I'm emotionally unstable, i have mood swings kapag minsan naiiyak na lang ako bigla because i feel lonely. Sometimes my friends would hang out even though I'm not go for it. I don't know i just feel my worth when they needed me.
I don't want to accuse my friends so I'm pointing it on myself for being a pushover. It is true that im just shoving myself to them because originally I'm not part of it.
"Beng!!!!" Bunganga ni Joy ang bumungad pagkapasok namin ng classroom. Nauna na si Kaizer sa upuan niya at tumingin sa bintana. Habang ako naman ineenterogate ni Joy.
"Ok na ko saka di naman nila ko sinaktan" sabi ko sa kanya at naglakad na sa papunta sa upuan ko.
"Sure ka? Sorry ah nalaman ko lang nung tinawagan kami ni Kaizer." She said with a guilty eyes.
"Ano ka ba ok na nga ako....oh tingnan mo" umikot pa ko sa harapan para makita niyang ayos ako. "Maayos diba? kulit"
"Oo na ang yabang mo..eh balita ko umiiyak ka daw HAHAHA" Tinuro niya pa ako habang tumatawa.
"Syempre naman, kung ikaw nasa kalagayan ko baka baliw ka na ngayon tuleg" umupo na ko at nanatili naman siyang nakatayo sa gilid ko.
"Good morning Kaizer!" Binati niya si Kaizer at nagpabebe pa.
"Good morning" balik na bati ni Kaizer sa kanya sabay ngiti.
Lumipat si Joy sa gilid niya at nagusap sila tungkol sa random stuffs. Tumingin ako sa bintana at dinama ang init ng sikat ng araw.
"What's your ideal girl nga pala" biglang tanong ni Joy sa kanya kaya lumingon ako. She's on our school uniform na long sleeves with neck tie polo and above the knee black skirt. Si Kaizer naman polo na katulad samin na pinatungan niya ng Cardigan vest.
"Simple but pretty, smart but not intimidating" he said and smiled.
"Okay?" Simpleng tugon lang ni Joy at tumango ng alanganin.
"Class go back to your seats" bigla naman pumasok ang Adviser naman kaya nagmadali na si Joy na pumunta sa upuan niya.
"Okay we'll start our quiz so Ms. Dela Cruz hand this to your classmates." Tinawag naman si Joy kaya tumayo siya at lumapit sa Adviser namin. "And for you Ms. Favalhano dalawa ang ibibigay ko sayong quiz since you didn't attend my class yesterday."
"Yes sir" tumungo ako dahil medyo nakakahiya ng slight ang mapagsabihan.
Nagdidistribute na si Joy ng test paper kung saan nandon yung quiz namin. Kase every friday may quiz for all subjects keneme kuno.
"Good luck beng fighting" sabi niya ng ako na ang binigyan niya. Ngumiti lang ako at yumuko para tingnan ang questions.
"Yes napagaralan ko to" napangiti ako dahil halos lahat ng questions nareview ko kanina kaya hanggang matapos eh nakangiti lang ako.
"Wooh tapos" nagunat lang ako ng likod at tiningnan si Kaizer na pa chill chill lang sa kanyang upuan.
Nang lumingon siya sakin bigla na lang siyang nagngising aso kaya napaatras ako.
"Naunahan kita HAHA" pabulong na sabi niya at sumayaw sayaw pa ang ulo niya.
"Nakahithit ka ba? Para kang bata" asik ko sa kanya dahil nakakairita yung mukha niyang nakangisi.
"Nahithit ko yung kilikili mong nakataas kaninang nagunat ka" sabi niya habang tumatawa ng mahina.
Conscious ko namang inamoy ang kili kili ko. Wala namang amoy eh.
"Gago, baliw" hindi ko na lang pinansin ang kalokohan niya at sinubmit na ang answer sheet ko.
Umupo na ko sa upuan ko pagkasubmit ko ng mapansing hindi makatingin si Kaizer sakin at palingon lingon lang ang ginagawa.
"Hoy nababaliw ka na ba?" Tanong ko dahil mukha siyang baliw na nasibrahan sa math.
Lumapit siya at may bumulong na nakapagpainit sa mukha ko.
"May tagos ka" namutla ako at natulala ng ilang segundo.
Putanginangyawa bakit ngayon pa pwede namang sa bahay ka dumating eh bakit dito pa!
"M-may hoodie ka bang dala?" Nahihiya ako sa kanya at di makatingin ng maayos.
"Meron bakit?" Taka niyang tanong.
"Hiramin ko muna" sabi ko na nagets na niya ata kaya dali dali niyang kinuha ang hoodie niya binigay saakin.
"Sir may i go out for a minute?" Paalam ko sa Teacher namin para pumunta sa restroom.
Tanging tango lang ang ibinigay nito kaya tinali ko na ang hoodie sa bewang ko at tumayo. Napatingin naman sakin si Kaizer.
Tumingin ako kay Joy na mukhang di pa tapos at problemado base sa ekspresyon ng mukha niya.
Hindi ko na siya inistorbo at dumiretso na palabas. Ng makarating na ko sa restroom dali dali akong pumasok at nilock ang pinto nito. Tiningnan ko rin ang bawat cubicle at nakahinga ng maluwag ng walang tao.
"Bakit kasi ngayon pa?! Tapos siya pa nakakakita HUHUHU" pagmamaktol ko habang nagbibihis. Naghugas na ko ng kamay at siniguradong walang bakas ng kahihiyan ang legs ko.
Tinanggal ko na rin ang hoodie at inamoy. Ang bango mas mabango pa ata to kesa sakin. Yayamanin.
Paglabas ko ng Cr nagulat ako ng madatnan ko si Kaizer na nakasandal sa pader malapit sa pintuan. Tumuwid siya ng tayo ng makitang nakalabas na ko.
"Ok na ba?"
"Yeah thanks" i said and handed him he's hoodie.
I can't look at him straight in the eye because I'm embarrassed. To all people na makakakita bakit siya pa?
"In-excuse na kita kay Sir na dadalhin kita sa clinic." He said while looking intently at me.
"Worried ka ba sakin ha?" I jokingly said.
"If yes?" Bigla niyang sabi na nakapagpatigil sakin.
"Uhm" i feel uneasy because of his sudden throw of words. " Punta na tayo sa clinic biglang sumakit puson ko"
"Let's go"
;)
YOU ARE READING
Pull Me Closer To You
Teen Fiction"I, Shaleen Favalhano committed a sin for loving a man like you"