Hayyyyyss!
Friday na sa wakas!
Matapos lang ang araw na to hindi ko na ulit makikita ang demonyong pangit na walang manners.
"Hoy, walang dede!" nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad at hindi pinansin ang demonyo.
Makasabi nang walang dede, kala niya nahawakan na niya! Padede-in ko pa siya e!
Napailing ako sa naisip. Ang bastos!
Simula nung inapakan ko ang paa niya, hindi na niya ako tinigilan. At ang walangya, pakiramdam ko may iba pang pinaghuhugutan ng galit.
Pagkaupong pagkaupo ko sa upuan ko, atsaka ko lang na realize na kaming dalawa lang pala ng demonyo ang nasa loob ng room.
Ang tagal naman ata ng mga kaklase ko?!
Tinignan ko ang oras sa phone ko, 6:45 am.
Napatanga nalang ako, ibig sabihin?nasubrahan ako sa aga?! Gosh! Perstaym!
Nalipat ang tingin ko sa harapan, nagsalubong ang kilay ko ng makitang nakapangalumbaba si Miguel habang nakatingin sakin.
Umayos naman agad siya ng upo bago ngumisi. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Anong nginingisi ngisi mo diyan?!" pagtataray ko, pero ngumisi lang siya lalo.
Parang manyak ampota.
"Ano kayang magandang gawin ngayon?" parang tangang tanong niya habang nakangisi. Tinignan ko lang siya.
Ano na naman kaya ang tumatakbo sa utak ng demonyong to. Napaayos ako ng upo ng bigla siyang naglakad papalapit sakin.
"Anong ginagawa mo?" salubong ang kilay na tanong ko, pero nagpatuloy lang siya sa paglapit.
Nang makalapit na siya sa upuan ko, bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya inilayo ko kaagad ang mukha ko.
Hindi na ako nakagalaw ng nilagay niya ang kanang kamay sa likod ng upuan ko. Kinukulong ako.
Nilapit niya ang mukha sa bandang tenga ko bago siya bumulong. Pakiramdam ko nanayo ang balahibo ko sa ginawa niya.
Ang landi ng pota.
Handa na sana akong itulak siya ng bigla niyang hipan ang tenga ko. May idenyang biglang pumasok sa utak ko. Napangisi ako.
Ang landi mo ha, patay ka ngayon.
Dahan dahan kong itinaas ang dalawang kamay ko para abutin ang mukha niya. Naramdaman ko naman ang biglang paninigas niya dahil sa lapit namin.
Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong kamay at pinaharap sakin.
Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis, bago ko ginawa ang plano ko.
Kinagat ko ang labi ko dahil sa pagpipigil ng tawa at kita ko ang pagbaba ng mata niya at tinignan yun.
Nilapit ko ang mukha namin ng dahan dahan, ng makita kong pumikit siya ay walang pagdadalawang isip kong iniatras ang ulo ko para bumwelo bago iniuntog sa ulo niya.
Napatayo siya at kita ko ang gulat sa mukha niya habang nakahawak sa ulo niya at mukhang wala sa wisyong nakatingin sa akin.
Tumayo rin ako para pantayan siya. Dinuro ko siya. Magsasalita na sana ako ng bigla akong nahilo kaya napahawak ako sa nuo ko.
Mukhang nasobraan ata sa lakas yung ginawa ko.
Tinignan ko siya ulit, pero mukhang pati siya ay nahihilo na rin. Dinuro ko siya ulit.
"Alam mo! ginigigil—" hindi ko natapos ang sinasabi ko ng bigla nalang nandilim ang paningin ko. Pero bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay may naramdaman akong brasong pumulupot sa katawan ko.
———
Nagising ako dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Napahawak ako sa nuo ko dahil pakiramdam ko ay doon nanggaling ang sakit.
Napaupo ako bigla sa kama ng may maramdaman akong bukol sa nuo ko. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid.
Pano ako napunta sa clinic?
Dahan dahan akong tumayo dahil nakaramdam ako ng pagkahilo nung biglaan akong umupo mula sa pagkakahiga kaya iniingatan ko ang pagkilos dahil ayaw ko talaga ang pakiramdam na nahihilo.
Hinawi ko ang kurtina ng clinic kong saan ako nakahiga.
May nakita akong salamin sa isang table na sa tingin ko ay table ng school nurse.
Lumapit ako don at kinuha ang salamin. Tinignan ko ang nangyare sa nuo ko, at muntik pa akong mapasigaw dahil sa laki ng bukol ko.
Panong nagkaroon ako ng ganito?!
Mangiyak ngiyak ako habang dahan dahang hinahaplos ang bukol sa nuo ko. Inalala ko ang nangyare bakit ako napunta sa clinic at nagkaroon ng ganito kalaking bukol.
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng biglang nahawi ang kurtina sa gilid lang ng pinagpahingahan ko kanina.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Miguel. Sabay pa kaming napaturo sa isa't isa.
"Ang laki ng bukol mo!" sabay naming sigaw, sabay pa kaming napahawak sa mga bukol namin pagkatapos.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya sinamaan ko rin siya ng tingin.
"Ikaw ang may kasalanan nito e!" parang batang sabi niya habang nakaturo sa bukol niya.
Hindi ko alam pero bigla akong natawa, mas lalo namang bumusangot ang mukha niya habang masama parin ang tingin sakin.
Tawa lang ako ng tawa sa mukha niya ng bigla siyang lumapit sakin at tin-rap na naman ako.
Bigla sumeryoso ang mukha ko ng inilapit na naman niya ang mukha niya sakin.
Kutang kuta nato sa ganda ko ha!
"Bakit mo ginawa yun?" mahinahon pero seryosong sabi niya. Napahinga nalang ako ng malalim, ngayon ko lang siya narinig ng ganito kaseryoso.
Bumuntong hininga ako uli bago siya tinignan sa mata. Magsasalita na sana ako ng biglang may pumasok sa clinic kong nasaan kami.
"Jusko! maryosep!" Dinig kong sabi ng nurse kaya bigla siyang napalayo sakin.
Napatawa nalang ako. Tinignan niya naman ako ng masama kaya napatikhim ako.
Sinabi lang samin ng nurse kong ano ang gagawin para madali lang gumaling ang bukol naming dalawa at pinayagan na agad kaming lumabas.
Napabuntong hininga nalang ako ng malalim ng mapansin kong halos lahat ng estudyante na nadadaanan namin ay napapatingin samin.
At hindi ko inaasahang may mas malala pa pala sa pinagtitinginan sa hallway dahil pagdating namin sa room ay kami pala ang topic, at halos itapon ko sa kanila ang upuan ko dahil sa pang aasar nila sakin—samin.
Pakiramdam ko ito na yata ang pinakamalas na araw ko sa buong buhay ko.
Hayyyyyss!
—————
🖤Bibi_Legna🖤
YOU ARE READING
My Perverted Mind
HumorHindi malandi ang utak ko, mahalay lang. At mas lalong hindi ako mahalay, yung utak ko lang.
