at nandito pa rin siya sa oras na toh.

"It's...uh 8 pm and I'm leaving baka mapagalitan ako ni mommy. Kainin mo na lang yung niluto ko at sayang masarap pa naman yun."

"Cge at saka ok na ko" paalam ko na lang dahil dirediretso na siya sa pintuan.

"Ano naman kayang niluto non?" Taka kong tanong sa sarili dahil imposible namang makapagluto siyang wala ngang stock yung ref.

Pagkabukas ko ng kawali tumambad sakin ang Tteokbokie soup???? Huh? Marunong siyang magluto nito?

Kinain ko na lang dahil nagugutom ulit ako at infairness ang sarap ng luto di masyadong maanghang.

Pull Me Closer To YouWhere stories live. Discover now