Chapter 2

1 0 0
                                    

Ang hirap naman kapag yung gusto mong makuha hindi mo nakukuha kasi bukod sa hindi yun para sayo eh hindi mo talaga kayang makuha.

Everytime i feel sad i look up to the sky, and think that maybe one day i get what i want to get. Bata pa lang ako yung mga gusto ko di ko kayang kunin though hindi naman kami mahirap kung baga nasa gitna lang kami ng mahirap at mayaman. Yes, i get what i want on materialistic phase but in terms of love, i think pinagkakait ito sakin.

I'm in my 4th year of being a highschooler but i sulk kapag di ako napagbibigyan sa gusto ko kaya ang mga magulang ko ay laging binibigay ang gusto ko pwera nga lang sa pagmamahal kase palagi silang busy sa trabaho hindi na nila ako naasikaso kaya bumabawi talaga sila sa pagbibigay sakin ng mga mamahaling gamit.

My mother used to be a housewife but she chose to work para raw mas madami kaming pera. Although i kinda feel sad kasi mas inuuna nila ang pera kesa sakin kaya iniisip ko na lang na para sa future ko naman ata yung pera na pinagtatrabahuhan nilang makuha.

~BRZZZKK~ ~BRZZZKKK~

Nagising ako sa dahil naramdaman kong nagvivibrate ang phone ko sa ilalim ng unan. Kinusot ko ang mata ko at papungas pungas na tiningnan ang cellphone ko hindi ko masyadong makita ang caller name kaya sinagot ko na lang.

"Hello" sabi ko na inaantok pa

"Hoy beng, kakagising mo pa lang!?" Pagbubunganga ni joy, kaya naman nagising ang diwa ko dahil sa sigaw niya. Bahagya ko pang inilayo ang cellphone sa tainga ko dahil masakit naman masyado sa tenga yung boses niya.

"Oo baket?" Tanong ko habang humihikab. Tumayo na ako sa kama at bumaba sa dining.

"Dalian mo at si President maglilista raw ng late at kada late daw may punishment!" Pasigaw pa ring sabi niya. Sus para yun lang pala eh akala ko naman kung ano na.

"Aah ganon?" Walang pakealam kong sabi habang naghahalungkat ng makakain sa refrigerator.

"Eh? Deadma bhie?"

" Oh, bakit anong gusto mong reaction ko ha." Tanong ko pa sa kanya.

"Aah HAHAHA kala mo magkukumahog akong maligo, kumain at magbihis dahil baka malate ako at makatanggap ng punishment, ganon ba?" tatawa tawang dagdag ko pa.

"Oo ganon nga, normal reaction yun sa mga students lalo na honor student ka noh" paliwanag niya.

"Para punishment lang takot na takot, hindi ka naman niyan papatayin beng HAHAHA" pangaasar ko sa kanya.

"Aah basta bahala ka, papunta na ko sa school byebye"

"Oh cge bye" yun lang at ibinaba ko na ang tawag at tinapos ang pagkain. Third week na simula nung pasukan at masasabi kong okay naman pala ang buhay grade 10. Pumapasok ako sa Katipunan National High School at medyo malayo ang bahay namin kaya inaagahan ko na lang ang pagpasok pero kasi ngayon tinatamad ako kaya kahit anong oras na lang basta makapasok.

Pumunta na ko sa banyo at naligo na hindi ko alam kung anong oras na natapos dahil  sobrang tinatamad ako ngayon di ko lang alam kung bakit.

____

School

"As for this you can calculate it in your scientific calculator....makikita niyo diyan lahat ng symbol kaya madali na lang yan" Narinig kong nag lelesson na ang adviser namin ng first subject na math. Ganda ng bungad noh math agad.

"Shet, lentek na yan masyado na kong late baka pagalitan pa ko niyan, mamaya na lang ako papasok" i murmured and took my phone on my bag to text my friend na di muna ako papasok sa first sub.

"Ano yun miss?" Narinig kong bulong ng sa likod ko. Dahan dahan akong humarap at namilog ang mata ko dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Muntik na kong matumba dahil sa pagatras na ginawa ko kaya hinawakan niya ang likod ko sa may bandang bewang at hinigit ako papunta sa kanya. Kaya pati katawan namin magkalapit talaga ng sobra.

"A-ano ba! B-bitiwan mo nga ako" singhal ko sabay tulak sa kanya.

"Psh... nevermind, bakit ba di ka na lang pumasok, nagdadasal ka pa ba at bumubulong bulong ka pa diyan." Sabi niya habang nagpipigil ng tawa.

"Pake mo ba, eh ikaw nga bumulong din eh nakikidasal ka rin ba.. psh kalalaking tao tsismoso masyado" may sasabihin pa siya kaso nag lakad na ko papunta sa cafeteria dahil doon muna ko tatambay habang inaantay matapos ang first subject.

Nilabas ko ang libro ko at nagbasabasa muna habang hinihintay ko ang binili ko. May parang waiter kasi dito sa cafeteria kaya ganon. Kahit na probinsya toh maraming mayayaman at kilalang tao dito.

"Frappuccino for Miss..." Tiningnan niya ang name tag ko bago siya magsalita. "Flavalhano, enjoy your frappe" ngumiti pa yung waiter bago umalis.

Humigop na ko dun at nagpatuloy ulit sa pag skim ng libro ko.

"If i were Steve will you gonna love me the way you love him?..awww pakshet baket di si lucas pinili mo antanga mo naman bridget" naiinis na ko dito sa librong toh sa totoo lang GRRR.

Salubong ang kilay ko habang nagbabasa at nakalimutan ko na yung inumin ko kaya lang wala na siya dun sa lamesa. May naramdaman akong nakatingin sa akin sa harapan kaya inangat ko ang paningin ko at boom si Kaizer punyeta iniinom yung frappe ko at masaklap pa yung straw na ginamit ko ginagamit din niya!!!

"What are you lookin at?" He said with a playful smile.

"Anong what are you lookin at ka dyan eh akin yan eh!" Sigaw ko sabay tayo na may pahampas effect pa sa mesa.

Napatingin sa akin ang mga staff sa canteen kaya medyo nahiya ako at dali daling umupo.

"Well, I'm not saying it's mine tsk" he rolled his eyes while sipping in MY frappe.

"Yocc bakla amputa" bulong ko

"May sinasabi ka ha?"

"Meron bakit angal ka?

"Ingay mo" tinaas niya ang kamay niya at maya maya lang may dumating ng waiter.

"One frappuccino large" sinabi niya iyon sa waiter habang nakatingin sa mata ko.

"Coming sir"

"Ayan na ha wala akong utang sayong kape" pagkasabi niya non tumayo na siya at iniwan na ko dun sa lamesa.

"Psh bipolar, kahapon cold tapos kanina jolly tapos ngayon back to cold may lahi ka bang elsa?" Sabi ko habang tinitingnan ang papalayo niyang bulto.

~KRRRRRNNNGGGG~

"Here's your boyfriend's order maam, enjoy" papalayo na ko ng mahabol pa ito sakin nung waiter.

Magsasalita pa sana ko kaso mabilis siyang nakaalis sa harapan ko. At duh di ko yun boyfriend err.

"Hoy san ka tumambay ha?!"

"Sa cafeteria bakit inggit ka ha inggit ka?" Pangaasar ko kay joy.

"Nag quiz kami 1-20 items, yun ang inggit ka!!!" Sigaw niya at sa tenga ko pa talaga.

Nanlumo ako sa narinig ko at di ko pinansin yung sigaw niya sa tenga ko.

"Magkape ka ulit"






Pull Me Closer To YouWhere stories live. Discover now