Chapter 2
Ellisha's Pov.
"Sanaol may kayakap, when kaya ako makaranas ng ganun?"
Nakasimangot akong nakaupo dito sa table namin kung saan medyo malapit kami sa bride, at kanina pa ako naiinis sa pang aasar ng mga kaibigan ko about sa pag yakap dun sa lalaking di ko kilala, bat ba ang issue nila? eh sa sobrang saya naramdaman ko eh!!
"Ang snob naman ng isa jan! Porket may kayakap kanina eh!"
Naiinis ko nilingon si khira na siya ngayo'y inaasar ako, abaaa mukhang may gumaganti sa pang aasar ah " Inggit ka lang kasi di ka pa nayayakap ng bespren mo!" sabay belat sakanya na dahilan na ikatawa ng iba at ang pag simangot niya.
"Hoy! Sino may sabe na di pa ako nayayakap ng bespren ko? FYI, prinsesa ako ng bespren ko no!"
"Gurl, noon yun, di na ngayon" sabat naman ni Aira na ikatawa namin maliban kay khira
"Iba na ata prinsesa nun eh, di na ikaw" tawang tawang sabi naman ni aella na ikasimangot ni khira, kawawa naman kaibigan namin, foul din yun pinagsasabe namin ah! Magsasalita pa sana ako nung inunahan na ako ni khira
"At least di ako uhaw sa yakap ng di naman kilala"
"woi, foul yun ah"
"Gaga, nadala lang sa emosyon, di ako uhaw sa yakap no! At saka pano naging foul yun aella, eh di naman totoo" ayan na nagsisimula na kaming mag bangayan
"Ano ba, ingay ingay kumakain yung tao eh. Eat now, kill later" napatahimik kami sa pag sabat ni Heaven sa pag uusap namin, like dzuhh takot kami jan, nanghahalo yan ng pang LBM sa pagkain pag naiinis siya sa amin, ganun siya kasama pero Prens parin naman kami.
Kumain nalang kami ng tahimik sa sinabe niya, aba na trauma kaya ako sakanya nung nilagyan niya ng pam pa-LBM yung milktea na binigay niya sa akin, dahil lang sa pang aagaw ko lagi sakanya ng milk tea kaya ayun yung huling milk tea na ininum ko sakanya na tae ako sa panty ko jusko nakakahiyang pangyayare sa buhay ko. Napatingin kaming lahat nang lumapit yung mama ni cher april.
" Calli, pwede tulungan moko hanapin si aya? mag re-ready na dapat siya para sa wedding gift niya sa mommy niya at sa bagong daddy niya"
"Po? wedding gift po? anong wedding gift po ni aya?" tanong ko sakanya " kakanta si aya ngayon eh, kaso di ko mahagilap ang batang yun, jusko"
"Ah sige po, hahanapin ko po siya." sabi ko at tumayo na at tinignan ang mga kaibigan ko sa table. "Lalayas muna ako, hahanapin ko pa ang chikiting ni mader"
"Layas lang"
"Go"
"Akin na tong foods mo ah"
"Bye"
Kanyang-kanyang paalam nila saken kaya inirapan ko nalang sila at saka tumingin ako sa mama ni mader, saka ngumiti " Salamat hija, pupunta lang ako sa CR tapos tutulungan rin kitang maghanap sa batang makulit na yun"
Napatawa ako ng peke, well that's life, minsan peke, minsan totoo, di mo alam kung alin ang mga kinakasama mo kaya need mo rin makisabay, charringg! san ko ba nakuha yun? " Ah hindi na po, okay lang. ako na po maghahanap kay aya, CR po muna kayo tas kain na rin kayo"
"Ah ganuna ba? Nakakahiya naman"
"Di nga kayo nahiyang istorbohin ako sa pagkain ko eh" nakangiti kong bulong sa sarili ko
"Ha? Ano iyon hija?"
"Ah wala po! Sabi ko po, minsan need po natin kumain para di tayo madaling mapagod hehe" Napangiti naman siya saka hinawak ang balikat ko at umalis na, at dun ko lang narealize na kanina pa pala nakatingin ang kaibigan ko sa amin.
YOU ARE READING
When We believe (ON-GOING)
RandomPlease support my newest story! ⟨Sometimes we just need to believe in ourselves, make our dream come true, no matter what happens, no matter how painful it is, we have to make it come true, so that we can leave with no regrets⟩ ~Sea