♪♪Special Chapter 03♪♪

29 4 2
                                    

Camile's POV

Oh my, first time kong pumunta ng bar. Syemay, napapayag kasi ako eh. Okay lang naman daw said my parents kasi kahit naman daw pag bawalan nila ako ay alam nilang tatakas lang ako makasama lang. Yeah, I have weird parents.

Kasama ko ang dalawang kaibigan ko na babae. Puro babae kami na pupunta and I'm so excited. Naka short shorts ako, short sando, and a cardigan. Di naman kasi ako nainom ng alak, sa amingng mag kakaibigan, ay isa lang ang umiinom.

"Camile, tara lets!" Bungad ng ni Sofia. "Good evening po Tito, Tita." Bati naman nya sa parents ko at halik sa pisngi, close na din kasi sila.

"Good evening po. Buti pinayagan nyong sumama samin si Camile. We'll won't broke your trust Tito." Bati naman ni Jasmine. Kaming dalawa ang di nainom.

"I believe in you Jasmine. Sino ba ang mag d-drive?" Tanong ni papa.

"Ako po Tito pero pag uwi ay si Jasmine na. Di po kasi talaga sya nainom ng alak. Safe kami sa kanya." Paalam ni Sofia. And after the sangkatutak na bilin ay hinayaan na kami makaalis. Napa woohoo pa kami pahkaandar ng sasakyan. Here we go!!

Di basta bastang bar ang pinuntahan namin. Isang high end bar kami dito sa taguig dinala ni Sofia. Di ko alam how she gain access pero wow talaga. May mga artista pa akong nakita pero walang nag papa selfie sa kanila, parang ordinaryong tao lang sila dito.

Paalala time muna kami. Mga bawal gawin. Bawal humiwalay, bawal sumama kung sino sino, bawal tumanggap basta basta ng drinks at in case of danger ay ang three hit combo: nose, gut, and feet. Di man knock out attack ay enough time to get away. Bawal din ibigay ang real name. Tonight, I'm Carla. Sofia is Denise. And Jasmine is Farah. Stick to that nicknames para safe. Tanda kong di palatandain ng name si Jasmine kaya sinulat nalang nya sa palad nya. Haha.

Party party na! Ang saya talaga. Ang galing ng DJ dahil sobrang nakakaindak ang mga songs nya. May mga nakikisayaw sa amin pero we like have this forcefield that a man can't break. A way to prevent the perverts, stay in your group.

"Powder room." Sigaw ni Sofia sa amin na tinanguan namin ni Jasmine. Naka ilan na kasi syang baso kaya siguro naiihi na sya.

Sumunod kami sa kanya at nasa dulo ako nang may humatak sa braso ko.

"Hi miss. Kanina pa kita sinusundan." Malagkit na bulong sa tenga ko. Now I think I wore my dress wrong.

"Sorry but I'm not interested." Mataray na sagot ko. Three hit combo lang yan.

"Fierce, just the way I like it." Nakakadiring banggit nya.

"F*ck off." Bangil ko sa kanya with my mataray eyes.

"Don't mind if I do." Sabay hagip sa balakang ko at akmang hahalikan ako nang may humatak sa braso ko paalis sa manyak na to. Napayakap ako sa kanya at pumulupot ang mga braso nya sa bewang ko. Nanatili sa ilong ko ang amoy nya na parang nakakahilo pero masarap amuyin.

The Bookworm and Mr. Reality (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon