Kabanata 30 "Tyrone Griego"

7 3 3
                                    

Kabanata 30

Tyrone Griego



"No" madiin Kong tanggi nang sabihin ng manager ko na magkakaroon daw kami ng exposure ni Trisha Mamaya sa concert.


"Come on Tyrone we just do this for your fans and Trisha's fans.." mapilit parin siya. Dinig na dinig mula dito sa backstage Ang hiyawan ng mga tao. Sa mga boses palang nito ay malalaman mong dinagsa ng maraming tao Ang Araneta Coliseum



"I have a girlfriend kuya Rage." Napipikon na ako sa pamimilit niya sa akin at kanina pa Ako pinapapunta ng mga staff doon sa stage pero Hindi Ako makagalaw dahil sa mga pamimilit ni kuya Rage sa akin


"It's just a small favor dear.. kailangan nating pakiligin Ang mga fans ninyong dalawa.. And beside it's just a kiss lang naman dear."




"It's not just a kiss but it's a kiss.. I have a girlfriend at pumayag na Ako sa pabor ninyong huwag siyang isama dito sa concert ko but this kind of favor ay Hindi ko kayang lunukin." Nakita Kong tahimik lang na nakikinig si Trisha sa aming dalawa, alam Kong ayaw din Niya sa mga Plano ng manager Namin sadyang masunurin lang si Trisha kumpara sa akin.




"Hindi ko naman sinabing halikan mo siya sa labi.." napabuntong hininga nalang Ako dahil sa pamimilit niya, Wala akong magawa Kong di sundin Ang utos ng manager ko. Just like what he said bumaba Ako sa stage at nilapitan si Trisha sa may VIP.




"Para sa'yo to Trisha" Pinilit Kong maging kapanipaniwala Ang lahat ng acting Namin ni Trisha kaya Nalunod Ang buong Araneta dahil sa hiyawan ng mga fans nang hinalikan ko siya sa kaniyang noo.




Why they're acting like this? It's just a friendly forehead kiss but the way they scream of what I did ay parang may ginawa Akong napakahalaga para sa kanila.




Masaya Ako dahil naging successful Ang concert ko sa Araneta but it didn't last that long when I receive a message from my dad.



"Tyrone anak, sinugod Namin sa hospital Ang mommy mo"



from that moment para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa natanggap na mensahe. Hindi na Ako nag aksaya pa ng panahon at agad ng umalis para mapuntahan Kong saang hospital man dinala si mommy.



"H-how is she?" Tanong ko agad Kay dad nang makarating sa hospital but instead of answering me ay hinagkan Niya Ako ng mahigpid at doon umiyak ng umiyak. Ni Minsan ay Hindi ko nakita si dad na umiyak o naging mahina sa mga mata ko, I never seen him like this kaya Ganon nalang Ang pagkirot ng puso ko habang pinakikinggan Ang kaniyang hinagpis.




"S-she... Have a b-bone cancer anak.." Hindi Ako makagalaw sa aking tinatayoan nang marinig ang sinabi ni dad sa akin.




I thought she's healthy..



Among us, siya itong may health conscious kaya ni Minsan ay Hindi ko inisip na magkakaroon siya ng sakit.




Siya itong parating healthy Ang kinakain...



Hindi ko inisip na magiging ganito Ang kahihinatnan Niya.



Kasabay ng pag-iisip ko Ang sunod-sunod na mga luhang tumatangis sa aking mga mata. Hearing this kind of news broked my heart into hundred pieces.kumalas si dad sa pagkakayakap sa akin at Ganon nalang Ang pagdaos-dos ko sa sahig.



Wala na Pala akong lakas...


Nawalan Ako ng lakas...



Lumuluha Kong tinignan Ang pintoan Kong saan dinala si mom.



How to FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon