Chapter 4

12 1 0
                                        

Ilang segundo bago ako natauhan mula sa pagkakatulala. Model? Jesus Christ! I don't even have the slightest idea about this thing and the likes. How could he offer me such favor? I know kasasabi ko lang na hindi ko pipigilan ang kahit na anong pabor na hihilingin niya sa akin, but this? Hindi ko alam.

"Chase sandali, lasing ka ba?" Napamaang siya at hindi makapaniwala sa narinig. Napahilamos siya ng mukha at pagkatapos ay malamlam na tumingin sa akin.

"Hindi nga ako nagbibiro edi lalong hindi ako lasing." Halata ang inis at pagkapikon sa boses nito. Kulang nalang umirap siya at bigwasan ako.

Wow! Siya pa galit? Sapakin ko to eh.

"I don't have a choice okay? I needed this promotion so bad. Dad doesn't want to help me and I understand. That's why I need to work hard for this, at ikaw ang tanging alam ko na makakatulong sakin." His tone is humorless and I've never seen him this eager to achieve something before.

"Bakit ako? Ang dami daming magagaling diyan at bihasa sa pagmomodelo. You can afford it, mayaman ka naman." Ngumuso ako at kumindat sa kanya. Wala lang gusto ko lang asarin. Let's see kung hanggang saan ang kaya niya para kumbinsihin ako.

"The category is androgynous beauty and you're the perfect fit for the role. C'mon, just say yes already..." Maaawa na sana ako eh. Pero bakit parang ang demanding naman ata.

Kulang pa Chase. Convince me more.

Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. I won't give you the satisfaction yet, you need to show me what you've got and how far will you go to succeed. I grew up without no one to teach me the rules of society. I became myself's companion, no one was able to share their beliefs with me. I have my own principles and I pledge to stand by it. Kaya naman sa bawat araw na may makikilala akong tao, I see to it that I learned something from them either in a good or bad way.

Nahigit ko ang aking hininga at halos lumuwa ang mga mata nang lumapit siya sa paanan ko at lumuhod. Goodness! I really don't know how to react.

"I'm not doing this just because I'm hopeless, but because I feel like I need to...." Lumunok siya at kitang kita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata.

"You're my friend but that doesn't mean I'll take you for granted. I'm sorry for making it look like you're being forced..." Pumikit siya ng mariin at para bang sumuko na.

"...but if you really don't want to do this then it's fine Azi."

Aba! Kanina lang ay halos maglupasay siya sa pagpupumilit. Well it's true, hindi dahil kaibigan mo mapipilit mo siyang gawin ang isang bagay na ikaw lang ang makikinabang. You should always consider someone's feelings. It's applicable not only to friendships but most especially to relationships.

"Chase tumayo ka nga diyan. Huwag kang attention seeker." Nakasimangot kong saad. Hindi niya ba halata na lahat ng tao ngayon dito sa loob ay nanonood na sa amin? He's a varsity player for christ sake!

Tumayo siya at pagkatapos ay masama ang tinging ipinukol sa mga estudyante. Pinigilan kong mapahagikhik nang umirap siya at hinila ako palabas. Tanginang to parang babae.

Wala siyang imik habang naglalakad kami at kung hindi pa siya tinawag ng isa sa mga kasamahan niya sa basketball team ay paniguradong hindi niya ako iimikin.

"Chase!" Humihingal ang isang matangkad at pawisang lalake na tumigil sa harapan namin.

"Dude, huwag kang mawawala mamaya sa practice game. May announcement daw si coach..." Mababa ang boses nito at habol ang hiningang tumingin sa amin.

Tinangunan lamang siya ni Chase at tumuloy na ito sa paglalakad. Akmang susunod ako sa kanya nang magsalita ulit ang lalaki. Sabay kaming napalingon sa kanya.

Reduce To TearsWhere stories live. Discover now