3

1K 38 2
                                    

☯︎𝙴𝙻𝙻𝙸𝙹𝙰𝙷 𝙷𝙰𝚅𝙴𝙽☯︎

Dahil hindi marunong mag luto ang inyong bida hihintayin ko nalang ang pagdating ni Asher para magluto, bahala sya!

Ahhhh! tagal naman dahil sa buryong naglaro nalang ako sa cp ko ng plant vs zombie. Miss ko narin sila mom at dad, mag iisang bwan na ata simula nuong huli ko silang makita.

"BABE! BABE" mukhang maling bahay atah ang nauwian nang bwisit na ito.

"SINONG BABE? BABAE MOBA? HAH!" shit! bakit ganun ako mag reak? napaghahalataan na ang lola nyo. Nakita ko naman itong napangisi, buset!

"hmmm! why?" nang iinis ba ito? sarap kaltukan.

"tss! ewan ko sayo may pa baby baby pa kaninang nalalaman may iba naman palang pinagkaka-abalahan" bulong ko but swear narinig atah nya, dahil halos mapunit na ang kanyang labi sa sobrang pag ngiti.

"oh! anong nginingiti ngiti mo sir Asher?" hahaha gottcha, sabi kona e maiinis nanaman ito the way I call him sir nor Asher. Ayaw na ayaw kasi nyang tinatawag ko syang sir, parang sira lang.

"at ngayon naiinis ka naman? pa check up tayo sa doctor mukhang malala kana" hindi kona nga napigilan ang pag tawa at mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto, baka kasi mahambalos ako nang wala sa oras. I know him, his patience person hwag mo lang sagarin dahil lagot ka.

Narinig ko namang tumunog ang phone ko kaya dali dali ko itong sinagot without looking if whose the fvcking caller 'anong problema mo?' tanong ko at sumampa sa kama, ang lawak lawak ng mansyon ni Asher pero ang gago ayaw akong pag bukurin ng kwarto gusto pa atang itali ako sa kanya 'ang hot mo talaga Ellijah, ano na!' tignan mo mga ito, nagiging wild nanaman ang mga isip sana pala hindi ko nalang sinabi 'anong ano na? gago ba kayo? humanda kayo saakin bukas, hindi pa ako tapos sa inyo' banta ko at napangisi, paniguradong iiwas ang mga ito pero sorry sila kaklase ko e hahaha 'Ellijah naman, na curious lang naman kami e. Malaki ba?' may tig isang pasa na sana ang dalawang ito pag nasa tabi ko sila, grrr 'mga hayop! hwag nyo nga akong bulabugin nakaka-inis na nga si Lewis dumagdag pa kayo' at pinatay kona ang tawag, iinisin at iinisin lang nila ako.

'knock! knock! knock! kinabahan naman ako, lagot Ellijah mukhang galit si Lewis.

"walang tao" sagot ko, ayokong masapak ang gwapo kong mukha ito nalang ang bukod tangi kong asset dahil hindi tayo biniyayaan nang talino.

"just open the door" hindi ko parin sya sinunod bagkus nagtalukbong nalang ako nang kumot.

"I said open this fvcking door Ellijah Haven Ko Lewis" mabilis pa sa alas kwatro kung bumangon ako at pagbuksan sya, bwisit! dapat naiinis ako sa kanya pero anong ginawa ko? mababaliw na atah ako dito.

"ano bang problema mo?" kunwari walang ganang tanong ko kahit ang totoo ay sobrang kabog nang puso ko dahil sa kaba. Bat naman kasi sa dinami dami ng babaeng nakapaligid sa kanya ako pa ang pinagdiskitahang pakasalan? at ako naman si gago pumayag paanong hindi e pinagbantaan ako nila mommy, tss! kasalanan din nila.

"do I need to answer your question baby?" pa-irap ko namang binuksan nang maigi ang pinto para makapasok sya, common sense nalang kung hindi ko alam ang sagot. Hindi parin sya nakapagpapalit ng damit, naka pang guro parin sya.

"don't droll baby, its all yours" binato ko nga sya nang kung anong nahablot ko tangina sana hindi ko nalang ginawa iyun, MY PHONE!

"wahhhh! kasalanan mo ito" pahikbing tugon ko. Nuong kunin ko ito basag na ang screen at hindi na mabuksan, sa pader daw ba tumama.

"hintayin mo ako dito, mag shoshower lang ako" dahil sa inis sa kanya padapa akong humiga sa kama. Regalo pa naman ito ni mommy nuong 19th birthday ko pero eto sinira kolang, nasa 50k din atah bayad nun e. Lagot talaga ako pag nagkataon.

Narinig ko namang bumukas ang pintuan ng cr but never ko syang tinapunan nang tingin, naiinis parin kasi ako. Hindi atah mawawala ang inis ko sa lalakeng ito.

"baby Haven can you change your short into jeans, we're going to mall" hindi ko sya pinakinggan bagkus mas sinubsub kopa ang mukha sa kama.

"tanggalin mo nga yang mga braso mo, nababasa ako" gigil kong tugon nang yakapin nya ako, swear gustong gusto ko sa mga yakap nya pero gaya ng sinabi ko hindi pa ako handa for this but who knows bukas masabi korin ang totoo at sana pag dumating iyun hindi pa huli ang lahat.

"bumangon kana jan, sa labas nalang tayo kakain at ibibili kita nang bagong phone" dahil sa narinig agad nag ningning ang mga mata ko.

"totoo ba yan Asher?" my bad!

"Shin what I mean hehehe" dagdag ko at napa peace sign, dami kasing arte kesyo sa pangalawang pangalan ko daw sya tawagin.

Nag-ayos narin ako nang sarili para maka-alis na kami, excited pa naman akong mamili nang new phone and its our first time na lumabas, ah hindi pala nuong honeymoon kuno nagtungo kami sa SOKOR (south korea).

"about earlier" pag basag nya sa katahimikan.

"its my fault btw" sagot ko at tumingin nanaman sa may bintana, hindi parin kasi ako sanay na ganito kami kalapit sa isat isa. Nuon kasi bangayan lang ang nangyayari saaming dalawa wala ka ngang maririnig na maayos na pag-uusap but days past hindi ko alam nag-iiba na atah ihip nang hangin at pati ako nadadamay narin.

"okay, sya nga pala mom told me na gusto nyang sa kanila tayo mag dinner bukas"

"ANO?" gulat kong tanong, ibig bang sabihin neto makikita korin ang dalawang bwisit nyang kapatid?

"ahh! nabigla lang hehehe, naroon din ba si Ashes at Ashen?" iwas kong tanong, ayoko talagang magkakasama silang tatlo hindi kaya ng fighting spirit ko baka bukas rin ang huling araw ko sa mundo.

"yes, its a family dinner so nanduon talaga sila" sabi ko nga. Bat ang sama nyo saakin? Lord anak nyo rin po ako huhuhu! Ok lang naman silang kasama ang ayaw ko lang ay ang pang-iinis nila at pang hot seat saamin ng kanilang kuya at ito namang bwisit ginagatungan pa ang mga saltik na kapatid.

"can I hold your hand baby? pls!" ghad! matatanggihan koba ang ganitong kakyut? kagwapong nilalang?

"pero baka may makakita saatin" pag-iwas ko naman baka kasi may makakita saamin ichismiss pa kami. Sandali nga bat ang ayos ko kuma-usap ang kyut kasi e. Yun lang ba? hays! hwag na nga.

"I understand" sabi nya at pilit na ngumiti, gustuhin koman ngunit pinapangunahan ako ng takot.

Hindi ko sya sinabayan sa paglalakad hindi naman ito nag reklamo but I know hindi nya gusto ang pinapakita ko even me hindi ko gusto.

Do I need now to express my true feeling for him? natatakot lang ako for his career isa syang sikat na guro at maraming humahanga sa kanya baka maapektuhan ito at isisisi saakin.

"arghh! I can't hold it anymore" napatingin naman ako sa kanya dahil sa paghawak nya sa kamay ko, his using now a glasses and cap saan nya nakuha?

"where did you get that glasses and cap? Don't tell me you snatch it?" mabilis pa sa alas kwatro kung lumingon ito saakin.

"me? c'mon baby, this mall is ours kaya makukuha ko ang lahat ng gusto ko dito" napatango-tango naman ako. His right btw.





➪𝚌𝚞𝚝𝚝𝚝!!! 𝙴𝙽𝙹𝙾𝚈 𝚁𝙴𝙰𝙳𝙸𝙽𝙶 𝙼𝚈 𝚃𝚄𝙰𝙽𝚉𝙸𝙴𝚂 𝙷𝙾𝙿𝙴 𝚈𝙾𝚄 𝚂𝚄𝙿𝙿𝙾𝚁𝚃 𝚃𝙷𝙸𝚂 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈 𝙺𝙰𝙷𝙸𝚃 𝙷𝙸𝙽𝙳𝙸 𝙶𝙰𝙽𝚄𝙽 𝙺𝙰𝙶𝙰𝙽𝙳𝙰 𝙷𝙰𝙷𝙰𝙷𝙰 𝙷𝙰𝙻𝙰𝚃𝙰 𝙺𝙾𝚁𝙸𝙽 𝙺𝙰𝚂𝙸 𝙴 𝙿𝙴𝙰𝙲𝙴 𝙻𝙾𝚅𝙴 𝚈𝙾𝚄 𝙱𝙰𝙱𝙴𝚂. 𝙻𝚄𝙷𝙷 𝙼𝚈 𝚃𝚄𝙰𝙽𝚉𝙸𝙴𝚂 𝙺𝙾𝙽𝙰 𝙺𝙰𝚈𝙾 𝙼𝙰𝚈 𝙿𝙰 𝙱𝙰𝙱𝙴𝚂 𝙿𝙰 𝙷𝙰𝙷𝙰𝙷𝙰𝙷𝙰

𝙻𝚂1: 𝙸'𝙼 𝙼𝙰𝚁𝚁𝙸𝙴𝙳 𝚃𝙾 𝙼𝚈 𝚃𝙴𝙰𝙲𝙷𝙴𝚁 [𝙱𝚇𝙱] (𝚖𝚙𝚛𝚎𝚐)Where stories live. Discover now