Bored na bored akong nakikinig sa discussion namin sa Personal Development, at wala na akong ibang gustong gawin kundi ang umuwi at matulog.
At nakadagdag pa sa pagkabanas ko ang bukol kong nagsisimula na namang sumakit.
Nang marinig ko ang bell ay agad akong umayos nang upo at handa na sanang umalis nang magsalita si ma'am.
"Okay class, please remain seated!" kaya wala akong nagawa kundi ang umupo nalang ulit nang maayos at bitawan ang hawak ko nang bag.
Dahan dahan ko nalang nilagay ang nuo ko sa arm rest ng upuan ko at hindi binigyang pansin ang sinasabi ni maam. Gosh, gusto ko ng umuweeee.
Napaayos lamang ako ng upo ng marinig ko ang pangalan ko at ang pangalan na Miguel Cansino. I looked around the room.
Takte, anong nangyayare?
"Any question about the groupings?"
Naderekta ang tingin ko kay ma'am dahil sa sinabi niya. G*go, anong groupings?!
Napatingin ako kay Cansino ng mag sink in sa isip ko ang sinabi ni ma'am. Grupo saan?
He also looked troubled kaya alam kung hindi rin siya nakinig. Napabuntong hininga ako bago nagtaas ng kamay.
" Yes, miss Legaspi?"
"Ma'am, para saan po yung groupings?"
Kita ko ang dahan dahang pagtaas ng kilay ni ma'am dahil sa tanong ko. Dahan dahan naman akong tumungo dahil sa reaksyon niya.
May sinabi naba siyang reason kung para saan ang groupings?
Bakit hindi ko alam? Damn.
"Well, since hindi nakinig si miss Legaspi" pasaring na sabi ni ma'am.
So professional.
"Can you do the honor to tell her what to do with the groupings, Mr. Cansino? Since you're her partner." dagdag pa niya.
Dahan dahan naman akong napatingin kay Cansino, at kung nakakamatay lang siguro ang tingin ay matagal na akong humandusay sa sahig.
What the hell.
Napangisi ako dahil tama nga ang hinala kong hindi rin siya nakinig.
"Mr. Cansino, I said explain, not glare."
Napunta naman ang tingin ni Cansino sa harap, and even tried to clear his throat.
"Ahm, ma'am, I also didn't get the reason why we need groupings."
Straightforward na sagot niya, kita ko naman ang inis sa mga mata ni ma'am, pero bumuntong hininga nalang nang malalim.
Well, being the son of one of the shareholders of the school really has its perks.
"Okay, since both of you didn't give attention with what I've said, I shall expect you to be in the detention room after this."
Parang gusto ko namang magwala dahil sa sinabi ni ma'am. Tangina, gusto ko na umuwi.
Nagsimula na si ma'am sa pag explain kung para saan ang groupings. At sa pagkakataong ito ay binigay ko na talaga ang buo kong atensyon.
Nang matapos siya sa pag explain ay parang gusto ko nalang bunutin lahat ng buhok ko sa singit.
Ampotikk, kaming dalawa ni Miguel ang magkasama sa iisang grupo para sa gagawing project, at hindi lang basta basta project na matatapos sa iisang gawaan lang, o magagawa ng hindi nakikipagkita sa kagrupo.
Ackkk, ang sarap manapak.
"The both of you, understood?"
Napatingin ako kay ma'am. Napatango nalang ako nang makita kong nakaharap na siya saakin.
"Legaspi, here" napatingin ako sa hawak ni ma'am at ang sarap nalang talagang tumakbo papalayo at magsisigaw ng makita ko kung ano yun.
Bumuntong hininga nalang ako at wala ng nagawa kundi tanggapin ang detention slip na hawak ni ma'am.
I grumpily made my way to the detention room. Pagkarating ko roon ay ibinigay ko lang sa nagbabantay ang slip ko, proving that I really came here.
Gosh, gusto ko lang namang matulog, bat napunta nako rito. Kinapa ko nalang ang bukol ko bago napabuntong hininga.
Hindi naman sa nuo dapat nagkakabukol e, dapat sa ibaba lang.
Seriously brain?! Now?!
Handa na sana akong iuntog ang sarili sa upuan ko ng biglang bumukas ang pinto ng detention room, at doon ay pumasok ang may kasalanan nang lahat ng ito.
Nakalimutan ko na isa rin pala siya sa binigyan ng slip ni ma'am, hindi rin pala nakatakas.
Tumayo ang nagbabantay matapos makuha ang detention slip ni Miguel. Binalaan niya muna kaming wag na wag aalis habang hindi pa tapos ang oras nang detention namin.
Hopefully, makabalik siya bago pa madagdagan ang bukol sa mukha ni Cansino.
Napatingin ako sakanya ng magsalita siya.
"Alam mo bagay sayo ang bukol mo" Sabi niya ng nakangisi, nginisihan ko rin siya bago sumagot.
"Bagay rin sayo ang bukol mo, gusto mo dagdagan ko?" kita ko naman ang dahan dahang pagkatanggal ng ngisi sa mukha niya at napalitan nang inis.
Akala niya magpapatalo ako, neknek niya. Nang aktong lalapit siya sa akin ay itinaas ko ang kanang paa ko at umamba ng sipa.
"Ano?"
Inirapan niya lang ako at lumihis ng daan, papunta sa kabilang gilid ng room at umupo. Ibinaba ko naman ang paa ko at hindi nalang siya pinansin. Mabuti nang ganito para tahimik.
Hindi ko alam kung may maimamalas pa ba ang araw ko, pero sana ito na ang huli.
-------
🖤Bibi_Legna🖤
YOU ARE READING
My Perverted Mind
HumorHindi malandi ang utak ko, mahalay lang. At mas lalong hindi ako mahalay, yung utak ko lang.
