♪♪Special Chapter 04♪♪

32 4 0
                                    

(Here at Antipolo for the Paquiao vs. Mayweather fight. Sh*t indeed!)

(Pabitin ulit si otor. Sareh. Hehe. The Howards ebrijuan.)

Markus

I miss going to the beach. Ngayon nalang ulit kami nakapagbakasyon magkakapatid and I really appreciate this one. Buong pamilya ay nandito and I can't exchange anything for this.

“Kuya. Island hoping na tayo." Yaya ni Elle na naka two piece bikini na. Eye candy sya sa mga tao and I can't blame the guys who keep on checking her out. Wag lang nila bastusin ang kapatid ko dahil tatlo kaming makakaharap nya.

“Tara." At tumayo na ako sa beach chair ko at inakbayan ko pa si Elle. Mabawasan man ang naka manyak tingin sa kanya. Di ko na din sya masaway dahil di matatapos ang usapan hangang di sya ang nananalo. Yeah, that's how brat she is.

Papunta na kami sa boat namin nang may mapansin akong isang familyar na babae. Naka black bikini top at black with white beach flower design na board short. Naka beach hat din sya and messy pony tail with shades. Leigh.

Napako ako sa kinatatayuan ko at lalo na nang may lumapit sa kanyang lalaki. Nginitian sya nito na ginantihan nya din ng isang genuine smile. Looks like they know each other.

“Kuya, the boat is leaving!" Reklamo ni Elle at nagpahatak nalang ako papunta sa boat namin while I look ay her getting into one too with the guy. Ang sakit parin pala.

Matapos namin magusap sa bar about us ay di na kami nagkita. Walang balikang nangyari and it seems like we both loathe each other. I have all the rights to, but her? Humor me please. Ma pride syang tao at ayaw din mag patalo. Close headed din sya at magaling maghanap ng way to get her out of trouble. Evil but only to one person, me.

I don't know how we end up loving each other. Lagi kaming magka away nun before Stephen died pero di namin pinapakita sa kanya. Pinapakita naming tropa kami but actually, we don't like each other, nawala lang nung naospital na sya and when he died, we met each other more deeper and naging kami. Tinago namin sa lahat because her brother started dating my sister. She says that it was so wrong to have that kind of relationship and being the eldest, she want our relationship over but I said no which I won for once.

Maganda ang flow ng relationship namin and I feel so light with her. Wala namang nag tatanong sa closeness namin dahil akala ng iba ay like Stephen ay best friends lang kami, na di namin tataluhin ang iaa't isa dahil ex sya ng deceased best friend ko pero di nila alam na sya pa ang may gusto na magkatukuyan kami.

The going get tough when our siblings broke up with one another. We never or rarely fight but nung nag kakalabuan na sila ay natakot si Leigh which I found absurd. Nag kaintindihan kami but one day, nung bigla akong nawala dahil sa nangyari kay Elle, di ko na nabalikan si Leigh. Bigla kaming nawala sa isa't isa at nangapa ako talaga. She left Facebook and any social media she had. Erased. Pati phone nya ay di macontact and it was like she just shut me off of her life. Ang sakit. Anong dahilan? Anong mali? Mag papaliwanag naman ako ah. Bakit di nya hinintay? Ang sakit. Lalo na nang may narinig akong balita, na she's engaged. And that was like a magic word for me to just stop. I quit. And I'm so dumb. Maybe that's her husband. They're on vacation and I'm totally out of the picture. Why would she pull something out like that in the bar that we co-owned if she's happily married? Or she's not?

The Bookworm and Mr. Reality (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon