"k-kong kaya mo a-akong iwan? A-ako Glace h-hindi..."
"k-kong kaya mo a-akong iwan? A-ako Glace h-hindi...
'k-kong kaya mo a-akong iwan? A-ako Glace h-hindi..."
Ilang oras na akong nakahiga dito sa aking kama ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok, paulit-ulit ko lang naririnig ang sinabi sa akin ni tyrone kanina. Bakit ganon siya? Kong dati ay kay dali lang niya akong baliwalain? Bakit ngayon? Bakit ngayon parang iba? Minsan talaga hindi ko siya maiintindihan. Bumangon ako sa pagkakahiga at kinuha ang papel at ballpen kong saan ko sinusulat ang mga gawang tula. Nang makuha ang mga iyon ay lumabas na ako sa aking kwarto at tumungo sa study table. Madilim na dito, nang dumating ako kanina ay tulog na si Mia at wala na rin si teo sa bahay.
Poem #3
"Is it Love?
That's what my brain say
It is Love!
That's what my heart utter
It's complicated and dubious
Stumble when people say
But I know what I felt
It is fondles
And it's endless
But what if
Everything is confound?
Is it still fondles
And endless?"
Ang daming nangyari sa araw na ito, ang dami ring realization at hinanakit na nagsilabasan pero hito parin kami ni tyrone, ginagawa ang lahat maging okay lang ang lahat ng komplikadong dapat ayosin.
*******
*K I N A B U K A S A N*
Nagising ako dahil sa ingay ng aking cellphone, nang tenignan ko iyon ay si mama pala ang caller kaya ay sinagot ko agad.
"Hello ma! Napatawag ka?" tanong ko nang masagot ang tawag. Midyo inaantok parin ako kaya ay nakahiga parin ako habang nasa tainga ang telepono.
"anak, alam mo bang laman kayo ni tyrone sa mga news? Pati rin sa mga social medias, kamusta ka diyan? Di Kaman lang tumatawag sa akin baka mag tampo na ako niyan." mahabang ani pa ni mama sa akin.
"ma naman... naging busy lang pero tatawagan naman kita kapag may bakanti ako eh.." ani ko sa kaniya
"talaga lang Glacelyn" pagalit niya pang ani
"oo no.. ikaw pa." ani ko ngunit wala akong narinig na sagot galing sa kaniya. Tinignan ko pa ang aking cellphone baka kasi pinatay niya na ang tawag ngunit hindi pa kaya binalik ko sa aking tainga ang cellphone.
"Hello ma?"ani ko habang hinihintay si mamang mag salita. Narinig ko siyang nag buntong hininga kaya ay nag salita ako ulit.
"Okay lang po ba kayo ma?" midyo kinakabahan narin ako dahil ilang minuto nang hindi nag sasalita si mama
"ma?" ulit ko pa, bumangon na ako sa aking pag kakahiga at tinuon ang buong attention sa tawag
"nak?"aniya dahilan ng pagkawala ng aking kaba
"eh bakit hindi kayo nag sasalita? Nag tatampo naba kayo?"
She sigh "hindi, may na-alala lang ako"
BINABASA MO ANG
How to Fall
Teen FictionAfraid of being hurt, afraid of being abandoned, and afraid of being unloved. Yan ang nakatatak sa isipan ni Glace. But what if Ikaw yung nanakit? Ikaw yung umiwan at Ikaw yung naubusan ng pag-mamahal. Are you still afraid of that? Are you still af...