Unang Kabanata

82 2 0
                                    

Kabanata 1

Nag iimpake na ako ng mga gamit ko dahil para sa dadalhin kung mga damit pauwi sa pilipinas. Finally after 3 years makakauwi na din ako sa sinilangan ko. Makakauwi na din ako sa bayan ko. Tumingin ako sakanya na nanood ng t.v sa salas at kakalabas ko lang din mula sa silid namin. Malaki na siya. At buti nalang ay mabait siya hindi kagaya sa tatay niya, kaya ayos lang na idala kuna siya sa pinas. Di naman siguro nito mahahalata na sakanya 'yun. Ayaw kung ipahamak siya. Ayaw kung mailagay ulit siya sa alanganin.

"Baby, come here." pag sasabi ko dito. Lumapit naman ito sa'kin na nagtataka ang dalawang mga inosenteng mata nito.

"Yes Mommy?" tanong nito at pinangigilan ko ang dalawang pisngi nitong malalaki tsaka hinalikan sa noo.

"Do you want to go where i give birth to you?" tanong ko dito at naguguluhan naman itong tumingin sa'kin. I know that he will be shock because he doesn't know that i give birth to him in Philippines.

"Where Mommy?" tanong nito at ngumiti ako dito ng malawak tsaka kinarga papasok sa kwarto namin.

"Secret. Tulungan mo nalang si Mommy mag impake." tinuruan ko itong mag tagalog dahil para hindi ako mahirapan makipag usap dito.

"Okay, Mommy." umakyat ito sa kama at tinulungan ko itong makaakyat dahil hindi ito makaakyat dahil sa maliliit pa ang mga kamay nito at paa. "Thank you Mommy. I love you."

"I love you too." ngiting saad ko dito.

***

Nakalapag na ang eroplano na sinakyan namin at kaagad ko namang inayos ang mga bagahe na dala namin at inayos ko na din ang sarili naming dalawa. Natatawa ako dahil nanlalaki ang mga mata nitong tumitingin sa paligid. We've always traveling pero ni minsan ay hindi ko siya dinala sa kung saan ko siya pinanganak.

"Anak halikana." pag tawag ko dito at bumababa naman na kami ng eroplano. Tiningnan ko na ang mga bagahe ko at lumabas na kami ng airport. Sumakay kami sa isang taxi doon at nag padala sa dating bahay na tinitirahan ko.

"Mommy, woah ang ganda. This City is same as in New York." sambit nito habang nakatingin sa binatana ng taxi.

Napangiti naman ako at ginulo ang buhok nito. "Yes pero hindi pa din 'to New York, okay."

Nakadating kami sa dating condominium unit ko kung saan ako nag tatago sakanila noon o kung gusto ko mapag isa. Walang pinag bago ganon pa din. Hindi pa din naman iyon pinapakialaman ng kahit kanino dahil akin pa din naman 'yun at pera ko mismo ang pinundar ko doon. Lumapit ako kay Melly na siyang namamahala o nag bibigay ng pahintulot na makapunta ka sa taas.

"Melly." agaw atensyon ko dito dahil sa mukhang busy ito. Tumingin ito sa'kin at tumango lang.

"Oh Eddie." sambit nito at napatawa ako ng mahina ng makita kung binitawan niya ang ginagawa niya at tumingin sa'kin.

"Ikaw n-naba iyan?" sambit nito at tumango ako dito kaya lumabas ito sa kung nasaan siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Ang ganda mo na." sambit nito at napailing ako dito.

"Hindi ah ganon pa din naman ako." sambit ko dito tsaka naagaw ng atensyon nito ang batang naka kapit sa mga hita ko.

"Siya naba?" tanong nito at tumango ako. Tumingin ulit ito sa'kin at naiiyak na niyakap ulit ako tsaka pinakawalan.

My Runaway Wife  (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon