Chapter 1

96 7 8
                                    

"Pa naman eh, kaka-hanap ko palang ng trabaho tas ikakasal na ako? Tapos ano pa? Hindi ko pa kilala? Papa sana naging kamote ka na lang." Sabi ko sakanya.

I'm Vin, fresh graduate, Bachelor of Science in Architecture.

"Aray naman pa!" Napadaing ako ng hinampas nya ako ng hawak nyang hanger.

"Ikaw yung kamote sating dalawa Vin, tandaan mo yan. Ano ba ang mali sa pag aasawa eh gwapo naman mapapa ngasawa mo anak, saka isa pa may hacienda sila at gusto ka ng ina ng binatang yun na ikasal kayo." Pag papaintindi nya sakin.

Gwapo.
Haciendero.
Mayaman.

"Ediwow, sana naging kang-kong nalang ako."

"Pa, kung gusto mong mag pakasal ulit ikaw nalang ok? Wag mo kong idamay dyan." Sabi ko at tumalikod na.

"Pa, kung gusto mong... mong sakalin kitang babae ka ha!" Pang gagaya nya sa sinabi ko.

"Pa naamaaan eh di ka mabiro." Habol-habol nya ako ng dala nyang pamalo hanggang makarinig kami ng katok galing sa pintuan.

"Buksan mo." Sabi ni papa.

"Ikaw mag buk- ito na nga bubuksan na po lods." Sabi ko habang inaasar sya.

Pag bukas ko ng pintuan, nakita ko ang isang matiponong lalaki at may kasamang matandang babae na kasing mas bata sa edad ni papa.

Everything was in gravitational force, my heart beat is starting to race like someone's gonna chase me. Just from then, the eye contact we made. And then magical happen— 'pota, marupok sa gwapo.'

Nabalik ang wisyo ko ng naramdaman ko na kinurot ako ni papa.

"Ay, pasok po ma'am at sir. Welcome sa aming home sweet home." Nag papalakpak pa ako pero walang effect. Peste.

"Pa, bakit mo ako pinahiya?" Bulong ko sakanya.

Napanguso nalang ako ng hindi nya ako pinansin. Famous amp.

"Good morning Lave." Biglang lumaki ang mata ko nang tawagin ni papa ang babae ng mahal.

"Papa naman? Bakit mo tinawag mahal si ma'am?! Hindi mo na ba mahal ang mama ko?!" Hindi ko napigilan ang pag taas ng boses ko.

"Pot- potato ka Vin! Si ma'am Lave yan, L A V E Lave! Jusko ka."

"They're funny mom, isn't?" Napatingin kami pareho ni papa sa lalaking nag salita at siningkitan ko lang sya ng mata.

"Muka mo nakakatawa." Naramdaman ko ang pag siko sakin ni papa.

Pinaupo sila ni papa sa salas, habang ako naman ay nag hahanda ng meryenda sakanila naranig ko ang mahinang asaran at tawanan nila.

Habang abala ako sa pag titimpla ng juice biglang tumonog ang cellphone ko.

From: JakeTheFlirt | 1 unread message

[ Tara gala? Nanalo ako sa STL bente mil, mabibilhan nakita ng napkin haha. ]

Habang binabasa ko ang text nya, gusto ko nalang syang kutusan.

Agad akong nag tipa at nag reply.

To: JakeTheFlirt

[ Babe, buntisin mo na ako. Ipapa arrange marriage ako ni papa sa hindi ko kilala. ]

Sent.

Hindi pa lumilipas ang ilang minuto at agad naman itong nag reply.

From: JakeTheFlirt | 3 unread message

I Accidentally Married A CheaterWhere stories live. Discover now