912

15 3 0
                                    


Ang sama ng panahon

Katulad ng damdamin ko ngayon.

Hindi ko abot isipin

Na magkakagan'to, daming suliranin.


Kailan ba matutuldukan

Ang katanungan

Hanggang kailan matatapos?

Ang pagdurusang maraming pinupulbos.


Ano ba ang mas matimbang

Ang hinaharap o ngayon?

Mas maraming naghihirap

Pero gusto paring makamit ang pangarap.


Bakit ba kailangan ng pera?

Ito nalang ba ang pinakamahalaga?

Bakit sa dinami-rami ng pamilya sa mundo

Sa 'min pa binigay ang estadong ito?


Naawa na ako sa magulang ko

Gusto kong tumulong pero anong magagawa ko?

Nakakapanghina, nakakapagod

Ayaw ko na ng kasunod.


Bakit pa kaya sinasabi sa 'kin

Kung ako rin ay hindi alam ang gagawin?

Siguro paraan lang para gumaan ang pakiramdam niya

Pero lingid sa kaalaman nila ang kirot ay lumalala.


Ang sakit sa puso

Na bawat tulo

Ng luha sa mga mata mo

Isang tanda ng pagsasakripisyo.


Gulong-gulo na ako,

Nakakatuliro

Gusto kong magalit, sumigaw

Pero ayaw kong ipakitang ako'y gumugunaw.


Kailangan kong magpakatatag

Dahil isa ako sa sinasandalan nilang patag

Gusto kong ikwento sa kaibigan ko

Ngunit kaya ko pa naman, kaya ko.


Nanghihingi ako ng paumanhin

Sa aking damdamin.

'Pagkat ayaw ko na itong pahabain

Ito'y akin nang tatapusin.


#

eyeseeyou_




Muni-muni (Poems Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon