C H A P T E R T W O
+++
ETHAN
"Strike! Batter out!"
"Ang galing pa rin talaga ni Ethan."
"Walang siyang kasinggaling sa pagpitch!"
"Malapit na ang match nila. Paniguradong panalo nanaman ang school natin."
Napangisi ako sa mga narinig ko.
Yan, ganyan nga. Praise me! Talaga namang magaling ako. Wala eh, tatak Villela 'to! Guwapo na, sporty pa.
Agad na akong nagtungo sa bench para magpahinga. We're here at the baseball field of our university right now. Practice game with my team ang ginagawa namin ngayon para sa paghahanda sa magiging next match namin. Malapit na rin...10 days to be exact. Well, I'm pretty confident that we're gonna win the game but still, hindi namin sila dapat minamaliit. Lalo pa't balita namin na may bagong member sila na magaling. Tss, pero alam ko na mas magaling pa rin talaga ako.
"That's it for today. You did a great job." anunsyo ni coach at pinapunta na ang lahat sa bench.
"Wala muna tayong magiging practice bukas para makapagpahinga kayo. I want you to relax your body for just a day. Masyado na rin kayong napagod sa pagtretraining niyo. But after tomorrow, magpapractice na ulit tayo. Is that clear?"
"Yes coach!" sigaw naming lahat.
"Good. Ayaw na ayaw kong may nag-aabsent during practice. Malapit na ang laban natin kaya kailangan nating maghanda ng mabuti. Alright, dismissed."
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. I guess dederetso na 'ko sa bahay. Masyado rin akong napagod kaya kailangan kong magpahinga.
"Uy Ethan, balita ko may nakaaway kayo nung isang araw." tawag ng pansin sakin ni Mark habang nagliligpit siya ng gamit niya
Nang marinig 'yon ng mga kasama namin ay nakiusyoso na rin sila. Mga chismoso talaga. Napailing na lang ako.
"Sino namang nagsabi sayo?" Tanong ko
"Edi yung fansclub niyo. Alam mo naman na mabilis ang mga antena nun pagdating sa inyo."
Tss. Sabi na nga ba.
Nagkibit-balikat na lang ako "Wala namang bago dun."
"Grabe! Iba talaga pag matinik sa chicks! Matinik din sa gulo."
"Kayang-kaya naman namin protektahan sarili namin." Sabi ko
"Siyempre. Para san pa't naging emperors kayo?" Sabi ng isa sa mga kasama ko na si Joey--first baser.
Napangisi na lang rin ako "Wala eh. Ganon talaga."
"Kaya idol ko kayo eh." Sabi ni Jack. Pitcher din.
I just shrugged. "Una na ko."
They just nodded and packed their things. Nauna na akong umalis sa kanila. Damn, I'm tired as fuck. All I want to do right now is to rest.
"Waaaah paalis na si Ethan!!"
"Ethan my loves! Wait lang!"
"Harangin niyo!"
"Hintayin mo kami bebe Ethan!"
Shit! Paminsan talaga nakakainis din tong mga babaeng fans ko.
Akmang tatakbo ako nang may humintong sasakyan sa tabi ko.
Naknang!
"Hop in!"
BINABASA MO ANG
The Witch For Me
Fantasy[UNEDITED] Ethan Jace Villela is a known playboy. Nakukuha niya ang isang babae sa isang iglap lang. He's rich, smart and handsome. And there's this one girl whose name is Trayzeya---and know what? She's a witch ----------x EMPEROR #1 Ethan Jace Vil...