Ang bilis talaga nang araw, parang kakasimula lang nang weekend kahapon tapos ngayon lunes na naman.
Busy ako sa pag aayos nang mga gamit ko sa school nang biglang pumasok sa kwarto ko si Marie.
Tinignan ko siya nang mapang akusa.
"O, wag mo 'kong tignan nang ganyan, pinasabi lang sakin ni Auntie na bilisan mo raw ang kilos mo" Sabi ni Marie saka padabog na lumabas. Napatawa nalang ako bago sumunod sa kanya.
Tutok na tutok ako sa teacher naming busy sa pagdidiscuss. Sabay sabay kaming napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas—ng padabog.
At nagsimula na akong mag chant sa utak ko nang makita ko kung sino ang pumasok.
Walang manners. Walang manners. Walang manners. Walang manner—
"Walang manners" Napansin kong biglang natahimik ang mga classmate kong busy sa pang a eye rape kay Jansen. Lahat sila ay nakatingin na sakin,including Jansen and our teacher.
Huli na nang ma realize kong,nasabi ko pala yung dapat na sa isip ko lang.Pasimple nalang akong tumungo.
Kung tatanungin niyo ako kung nahihiya ba ako.Pwes,hindi!
Totoo naman kasing wala siyang manners duh!Kahit hot siya wala talaga siyang manners. HAHAHA—
Natigil ako sa pagtawa ko sa isip nang marinig ko ang sinabi niya.
"Walang Dede"Mahina niya yang sinabi,pero sapat na para marinig ko dahil sa mismong gilid talaga nang upuan ko niya yan sinabi.Sinamahan pa talaga niya nang nakakainis na ngisi.
Kala naman niya kina gwapo niya yun!Tsk.
Putspa niya!
Pakiramdam ko may lumabas na usok sa ilong at tenga ko dahil sa inis.Sisigawan ko na sana siya pero may naka una na sakin.
"Legaspi!"Pakiramdam ko may naputol na ugat sa leeg ko dahil sa bilis nang pagkakalingon ko.Napaturo pa ako sa sarili ko habang may di makapaniwalang mukha.
My god!bat ako ang tinawag e hindi naman ako ang na late!putspa! Favoritism.
May tinanong si ma'am sa akin, mabuti nalang talaga at nakinig ako kanina dahil kung hindi uupakan ko talaga ang walang manners na dahilan nang lahat.
Oo!siya ang sinisisi ko,hindi naman kasi ako madalas tinatawag ni ma'am pero dahil sa kanya napunta sa akin ang atensyon.Tang ina niya.
Pakiramdam ko tuloy naubos ang laman nang utak ko dahil sa sunod sunod na tanong ni ma'am.Oo,sunod sunod talaga.
Halos buong time niya yata ako ang pinag initan niya at hindi na ako pinaupo dahil sa sunod sunod na tanong.Hayyys.
Kaya pagkaring na pagkaring nang bell,lumabas agad ako.Haha.
Inis parin kasi ako sa walang manners na yun.How dare him!Dumiretso ako sa C.R. dahil naiihi na talaga ako.
Pagkatapos kong maghugas nang kamay,napatingin ako sa reflection ko sa salamin.Inayos ko yung de foam ko na bra.
Langya,may foam na nga yung bra ko,tapos sasabihan parin ako nang walang dede,ha!buwisit siya!
Pulang pula na ang mukha ko dahil sa inis.Sa totoo lang hindi ko alam kung ba't ako inis na inis e totoo naman.
Ah basta!wala siyang manners bahala siya sa buhay niya at bahala na ako sa sarili ko tss.
Baliw na ata ako hayys.Ang nonsense na nitong pinag iisip ko tsk.
Lumabas na ako sa Cr para bumalik sa room.Nawalan na ako nang ganang kumain.
Pagdating ko sa room,imbes na gumaan ang pakiramdam ko mas lalo lang atang sumama.
Nakasandal sa pinto si Jansen at nakalagay pa ang mga braso sa dibdib.Puta niya,kala naman niya gwapo siya e ang pangit pangit pangit niya!!!!!!
Ahhhh!!!!!
Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagpunta sa room.Kitang kita ko ang pagharang nang isang paa niya sa dadaanan ko yung position na parang may itatalisod.
Dahil inis na inis ako sa kanya,hindi ako nag dalawang isip na tapakan yun.
Nang marinig ko ang pag daing niya.Painosente ko siyang tinignan habang kulang nalang ay bumulagta ako dahil sa sama ng tingin niya.
Tumalikod na ako sa kanya bago pa ako matawa nang malakas dahil sa mukha niya.
Buti nga HAHAHAHA.
Sa isip nalang muna ako ngayon tatawa.
—————
So,this is the Chapter 2 everyone!bitin ba?Ako rin nabitin e HAHAHAHA.
Kapag nagustuhan niyo,can you please comment?promise mag-a-update akoHAHAHA
🖤Bibi_Legna🖤

YOU ARE READING
My Perverted Mind
HumorHindi malandi ang utak ko, mahalay lang. At mas lalong hindi ako mahalay, yung utak ko lang.