Basura

13 2 0
                                    


Nangangamoy hanggang dito

Kahit anong tago

Kahit ilang tabo

Hindi mawawala at maitatago.



Walang konsensiya

Puro mga salita

Ngayon, nasa'n na?

Isang malaking bula.



Binigyan ng pwesto

'Di para sa sarili niyo

Kun'di para sa mga tao

Kanino ba dapat ang trono?



Pilit kayong nagtatago sa likuran

Ngunit lalabas din 'yan

Hindi pa ba sapat ang inyong yaman?

Gusto pang kunin ang para sa mamamayan.



'Pag may humarang sa daan

Buburahin at lilinisin

Hindi kami laruan

Lalong hindi alipin.



Kailangan namin ng pagkain

Hindi buhangin

Batas na makatarungan

Ang dapat lagdaan.



Kayo'y umaksyon

Magbigay ng solusyon

H'wag lang umupo sa upuan

Basura ng lipunan.

#

eyeseeyou_



Muni-muni (Poems Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon