Kabanata 8
*K I N A B U K A S A N*
"Glace gising... Ma le-late kana." Nagising ako dahil sa kaingayan at sunod-sunod na katok ni Mia sa labas ng aking kwarto. Imbis na bumangon ay binalot ko ang aking sarili sa kumot.
"Glace.... Bahala ka diyan at papasok na ako." Bumalikwas akong bumangon ng sabihin niya iyon kaya agad kong nilingon ang orasan, mag aalas siyete napala. Ang bilis ng oras ni hindi ko nga naramdaman na nakatulog na pala ako. Agad akong lumabas sa kwarto upang makaligo. Nandoon kasi malapit sa kusina ang aming Cr kaya kinakailangan pang lumabas sa kwarto. Tanaw kong pa alis na si Mia suot ang kaniyang uniporme kaya dumiretso na ako sa palikuran.
"Aalis na ako." Ani niya kaya nilingon ko siya bago makapasok sa palikuran at tinangoan siya bilang tugon.
Late na ako ng makarating sa campus, alas otso na ngunit madami paring mga studyanting palaboy-laboy sa pasilyo kaya hindi narin ako nagmadali pang pumasok.
"Anong miron?" Tanong ko kay Josh ng makapasok sa classroom. Abala itong nag lalaro sa kaniyang cellphone.
"Hmmmm... Walang pasok.."
"Bakit?"
"Preparation para sa Intramurals next week." Sagot niya habang nakatuon parin ang paningin sa nilalaro.
"Ano? Next week agad?" Gulat niya akong nilingon. Kaya midyo nahiya ako sa aking inasta sa kaniya. Hindi pa naman kami close ni josh.
"Ano naman ngayon kong next week na? Mas maganda nga iyon diba? Wala tayong pasok." Sagot niya sa akin
"Paano ako? Ni hindi pa nga ako nakapag review eh.. Ako pa naman ang representative sa debate."
"tsskkk.... You don't need that." Sagot niya at binalik na ang paningin sa kaniyang nilalaro. Kaya imbis na guluhin pa siya ay tumungo nalang ako sa aking upuan at nilapag doon ang aking mga gamit. Sinuyod ko ang kabuohan ng classroom namin. Ang iba ay nag lalaro, may groupo din ng kababaehang nag uusap at ang iba ay nag papaganda, habang ang ibang mga lalaki ay nag kakantahan habang nag gu-guitara ngunit may isang taong hindi ko nakita kaya nilingon ko ulit si josh.
"Si Mia?" tanong ko sa kaniya at nilingon din naman niya ako agad ng may pag tataka. Tumingin pa siya sa itaas na para bang nag iisip.
"Sinong Mia?" Kunot noo niyang tanong ng ibinalik niya sa akin ang kaniyang paningin.
"Mia, yung bago nating kaklase."
"Ha?"
"Si Mia, short for Mialene.."sagot ko sa kaniya
"Ganiyan na kayo ka close agad? May pa short-short name na kayo." Panunukso niya pang ani sa akin.
"tsskkk.. Inggit ka lang." inirapan ko siya ng sabihin iyon.
"Nandito siya kanina kaso may pumunta dito at hinahanap siya kaya ayon umalis." Sa tingin ko ay isa iyon sa mga pinsan niya ang naghahanap sa kaniya kaya wala na akong sinagot pa at inilabas nalang ang isa sa mga libro ko para naman may makaabalahan ako.
Ilang minuto pa ng dumating si Mia at agad itong lumapit sa akin ng may dala-dalang bag na may tatak na Banggo Niu. Isa sa pinakasikat na designer sa buong pilipinas si Banggo Niu kaya ganon nalang ang pag ka gulat ko.
"Saan ka galing?" Tanong ko ng makalapit siya sa akin ngunit ang aking paningin ay nakatoon sa kaniyang dala.
"Hinatid lang sa akin itong gown na gagamitin ko sa pageant." Sagot niya habang ginagalaw-galaw pa ang hawak niyang bag.
BINABASA MO ANG
How to Fall
Teen FictionAfraid of being hurt, afraid of being abandoned, and afraid of being unloved. Yan ang nakatatak sa isipan ni Glace. But what if Ikaw yung nanakit? Ikaw yung umiwan at Ikaw yung naubusan ng pag-mamahal. Are you still afraid of that? Are you still af...