PROLOGUE

871 61 6
                                    

THE WITCH FOR ME
Written By: RollingChaos
All rights reserved

+++

[HUMAN WORLD]

"Hanep! Pano ba yan, panalo nanaman ako!"

"Putangina mong unggoy ka! Pandaraya yung ginawa mo. Tch."

"Bro, wala naman tayong usapan na bawal magtago ng baraha."

"Oo na lang. Tae, daya mo!"

Inilahad ko ang kamay ko at don, inalagay ni Deejay ang bente pesos na buhat ng pagkatalo niya sa paglalaro namin ng baraha. Wala eh, matalino ako. At tsaka, wala naman kaming sinet na rules kaya okay lang kahit anong mang gawin ko. Freestyle kumbaga.

"Hoy kayong dalawa, ano nanaman ba yang ginagawa niyo?" ani Dave na kararating pa lang. 


Ngisi-ngising nalipat ang tingin ko sa kaniya "Naglaro kami ng baraha. At siyempre, panalo ako!"


"Eh paanong hindi ka mananalo? And daya mo kayang maglaro, tarantado ka!" napailing siya "At magkano nanaman ang pusta niyo?"

Nagkibit-balikat ako "Bente."

"Bente? Abah walangya! Nagsayang kayo ng oras para lang sa bente? Ang yaman yaman niyo, kuripot naman."

"Tss. Wag ka ngang KJ bro. Umalis ka na lang. Ang pangit mo!" singhal ko

"Tangna mo Villela. Tangna mo.." Napailing-iling siyang lumabas

Oh well.. Yes, I'm a Villela. Let me introduce myself. My name is Ethan Jace "Guwapo" Villela. 18 years old and a certified hot student of Carson University. I'm an heir but I don't really care. I condsider myself as a normal person. Kumakain, natutulog, nag-aaral, humihinga, naglakakad, tumatakbo.. Studies? Hmm, hindi sa pagmamayabang pero matalino naman ako. Kaya kong ipasa ang lahat ng subject ng wala ang tulong ng kahit na sino. Looks? Well, halata naman siguro. Pangalan pa lang guwapo na. Sports? As a matter of fact, I'm a baseball player, yeah.  Girlfiends? Nah. I don't do relationships. Girls are irritating. But I would love to screw them all.  Yes, this is me. I am Ethan Jace Villela---a Casanova.

----------X


[TIERRA VERAMEDEN--KINGDOM OF THE WHITE WITCHES]

"Mahal na Reyna, masyado ng nagiging pasaway ang Prinsesa Trayzeya. Kapag nagpatuloy ito ay--"

"Huminahon ka Reyafel. Hindi ikaw kundi ako dapat ang namomroblema tungkol sa anak ko."

"Ngunit--"

"Alam ko na nag-aaalala ka. Kaya't wag kang mabahala pagka't may naisip na akong paraan para turuan ng leksiyon si Trayzeya."

"At ano namang leksiyon yan, Reyna Witchita? Sana naman ay hindi masiyadong masaktan si Prinsesa Trayzeya diyan. Nag-aaalala rin naman ako sa batang 'yon."

Nahigit ko ang aking hininga ng marinig ko ang usapan ng aking ina at pinagkakatiwalaan niyang si Reyafel.  Leksiyon pala ha? At anong klasong leksiyon naman yan at maihahanda ko ang sarili ko ngayon pa lang. Tss, gusto ko tuloy matawa. Alam naman nila na hindi nila ako makokontrol. Bakit ba napakapursigido silang patinuin ako para maging susunod na reyna? hindi ba nila batid na ayaw kong maging pinuno. Nakakainis!

Ako si Trayzeya. Ang panganay na anak ng aking inang si Witchita at isa sa prinsesa ng Tierra Verameden. Masasabi kong mahusay ako pagdating sa mahika at paggamit ng mga potion. Magaling ako sa pakikipaglaban at matalino ako. Kaya kung ano man ang binabalak ni Ina ay handa akong harapin 'yon pagka't alam ko naman na madali ko lang iyon malalampasan. Oo, Ako si Trayzeya--isang mangkukulam.

----------X

[A/N: Pinublish ko lang ulit lol. Ito yung time na gusgusin pa ako masyado habang sinusulat to. Neneng-nene ang lola niyo lol]

The Witch For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon