☯︎𝙴𝙻𝙻𝙸𝙹𝙰𝙷 𝙷𝙰𝚅𝙴𝙽☯︎
Hindi naman sa nag-iinarte ako, ayoko talagang sumama sa mga kaibigan ko pero wala naman akong nagawa kung hindi ang sumama narin here sa mall.
Para narin makalanghap ng fresh air nasa mansion nalang kasi ako ni Asher palaging naka-kulong.
Its been a month narin ata simula nuong magkalamat ang aming relasyon dahil sa babaeng higad nayun. Ang panget nya talaga.
Nasa loob nga pala kami ng isang mamahaling restaurant, libre daw ng mag-jowa. Yes, Donell and Flux are officially in a relationship while Jashel and Darius started dating. So ayun ako nanaman ang nagmumukhang single saamin.
"bukas na pala gaganapin iyun" masayang usal ni Donell at hindi maalis-alis ang ngiti sa kanyang labi. Ano naman kayang magaganap bukas? ako lang ata ang walang alam.
"yeah!! and Im really happy because it will be the end" dugtong naman ng pinsan ko. Ano bang matatapos?? naiinis na talaga ako sa kanila.
"why dont you spill it out?" may halong inis kong tanong. Nagkatinginan pa ang mga ito bago ngumiti.
"malalaman morin bukas ang mangyayari" sagot ni Darius, ang unfair hah sila alam na tas ako hindi? mga walang hiyang kaibigan.
"true. Hope you like it and you'll be happy like us" dugtong pa ni Jashel. Tssk!!
"pano ko naman magugustuhan if I dont even know kung anong mangyayari bukas" ngumiti lang ang mga ito sa sinabi ko. Ang creepy nilang apat, mga naka drugs ata eh.
"its ok. Matutunghayan natin bukas ang isang especial na araw" napa okay nalang ako ng wala sa oras. Mga ewan, pinapa-ikot lang ako hindi ko naman alam kung anong tinutukoy nila kahit hint lang sana kaso wala.
"sya nga pala Ellijah nagka-usap naba kayo ni sir Asher?" napa-iling naman ako sa tinanong ni Flux dahil hanggang ngayon ay hindi pa nya ako kinibo or ano.
"mukhang dahil nalang sa bata kaya gusto nya akong mag-stay sa mansion nya" sagot kopa at huminga ng malalim wala naman na akong magagawa kung iyun na nga lang ang kanyang rason. Its hurt yes pero it was his choice.
"dont think that way Ellijah, malay mo may rason pala kung bakit ayaw ka nyang kausapin" sa mga sinasabi nila parang may nahahalata na ako pero nvm hindi ako sigurado sa iniisip, mahirap umasa nakaka-sakit ika nga nila.
"sana nga pero hindi ko alam. Unti-unti ko narin namang natatanggap eh" agad umiling ang mga ito na wari mo'y tutol - tutol nga talaga sila sa sinabi ko.
"thats not a good idea"
"dont be like that Ellijah"
"mahal ka nun ano kaba"
"he loves you so much diba?"
Samut saring sinasabi ng mga kasama ko, napaghahalataan talaga ang mga galaw nila. Hays!!
"bat kaya hindi nyo nalang sabihin saakin ang totoo?" asik ko sa mga ito.
"wala naman kaming sasabihin sayo hindi ba?" alanganing tugon ni Donell, sana nga wala talaga dahil kung hindi makakatikim sila saakin ng tig-isang batok.
Mga walangya mapatunayan kolang talaga na totoo ang naiisip ko, hmmm!! Im happy sana nga totoo nalang.
"ok! sabi nyo eh" balewalang sagot ko. Hindi pa ako nakakasigurado sa instict ko dahil ahhh I dont know, basta bahala na.
"oh sya tumayo na tayo rito para naman makapag libang pa tau dahil monday nanaman bukas" alanganing asik ni Darius at nuong tumingin ako rito simple lang syang ngumiti, OK? creepy talaga.
Ayun nga gaya ng sinabi ni Darius lumabas na kami ng restaurant at dumiretso sa mga naka helerang bench. Shit!! parang naglalaway ako sa nakikitang ice cream kaya bago pa lumabas ang aking laway ay agad na akong tumayo at bumili ng strawberry flavor parang ang sarap lang kasi sa pakiramdam.
"what a dessert" kumento ng mga ito. Hindi ko nalang sila pinansin at tumutok sa kinakain baka kasi makatikim na talaga sila saakin ng mag-asawang kaltok. Para kasing mga ewan, alam namang buntis ako ehh.
"oww look who's here too" agad narindi ang aking tenga dahil sa boses na narinig, hanggat dito ba naman sinusundan parin ako ni kamalasan?
"day by day you're getting fatter Ellijah" kaysa patulan ang babaeng walang magawa sa sarili nag focus nalang ako sa lusaw ng ice cream.
"so your ignoring me? tss! let see kung anong magiging reaksyon mo bukas" kinabahan naman ako sa narinig, so mali talaga ang nasa isip ko? pero ano ba talagang mangyayari bukas? pinagkaka-isahan ba nila akong lahat?
"just shut up Kheigt hindi ka nakakatuwa" inis na sita ni Donell pero inirapan lang sya neto na kinainis nya lalo.
"ihanda mo nalang ang sarili mo tomorrow Ellijah baka kasi himatayin ka HAHAHA" mala demonyo nyang paalala na kinakulo ng dugo ko. How dare her, ang pangit na nga mas naging panget pa dahil sa kademonyohan.
"kung ako sayo aalis nalang ako before I do wrong against you, kahit babae ka papatupan talaga kita. Namumuro kana" mahabang usal ko na alam kong kinakilabot nya dahil sa simpleng paglaki ng kanyang mga mata, thats good kilabutan ka nga.
"tss!" tanging nasabi nya bago sila umalis sa harapan namin. Nakaka-inis talaga ang bruhang yun.
"kalma Ellijah remember buntis ka baka mapano ang dinadala mo" pag-aalo nila saakin dahil hanggang ngayong wala na sila ay nag ngingitngit parin ako. Ang sarap nyang itapon sa kanal bagay naman sya dun parehong mabaho.
"aalis na ako. Nawalan na ako ng ganang gumala" paalam ko sa mga ito at nauna ng umalis. Piling ko niloloko narin ako ng mga kaibigan ko, parang may lihim silang ako lang ang walang alam. Meron nga talaga pero ayaw nilang sabihin saakin at bukas ko nalang raw malalaman, mga walang hiya kasi, kainis.
Pumara lang ako ng taxi at sinabi kung saang village nya ako ihahatid.
×××CUT!! HALA MAGAGANAP NA ANG PART NG HINIHINTAY NI ELLIJAH HAHAHAHA ABANGAN NALANG
KEEP ON VOTING, COMMENTING, FOLLOWING AND SHARING MY STORIES
LOVE LOTS MGA READERS/FRIENDS
YOU ARE READING
𝙻𝚂1: 𝙸'𝙼 𝙼𝙰𝚁𝚁𝙸𝙴𝙳 𝚃𝙾 𝙼𝚈 𝚃𝙴𝙰𝙲𝙷𝙴𝚁 [𝙱𝚇𝙱] (𝚖𝚙𝚛𝚎𝚐)
Romance𝚃𝙷𝙸𝚂 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈 𝙲𝙾𝙽𝚃𝙰𝙸𝙽𝙴𝙳 𝚂𝙾𝙼𝙴 𝙼𝙰𝚃𝚄𝚁𝙴 𝙲𝙾𝙽𝚃𝙴𝙽𝚃 𝙸𝙵 𝚈𝙾𝚄 𝙰𝚁𝙴 𝙽𝙾𝚃 𝙸𝙽𝚃𝙾 𝙾𝙿𝙴𝙽 𝙼𝙸𝙽𝙳𝙴𝙳 𝚂𝚃𝙾𝚁𝚈 𝙱𝙴𝚃𝚃𝙴𝚁 𝙱𝙰𝙲𝙺 𝙾𝙵𝙵 𝙿𝙴𝚁𝙾 𝙷𝙸𝙽𝙳𝙸 𝙽𝙰𝙼𝙰𝙽 𝙻𝙰𝙷𝙰𝚃 𝙿𝚄𝚁𝙾 𝚂𝙿𝙶, 𝚂𝙾𝙼𝙴 𝙿𝙰𝚁𝚃...