DAY 90
"THIS is a big mistake," mariing wika ni Lana habang nakasunod sa kanya.
Huminto si Homer sa paglalagay ng mga chocolate bars sa loob ng itim na tactical bag. Bumuga siya ng mahina at mahabang hangin habang nakatingala sa kisame ng basement kung saan sila kumakampong magkapatid sa nakalipas na tatlong buwan.
Pagod na nilingon ni Homer si Lana. Mula pa noong magsimula siyang mag-impake ay para na itong tutang nakasunod sa kanya.
"It is not," sagot niya sa nakababatang kapatid.
"It is," nanlalaki ang mga matang wika ni Lana. "A big mistake. A huge mistake. The worst mistake that you will ever do in your entire limited and uncertain life."
Napailing na lang si Homer at muling bumalik sa ginagawa. Alam niya kung gaano katigas ang ulo ng kapatid. Three days ago, he told her his decision and Lana had been convincing him not to go through with it ever since.
"Lana!" Naiinis na niyang tiningnan ang kapatid nang simulan nitong pagtatanggalin ang mga gamit na inilagay niya sa loob ng bag.
Ibinalik nito ang masama niyang titig.
"Stop it, okay?" wika ni Homer. "Stop. Just stop. You can't change my mind." Inilagay ulit niya sa bag ang mga chocolate bars at batteries na pinagtatanggal nito.
"You're being selfish, Kuya," Lana said.
Hindi tumitingin ditong sumagot siya. "What's selfish about this? I'm going to rescue someone who needs my help."
"Did she specifically ask for you? Hindi naman, 'di ba? So, why are you gonna risk your life for a person who doesn't even know you exist? And what about me? You're gonna leave me all alone here. And you're gonna get yourself killed trying to rescue that woman."
"You're 13, Lan. I know you can take care of yourself until I get back here with her."
"That's the fucking problem! Hindi ka makakabalik." Nagsimula nang tumulo sa mga pisngi ni Lana ang mga luhang kanina pa nito pinipigil.
"I will be back after a week. Trust me." Naglakad si Homer papunta sa puting aparador para naman kumuha ng bandages.
"You can't survive out there. If an able-bodied person can't even defend themselves against those monsters, what can an amputee like you do? At ipapaalala ko lang sa 'yo, Kuya, kasi mukhang nakalimutan mo na. Siya ang dahilan kaya nawala ang isa sa mga kamay mo." Kumuyom ang mga kamay ni Lana nang maalala nito ang araw na iyon. "That's why I don't understand why you want to go to that trash's aid."
"Lana!" Doon na muling napalingon si Homer sa kapatid.
Ayos lang na tawagin siya nito ng kung anu-anong insulto dahil tama naman ito. Alam niya iyon. Katangahan ang gagawin niya, pero kung para sa taong iyon, lahat ng katangahan nagiging rasyonal sa isipan niya. Kaya hindi siya papayag na tawagin itong basura ng kapatid niya. Nagtatagis ang mga bagang niya, ngunit nang makita ang luhaang mukha ng kapatid ay lumambot ang puso niya.
Bumuntong-hininga si Homer at naglakad palapit dito. Nakayuko na si Lana habang yumuyugyog ang mga balikat dahil sa pag-iyak. Gamit ang kaliwang kamay ay hinila niya ito palapit sa kanya at niyakap.
"I'm sorry if I'm being selfish, Lan. I just know that I will not be able to live with myself knowing that I didn't even try to go help her when she's asking for it. I'm sorry. But look at me."
Bumitiw siya sa yakap at hinawakan ito sa balikat. Lumuluha pa rin ang mga matang nag-angat ng tingin si Lana sa kanya.
"I promise you that I will come back here after a week. So, wait for me. Do not get out of here. You have everything that you will need right here in this basement. Seven days is short if you don't count. Can you do that for me?"
BINABASA MO ANG
Darkness' Oasis
Horror90 days after an infectious disease spread in the country, he finally managed to muster his courage and set out to find that place. Despite his impairment that was caused by one of those creatures, his resolve was strong and unwavering. He will find...