Chapter 1

1.5K 76 21
                                    

C H A P T E R  O N E

+++

ETHAN

     Pasakay na ako ng kotse ko nang tawagin ako ni Hans, ang kaibigan ko na may ari ng isang sikat na bar. He is one of us, an emperor.

"Bro, napatawag ka?"

[Ethan, dumiretso ka agad dito sa gymnasium pagdating mo sa university. May kalaban nanaman tayo.]

"Nanaman? Teka nga, paano naman nakapasok sa school natin ang mga yan?"

[Abah ewan ko. Malamang nakisabay sila sa mga sasakyan ng ibang studyanteng taga rito. You know, I really don't know. At tiyaka, pwedeng pumunta ka na lang dito? Wag ka ng matanong.]

Bumuga ako ng hangin at sinipat ang relo ko. Magaalas-otso na pala. 9:00 am magsisimula ang klase namin. Tss.

"Osige, Papunta na 'ko."

[Good. Hinihintay ka namin dito. Ikaw lang naman ang wala unggoy ka!]

"Talaga? Nandiyan si John?" tanong ko. Si John ang leader namin. Mas mataas siya samin at mas matalino. Plus the fact that he is the son of the owner and the soon to be owner of the university.

[Siya pa ba ang mawawala? Bilisan mo na nga!]

"Oo na, oo na! Putangina mo. Maghintay kayo. Para namang di niyo kaya ang mga yan ng wala ako."

[Actually, kayang-kaya naman namin. Kaso bro, ikaw naman talaga ang pakay nilang punyeta ka!]

Ako? ako nanaman? "Girl problems again?"

[Ano pa nga ba? Ikaw lang naman ang playboy samin! Kaya pumunta ka na dito!]

"Oo na nga. Sige na." sabi ko at binaba na ang tawag.

Agad na sumakay ako sa kotse kong Lamborghini Veneno at pinaharurot ito. Tss, ang aga-aga, may gulo nanaman? Abah puta! Masakit pa ang ulo ko sa kaiinom ko kagabi sa bar ni Hans. Ang siraulong 'yon! Nilasing ako kagabi ng experiment niyang alak tapos ngayon ang lakas ng loob na murahin ako. Tanga talaga.

Pagdating ko ng university ay dumiretso na nga ako sa gymnasium. Dun ko ipinarada ang sasakyan kong mas magara pa sa buhay ng mga kalaban namin. Mabuti na lang at walang tao dito kundi baka pagkaguluhan nanaman ako. Tss. Wala eh, guwapo ako masiyado. 

Bumaba ako at pumasok sa gym. Mukhang nakahanda na nga silang lahat at ako na lang ang wala. Anim lang ang kasama ko at mahigit 10 ang kalaban namin. Tangna, madami nga, mukhang totoy na tagakanto lang naman. 

"Kanina ka pa namin hinihintay."sabi sakin ni Dave nang makalapit ako sa kanila. 

"VIP ako pare eh. Intindihin mo naman ako." sagot ko

"Gago."

Ngumisi lang ako at bumaling sa kalaban na nasa harapan namin. Nasa gitna nila ang lalaking mukhang siga. Psh, mukha lang naman. Ito marahil ang leader-leaderan nila.

"Anong kailangan niyo sakin?" tanong ko

Masama ang tingin na ipinukol nilang lahat sakin, lalong-lalo na ang lalaki sa gitna. "Tangna mo din ano? Nagmamaang-maangan ka pa! Matapos mong agawin sakin ang syota ko?!"sigaw niya.

Ngumisi ako at di napigilang tumawa.

"At anong tinatawa-tawa mo diyan?!"

"Sorry, natatawa lang ako. Ang sabi mo kasi, inagaw ko ang syota mo. Tch. Para malaman mong gago ka, wala akong inaagaw. Hindi ako mahilig mang-agaw. At kahit kailan, hindi ako nang-aagaw. Sadiyang lapitin ako ng mga babae. Kasalanan ko bang lumapit sakin ang syota mo? At tiyaka, sino ba yang girlfriend mo? Pasensiya ka na, masyado kasing marami ang lumalapit sakin kaya di ko alam kung sino ba naman ang tinutukoy mo."

The Witch For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon