"I knew you were trouble when you walked in, but I still loved you more than you ever will"
Normal na araw lang dapat ang lahat but then I encountered YOU. The trouble maker. I didn't have any intentions getting involved with you but then one day, I...
"H-hello?" Sagot ko when Scar's number called me pero ibang tao ang nagsalita
"Hello mam? This is from the emergency room of ** Hospital, ask ko lang po if kilala niyo si Mr. Scar Crawford na may-ari netong number?"
"Y-yes po ano pong nangyari kay Scar?"
"Pasensiya na mam sa abala kayo po kasi yung nasa speed dial ni sir"
"Ano po bang nangyayari?"
"Nasa ER po si Mr. Crawford mam and he's in a critical condition, kung makakapunta po kayo ngayon sa ospital we advise you to do so mam"
"Ano?! B-bakit?!"
"Ang report po samin ng pulis natagpuan nilang walang malay at puro bugbog yung pasyente sa isang bodega when they followed and surveillanced for a certain gang"
"Oh my god. S-sige po!"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
1 month later
Missy's PoV
"Hoy!! Ano ba?! Gumising ka na dyan magpapaliwanag ka pa sa dami ng picture ko sa selpon mo! Isang buwan ka nang tulog oy!" Singhal ko sa comatose na si Scar... isang buwan na pero eto pa rin siya nakaratay sa ospital
The doctors kept on saying na pag di pa siya gumising there's gonna be a lower chance of survival after this, pero hindi ako naniniwala.
Hindi ganun si Scar... hindi.
Hinawakan ko yung kamay niya bago ko sinandal dun ang noo ko
"Scar... please... please wake up... wag namang ganito... ako na nga yung lumayo para iwas gulo dapat di ba? Ano ba? Bakit ka ba ganyan ha? Bakit kailangan umabot sa ganito?!" Iritang sambit ko but in reality tears are already falling down my eyes for the nth time this month.
Araw araw ko siyang kinakausap, ako halos ang bantay niya pagkatapos ng eskwela.
Araw araw ko ding sinasabi sa kanyang mahal ko siya. Araw araw akong nagmamakaawa na gumising na siya. Na wag niya kong iiwan...
Para kaming tangang naghihilahan sa magkabilang dulo ng tali, ako ang lumayo siya ang hihigit, ngayon... ngayon siya yung nasa dulo ng pisi na pilit ko hinihigit pabalik. Kasi... kasi hindi dapat... hindi dapat ganto ang mangyari samen. Hindi dapat.
"Scar... please... miss *sniffs miss na miss na kita ano ba?"
Nakayuko lang ako ng mga panahong yon when I suddenly felt movement kaya napatingala ako and again I saw his fingers move
"S-scar?" Tumingin ako sa mukha niya pagkatapos and there I saw him gradually open his eyes na hindi ko na napigilang mapaupo pabalik sa silya habang humahagulgol
Gising na siya. Lord, gising na yung taong mahal ko. Salamat po
Maya maya lang naramdaman ko may tumapik sa ulo ko kaya napatingala ako dito, pero nang makita ko yung ngiti niya saken wala akong ibang nagawa kundi yakapin siya.
"You came back..." sambit niya caressing my head kaya medyo lumayo ako sa kanya para tingnan siya sa mata
"Hindi naman ako umalis... hindi naman kita naiwan..." sambit ko holding his hand tearing up
"Sorry..." rinig kong sambit niya tearing up as well "sorry kung... sorry kung tinulak kita palayo... sorry"
"Sshh no. No. Wag kang magsorry. Wag... tama na yun, ha?"
"Duwag ako pagdating sayo... duwag ako..."
"Sshh tama na." Sambit ko wiping his tears away as well as mine, "teka lang tatawagin ko muna doktor mo ha? Saglit lang"
I was about to head out pero pinigilan niya ko kaya napatingin ulit ako sa kanya
"I love you..."
Para akong siraulong tumango tango sa sinabi niya as I responded back "i love you... mahal na mahal din kita"