Chapter 3

708 64 18
                                    

C H A P T E R  T H R E E

+++

ETHAN

"Salamat dito pare."

"Walang anuman."

Nandito ako ngayon sa Carson University. May kinuha kasi akong importanteng papeles kay John, isa sa mga kaibigan ko.

Siya ang anak ng may-ari ng pinapasukan naming University.

John Carson, Ang leader ng EMPERORS.

Kung nagtataka kayo kung ano yung EMPERORS, Well, kami 'yon.

That's what they call our group.

Sa school na 'to, kaming magkakaibigan ang pinakamayaman. Laging top sa business world ang mga apelyido namin. At sino pa ba ang mga tagapagmana? Siyempre, kami!

We are seven in the group. And we are all friends. No wonder na maraming naiinggit samin.

Kung naaalala niyo ang may-ari ng bar na si Hans, pwes isa siya sa miyembro ng EMPERORS. Ako at si John.

And the rest are named, Xander Villanueva, Deejay Paredes, Dave Clarkson and Carl Medina.

Papaalis na sana ako ng office nang tawagin ulit ako ni John. Kaya naman napalingon ulit ako sa kaniya.

Nakatingin lang siya sakin na parang may inaalala. Napakunot-noo ako.

Ano nanaman kaya ang nasa isip ng gagong 'to?

"Bakit ba? May sasabihin ka pa?"

Bigla na lang siyang natawa at napailing "Wala...Wala. May naalala lang ako. Sige, umalis ka na."

Naningkit ang mata ko pero hindi ko na siya kinulit. Tumango lang ako at lumabas na rin.

Paminsan talaga, may sayad sa ulo yang si John. Tss.

Lumabas na ako patungong parking lot at sumakay ng kotse.

Kulay grey na Bugatti Veyron and gamit kong sasakyan ngayon. Wala lang, trip ko.

Ilan sa mga kotseng ginagamit ko sa lakad ay mabibilang rin sa kotseng ginagamit ko sa mga racing.

Hindi naman talaga lahat. Kasi ang mga sports car ay madaling maubusan ng gas. Kaya kailangan lagi kang magpapaload.

Kaya minsan, yung normal na kotse na lang ang ginagamit ko.

Nasa gitna ako ng pagmamaneho nang tumawag si Hans sa phone ko.

Sinagot ko naman ang loko.

"Oh?"

[Wow! Ganda ng bungad mo bro! Walang hello-hello?]

"Pake mo ba?"

[Tss. Edi ikaw na!]

"Bakit ka tumawag?"

[May naghahanap sayo dito bro! Ste..St.. Ano nga yon ulit? Takte, nakalimutan ko! Teka-- Ano nga yung pangalan nung babae sa labas? .....Ahh oo pala. Stella daw bro!]

Nagsalubong ang kilay ko. "Stella? Who the fuck is Stella?"

[Abah malay ko sayong gago ka! Ikaw ang mahilig mambabae diyan eh!]

Napabuga ako ng hangin "Sabihin mo, hindi ko siya kilala! Palayasin mo na yan."

[Kung makautos ka ah! Ayos din! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, hinahunting ka na ng mga babae mo!]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Witch For MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon